Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil linggo. Simula kasi nang simulan ko na, na magmove on sa mga mamgyari ay linggo-linggo na akong nagsisimba. Wait, speaking of move on, naalala kong may ginawa nga pala ako noon na Ways To Move On, yung listahan ng mga gagawin ko para makamove on. Agad kong inabot yung bag ko at kinuha yung listahan.Lia's 13 Ways To Move On
1. Kumain ng ice cream.
2. Magbar hopping.
3. Sumali sa isang organization.
4. Magsky diving.
5. Magscooba diving.
6. Magsimba.
7. Maging busy sa school.
8. Magcamping.
9. Manood ng sunset at sunrise.
10. Hindi ko na sila papansinin hanggang hindi pa ako nakakamove on.
11. Kakalimuta ko lahat ng nangyari.
12. Hahanap ng bagong kaibigan.
13. Hindi na muling iibig pa.Ginuhitan ko yung mga nagawa ko na sa listahan ko para malaman kong tanggal na ito at nagawa ko na. Tatlo na lang pala yung hindi ko pa nagagawa. 'Kapag nagawa ko kaya ito lahat ay makakamove on na ako.' Tanong ko sa sarili ko.
Binalik ko naulit yung listahan ko sa bag at ibinalik ito sa kinuhanan ko. At saka naghanda at naligo para sa pag-alis ko. Isang oras din ang inabot ko bago matapos sa paghahanda.
Pumunta na ako sa simbahan. Isang sakay lang naman ito mula sa tinitirahan ko para makarating ako sa simbahan.
Isinawsaw ko ang kamay ko at ginawa ang nakasanayan kong gawin habang nagsasabi ng 'In the name of the Father,' sabay dikit ng daliri ko sa aking noo. 'The Son,' dinikit ko naman ang daliri ko sa dibdib. 'The Holy,' sabay dikit ng daliri sa kaliwang braso at 'Spirit' sa kabilang braso naman. At sa huling sabi ng 'Amen' bago ko idinilat ang mga mata ko.
Labis ang gulat ko nang makita ko sa harapan ko si Pol na ginagawan din yung ginawa ko rito kanina. Pagkadilat niya ay hindi ng kaniyang mga mata ay hindi na siya nagulat na andito rin ako para bang hindi na siya nagtaka.
"Sabay na tayo magsimba?" Aya niya sa akin.
"Sige." Sagot ko. Napapansin ko lang na everytime na gagawin ko yung mga nakalista sa listahan ko ay lagi siyang nandiyan. Yung mga tinanggal ko sa listahan ko kanina lahat ng iyon ay ginawa ko ng kasama si Pol, nagkataon lang ba or nakatadhana?
'Malamang nagkataon.' Sagot ko sa sarili ko.
'Ama, maraming salamat po sa mga biyayang ibinibigay mo sa 'kin at sa pamilya ko. Patawarin niyo po ako sa mga kasalanang ko sinasadya man po ito o hindi. Humihingi po ako ng iyong gabay sa lahat ng aking gagawin. Gabayan at proteksyonan niyo rin po yung mama at papa ko. Bigyan niyo po ako ng karagdagang lakas para sa 'king pag-aaral. At sana tulungan niyo po akong makamove on.' Dasal ko. 'In the name of the Father, the Son, the Holy Spirit, Amen.' Pagtatapos ko sa prayer ko.
Halos dalawang oras ding tumagal ang misa. Minsan kinukulit ako ni Pol siguro ay inaantok siya kaya ganoon? Hindi ko rin alam kung bakit.
Umuwi kami sa apartment ko. He insisted na ihahatid niya ako after naming magsimba. Pumayag na rin ako dahil hindi niya rin naman ako tatantanan. Actually, hindi niya namang sinabing ipagluto ko siya pero pinilit ko siya noong sinabi niyang pupunta kami sa restaurant kaya sinabi kong sa bahay na lang kami kumain.
"Turuan mo na lang akong maghiwa nito para matulungan naman kita." Sabi niya sa akin. Kanina pa iyan nangungulit na tutulungan niya raw ako pero ayoko talaga.
"Ayoko nga. Relax ka lang d'yan. Ako na rito." Sabi ko sa kaniya. Nagluluto kasi ako ng adobo para sa amin.
Natapos akong magluto ng adobo nang nakatitig lang siya sa akin hanggang sa matapos akong magluto. Nakaka-ilang pero kailangan ko matapos itong pagluluto kaya hindi ko na lang siya pinansin pa.
"Kamusta? Masarap ba?" Tanong ko. Marunong naman talaga akong magluto pero hindi ko alam kung masarap ito pagdating sa ibang tao. Ako lang naman kasi ang nakakain ng mga niluluto ko.
"Ang pangit naman ng lasa. Sabi ko sa 'yo dapat kumain na lang tayo sa restaurant eh." Nagulat ako dahil pumuntanpa siya sa sink para lang isuka yung pagkain. Sa sobrang pagkagulat ko ay tinakman ko ito gamit yung kutsarang nagamit niya na.
"Hindi naman ah?" Sabi ko nang nagtataka.
"Ayoko na n'yan." Ganoon ba talaga kasama yung luto ko. Parang hindi naman ah.
"Okay." Sabi ko. Ililigpit ko na sana yung pinagkainan niya.
"Just kidding, masarap talaga gusto lang kitang makitang naiinis. Ang cute mo kasi." Sabay tawa at tusok sa ilong ko. Bakit ba kasi nanininiwala ako sa lalaking ito eh ayan tuloy.
Natapos na rin kaming kumain. Hinintay niya ako sa sofa habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin. Pinilit niya pa nga akong siya na lang daw ang maghuhugas pero hindi ako pumayag, bisita kaya siya.
"Uuwi ka na?" Sabi ko pagkatapos maghugas. Para naman bumalik na sa tahimik yung buhay ko.
"Nope." Kanina nakaupo lang siya pero ngayon ay nakahiga na siya sa sofa. Feel at home na feel at home talaga ah.
"Nuod na lang muna tayo ng movie, pwede?" Tanong niya habang nagpapacute.
"Ayoko." Nilagyan ko pa ng authority yung boses ko para mas magmukhang seryoso.
Nagulat ako dahil bigla niya na lang akong hinila dahil nakahiga siya sa sofa ay napaupo ako sa harap ng dibdib niya habang yung kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko.
"Hindi kita bibitawan hanggat 'di ka pumapayag." Sabi niya sa akin.
Kumuha na ako ng isa sa mga cd ko sa mga collection kong movies. Love, Rosie. Isinalang ko na ito sa dvd. Dahil sa wala akong maupuan ay hinila niya ulit ako kaya ang naging puwesto namin ay kagaya ng kanina.
"Pwede bang h'wag ganito yung pwesto natin?" Sabi ko habang umiikot yung mga mata ko.
"Okay, okay." Tapos umayos na siya ng kaniyang upo.
Hindi ko namalayan na nakahilig na pala yung ulo ko sa balikat niya at hindi naman siya nagreklamo kaya hindi ko na lang din ito binigyang-pansin.
"Kapag ako nagkagusto, lilinawin ko lahat. Magtatapat ako. Ayokong mamaya ay mahuli pa ang lahat gaya kay Alex at Rosie dahil sa maling interpretasyon nila ng action ng bawat isa kaya ilang years dim bago sil nagkatuluyan. Sayang yung years na dapat magkasama na sila, biruin mo kung una pa lang alam na nila, marami pa sana silang pinagsamahan na taon. Kaya kapag naguguluhan or may hindi ka naiintindihan dapat humingi ka ng explanation." Sabi niya tungkol sa palabas. Dahil ba ito sa adobo kaya nagkaganiyan siya?
"Siguro may mga bagay lang talaga na natatakot tayo. Hindi naman kasi lahat ng tao ay may lakas ng loob. Some of us don't have the guts to confess our feelings. Mayroon pa nga na natatakot silang aminin na mahal na nila yung isang tao eh. Hindi kasi lahat ng tao ay may lakas ng loob na sumugal. Ako? Kumg ako nasa kaagayan nila, matatakot din talaga ako. Childhood friends pa sila. Paano kung hindi magwork yung relationship nila? Sayang yung friendship na binuo nila." Paliwanag ko naman.
"To love is to take all the chances. Parang sugal, kapag nagmahal ka dapat handa mong isugal ang lahat." Sabi niya.
"Gano'n ba 'yon? Paano 'yong mga sumugal, yung binigay nila lahat kaya wala ng natira sa kanila? Sa sugal din naman may mga manloloko, gano'n din sa love may mga manloloko rin kaya bakit mo ibibigay lahat?" Sagot ko.
"Ibig sabihin ba na kailangan na sure win na may makukuha ka talaga bago ka magmahal?" Tanong niya.
"Hindi naman sa gano'n, basta." Sagot ko. Hindi ko mahanap yung tamang explanation.
Ilang oras pa ang lumipas bago niya napagpasyahan na umalis. Siguro mga alas-kwatro na noong napagpasyahan niyang umalis. Ilang oras din siyang nag-stay dito but somehow okay na rin iyon dahil nag-enjoy din naman ako.
BINABASA MO ANG
Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)
Teen FictionA girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will come to her life, will she give it a chance to fall in love or not?