Chapter #11: Time Pause

1.3K 94 14
                                    

Chapter #11: Time Pause

Metric's P.O.V.

"Akala ko ba walang infected rito?!" Tanong ko kay Mula na ginagamit ang tubo na nakita sa rooftop.

Napailing ako nang hindi siya sumagot, bago binaril ang isang infected na nasa likuran niya.

"S-salamat." Hindi ko na siya pinakinggan pa at tumakbo na papalapit kina Kuya Trape.

"Naloko na." Kaagad na sinabi sa akin ni Kuya Trape bago tumalikod at sumandal sa likod ko.

Parehas kami ngayong magkatalikuran na binabaril ang nasa paligid namin.

Hindi katulad ng nasa labas, masyadong maraming infected rito.

"Ano ng plano?!" Napalingon kami kay Uare na nasa gilid ni Rinter.

"Hanapin natin ang Department Store dito!" Sigaw ni Aby, na kaagad naming sinang-ayunan.

"Met, itipon natin ang mga kasama natin." Tumango ako kay Kuya Trape, bago ko naramdaman ang pagkakaalis niya sa pagsandal.

Sumunod akong tumakbo habang ipinapalo ang shotgun na dala sa mga nadadaanang infected. Una kong nalapitan ay sina Kuya Rence at Kuya Zoid.

"Sumama kayo sa'kin." Hindi na ako nakarinig pa ng pag-angal at saka lang sila sumunod.

Paunti na ng paunti ang mga nadadaanan naming infected sa hanay nina Uare at Rinter.

"Sumunod kayo." Kaagad na sumunod sa akin si Rinter, samantalang si Uare ay mukhang hindi ako narinig at panay ang palit ng bala sa shotgun na dala.

Napailing ako, bago hinila ang manggas na suot niya, dahilan para mapansin ako.

Tiningnan ko kung nasaan si Kuya Trape at hawak-hawak na niya ang iba, kaya naman pumunta kami kaagad doon.

"Anong gagawin?" Tanong ni Kuya Rence.

"Mas mapapadali tayo kung sama-sama, hindi natin kailangang ubusin ang infected dahil tiyak na kapag iyon ang ginawa natin, bala ang unang mauubos." Tumango ako sa sinabi Kuya Trape. Bago kinasa ang baril na dala.

"Kung ganon, anong plano?" Tanong ni Aspen.

"Hanapin natin ang Depart-" kaagad na naputol ang sasabihin ko nang may ituro si Mula.

"Ayon nasa kaliwa!"

Nagkatinginan kami ni Kuya Trape, bago ako tumingin kay Uare.

"Uare, magpahuli tayo." Tumingin sa akin si Uare, bago ko itinuro 'yung glass window sa gilid.

Tumango lang ito, bago ako muling sumenyas kay Kuya Trape.

"Tumakbo tayo sa loob ng Department Store pagkabilang ko nang--" Hindi na naituloy ni Kuya Trape ang sasabihin nang biglang tumakbo si Kuya Zoid kasunod si Kuya Rence.

Dahil doon sumunod na'rin ang iba. Dali-dali naman akong tumakbo, at saka pawisang pumasok sa may Department Store, saka ko nakita si Uare na hinhila ang glass window para maisara.

"Nakakabobo ba talaga kapag nasa ganitong sitwasyon na?" Sabay pindot ko sa button na nasa gilid ng glass window.

Dahil dito, biglang napaupo si Uare nang biglang gumalaw at magsara ang glass windo--

"Wah!" Napalingon kaagad ako kay Vanda nang napasigaw ito sabay takip sa bibig, nang makita namin kung paano maipit ang kamay ng isang infected sa nagsasarang glass window.

"Okay na. Okay na. Pwede na bang huminga?" Tanong ni Kuya Zoid.

Napaupo ako, bago tumingin sa mga infected sa labas nitong Store.

Virus Z: Not Yet OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon