Chapter 8

530 24 6
                                    


Days passed by, at December 17 na ngayon. Naging busy na kami sa kaniya-kaniya naming organization. Ako, sa publication. Ang publication kasi ay nagpro-produce and issue ng newspaper sa buwan ng December kaya naging hectic yung schedule ko this past few weeks. We did some overnight para lang maihabol yung ibang mga article and lay out. Madali lang naman para sa mga writer dahil after nila magsulat ay pwede na silang umalis, isu-submit na lang nila ito. Not like me na kailangan pa itong i-proofread at ang masaklap pa ay minsan natatambakan ako ng gawain kapag sabay-sabay silang nagpapasa ng articles nila.

"Mukhang pagod na pagod ka na ah?" Pol asked me.

"Sino ba namang hindi mapapagod? How many day we hadn't sleep? Tapos kanina we distribute school newspaper sa mga teachers. Nakakapagod kaya mag-ikot." Paliwanag ko.

"Kaya nga, that's my point. You're tired, kaya kumain ka na ng mas marami ngayon. Bilis." Sabi niya. Hinainan niya ko ng iba't-ibang pagkain at hindi niya ako tinitigilan hanggat hindi ko nababawasan ang bawat pagkain.

And lately, I noticed something, na mas nagiging sweet sa akin si Pol. I don't know if it's just me or nagbago talaga yung mga actions niya mas naging sweet siya.

After we eat our lunch ay pumunta na kami sa quadrangle ng school. Magkakaroon daw ng meeting para sa camping bukas. Isa pa 'to, yung camping na 'yan. Paano ba kasi bukas na 'yon tapos wala pa akong mga gamit dahil sa pagka-busy ko.

"I called all of you to be here because I want to discuss the rules for tomorrow camping. I just want to remind all of you on what you need to and also what you don't." Panimula ng Discipline Officer. Since then kapag nagkakaroon kami ng event ay napaka-hands on nila rito kaya naman halos lahat ng events na ginawa ng school ay nagiging successful o hindi naman ay maayos itong naitatawid.

Hindi ako makapagconcentrate sa sinasabi ng Discipline Officer dahil nangungulit itong katabi ko.

"Kainin mo na kasi 'to, last na. Promise." He raised his hands na parang namamata as sign of his promise, para siyang bata. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lang dahil baka pagkatinginan ako ng mga tao, he's cute and adobarable kapag ganiyan yung mga kilos niya.

Kinuha ko na lang after all he made an effort na magpacute eh.

"9 pm all of you dapat nasa tent na. Seperate ang tent ng mga boys and girls. Of course, bawal nang lumayo kapag 6 pm onwards na, madilim na kapag gano'ng oras. Sa gabi naman ay hindu kayo pagbabawalang gumawa ng bon fire as long as nasa time pa ito at may nagbabantay. At kung gugustuhin ng lahat na i-extend ang bon fire ay pwede niyong pakiusapan yung facilitator niyo sa kanila nakasalalay." Paliwanag ni Sir Fuentes, the school Discipline Officer.

Maya-maya ay kinalabit ako ng katabi ko.

"Alam kung bakit nagtaglish si Sir?" Tanong niya.

"Hindi." I don't have the time to asked the D.O. baka mamaya mapagalitan pa ako.

"Baka hindi niya na nakayanang mag-english." Hindi ko alam kung nagjo-joke ba siya or what eh.

Two hours passed by, at saka natapos ang mahahabang balitaktaktakan vat pagpapaliwanag ni Sir Fuentes ng mga gagawin namin bukas sa camping. Although may mga hindi ako naintindihan dahil maya't-maya ay nangugulit sa akin si Pol.

"Tissue kailangan mo ba?" Sabay abot nito sa akin ni Pol.

"Akin na." Nilahad ko yung kamay ko pero sa halip na ilagay ito roon ay nilagay niya ito sa cart niya. May dala akong basket pero wala pang laman. Paano magkakalaman kung lahat ng malaman nito ay kinukuha ni Pol at nilalagay sa cart niya, maya-maya ay binitawan ko na yung cart at binalik sa pinagkuhanan ko.

Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon