Days passed by at lagi akong nakatulala. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. These past few days ay lagi akong kinakabahan hindi ko naman alam kung bakit.
I tried to text Pol but he never replied on any of my text messages. Siguro mas gusto niya si Pau? I really don't know.
Gusto ko kasing marinig iyong explanation niya ngayon. I know na nagjudge agad base sa nakita ko noong nasa Zambales kami. Nadala na naman ako ng emotion ko.
Andito ako sa labas ng bahay, nakaupo sa isang tabi. Dalawang araw na lang at magpapasko na.
Dumaan ang pasko ng hindi nagparamdam si Pol. Dumaan ang pasko ng hindi niya ako binati man lang. Nalungkot ako roon, kahit man lang bilang nag-iisa kong kaibigan ay sana binati niya ako.
Nag-celebrate ako ng Christmas mag-isa kahit na tinawagan naman ako nila mama at papa para batiin. Nakakalungkot lang na wala akong kasama.
Sa totoo lang, inaasahan ko talagang pupuntahan ako ni Pol para batiin or kulitin. Ganoon ba siya kagalit sa akin na kahit pasko ay hindi niya ako mapuntahan or batiin kahit sa text man lang.
December 26 na, iyong Christmas ko ay naging malungkot. Walang makausap. Ngayon wala akong magawa kung 'di tignan ang langit, kaunti lang ang mga bituin sa kalangitan siguro ay uulan bukas o mamaya.
Nagulat ako dahil alas-otso na ay may dumating pang sasakyan sa tapat ng bahay ko.
Ilang saglit lang ay bumaba si Pau sa kotseng dumating sa harap ng bahay ko.
Mahahalata mo sa mukha at katawan nito ang labis na pagod. Mugto rin ang mga mata nito.
"Anong ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong sa kaniya.
"Lia gusto kitang makausap." Sabi niya.
"Para ano? Lia, mage-explain ako, gano'n? " Sabi ko.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?!" Pagalit niyang tanong.
"Don't you know na nakita ko 'yong ginawa mo kay Pol. How dare you! Una si Josh, pero ano? Hinayaan ko na lang kayo, nagmove on na lang ako. Tapos no'ng camping, gabi no'n noong nagtapat sa 'kin si Pol at na-realize ko rin mismo no'ng gabing iyon na mahal ko rin siya kaya dapat sasabihin ko sa kaniya kinabukasan pero ginulo mo kami." Iyak ko. Wala na akong magawa kung 'di umiyak.
"Iyon ba 'yong iniisip mo?" Tanong sa akin ni Pau.
"May iba dapat akong isipin Pau? Ha?" I said in between of crying and sobbing.
"Ayan! Ayan ang problema sa 'yo Lia. Hindi ka marunong makinig sa explanation ng iba." Sabi niya. "For your information, hindi ako girlfriend ni Pol or kahit ka-flirt man lang, okay?" Paglilinaw niya sa akin.
"Ano 'yong nakitang kong hawak sa kamay, yakap at halik sa noo?" Tanong ko ulit. Naguguluhan pa ako.
"I'm just comforting him, alam mo naman 'yong nangyari sa inyo no'ng gabi diba? Malungkot siya no'n. I'm his sister kaya malamang ay ico-comfort ko siya." Pagpapaliwanag niya.
"Kapatid mo si Pol?" Tanong ko.
"Oo, actually kambal kami pero hindi kami identical." Sabi niya.
"OMG! Kailangan ko siyang makausap, pwede mo ba kong samahan sa kaniya?" Alam kong madali kaming makakarating kay Pol dahil alam nito kung nasaan ang kakambal niya at may sasakyan din siya.
"Bago 'yon Lia, gusto kita makausap." Seryoso niyang sabi. Pareho kaming naupo sa silya sa tapat ng bahay, nakatingin kami sa kalangitan.
"Kahit ngayon lang Lia, makinig ka naman sa 'kin." Sabi niya. I prepared my ears to listen sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)
Teen FictionA girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will come to her life, will she give it a chance to fall in love or not?