Chapter #1: Save Him

2.9K 139 32
                                    

Chapter #1: Save Him

Metric's P.O.V.

"Shoot." Kaagad kong siniko si Uare.

[Uare -Male/ 16/ Half Filipino Half Mexicano]

Nang makitang nakangisi sa pugot na ulo. Siya 'yung sinusundan namin kanina.

"Great. May survivor pa naman pala." Ngumiti si Kuya Rence, bago sinipa palayo ang mga nagsihulog na laman ng divider, at umabante patungo sa nakaupong babae.

[Rence –Male/ 27/ Half Filipino Half Australian]

"S-sino kayo?" Sa reaksyon niya para bang ngayon lang ulit siya nakakita ng tao.

"Isa kaming grupo ng mga survivors, na naghahanap ng kapwa survivor." Mabilis na sagot ni Kuya Trape, sabay ayos sa salamin niya.

[Trape –Male/ 23/ Filipino]

"Survivors? Ma-maraming nakaligtas?" Napangiti ako, nang lalong nagulat ang ekspresyon niya. Nanginginig ang boses at nangingilid pa ang luha.

"Obviously—" Bigla akong napalingon nang makarinig ng kalabog, dahilan para hindi matapos ang sasabihin.

"Wala tayong oras para rito. Uare at Metric kayong bahala sa babae. Trape, tayo sa paghahanap ng ibang daan!" Kaagad akong tumango sa sinabi ni Kuya Rence, bago sila lumabas, kasabay nang pagpunta namin ni Uare sa babae.

"Te-teka. Saan pupunta? Saka, sino ba kayo?"

"Hehehe." Napalingon ako sa nakapaningkit na si Uare, pilit pang tumawa. "Ate naman, 'di ka naman namin rerape-in eh. Sumama ka nalang."

Napasapo ako sa noo bago napailing sa pinagsasabi ni Uare. Lumingon ako sa babae, pero nakayuko lang ito at mukhang magsisimula nang umiyak.

"Aish. Ate naman, wala naman kaming ginagawa sa'yo, ah? Dude oh!" Bumalik ang tingin ko kay Uare, bago sinenyasan.

Matapos makuha ang sinesenyas ko, ay sabay naming itinayo ang babae, bago hinila.

"Teka! Teka lang!!!" Kung papansinin pa namin ito, talagang mahuhuli kami ng mga infected.

"Hurry up!" Sumunod lang kami kina Kuya Trape at Kuya Rence na nasa may bungad parin ng pinto at iwinawagayway pa ang kamay palabas.

"Shoot!" Kaagad kong hinila ang babae palapit sa akin, nang muntikan nang tumakbo si Uare sa kaliwa kung saan may mga infected na nag-aabang.

"Tara na!" Sumunod na tumakbo ay sina Kuya Trape at Kuya Rence.

"Teka lang! Please!!! Please, si Kaizer! Please! Buhay pa siya!" Kaagad na huminto ang babae, at saka inialis ang pagkakahawak ko sa balikat niya, at babalik na sana sa kwarto kung saan namin siya nakita.

"Oy! Shit!" Kaagad ko ulit siyang niyakap palapit sa akin, nang biglang gumuho ang dingding at humarang pa sa may pinto papasok sa kwarto.

"Ahh!!!" Tili niya sabay kapit sa braso ko.

"Good job, Metric." Bati sa akin ni Kuya Rence, malamang eto na ang bunga ng pag-eensayo niya sa amin.

"Guys, we have no time for this. Hurry up." Tumango ako kay Kuya Trape, lalo na nang marinig ang kalabog ng mga yapak ng infected sa itaas na palapag.

"Aish. Tara na!" Napasabunot naman si Uare sa buhok niya saka inilabas ang trigger at itinapat sa mga infected.

Nagsimula na kaming tumakbo, nauna sina Kuya Trape at Kuya Rence, na tumatagaktak pa ang pawis, at sumunod ako na hawak hawak nang mahigpit ang babae, sa likod namin ay si Uare na patalikod ang pagtakbo habang pinapatamaan ang mga infected.

"Shit, they're getting faster than before." Pansin ko, bago makaramdam ng pagpisil sa braso. Tiningnan ko siya na nagtataka, at nagsimula na naman siyang umiyak.

"What's wrong?" I asked.

"Trap!" Napasigaw si Kuya Trape, nang makita ang malaking divider na nakaharang sa dadaanan namin, ang masama pa nag-aapoy ito.

"J-john. John." Napalingon ako sa babae, na pati laylayan ng damit ko ay halos punitin na.

"Ibang daan." Sabay liko ni Kuya Rence.

"Wait. Please lang, kung sino man kayo, please! Si Kaizer! Iligtas niyo siya! Sige na!" Napahinto ako gayundin ang mga kasama ko.

"Look Miss, kapos tayo sa oras, at aapat lang kami ang dami pang nag-aabang kung babalik tay-" Napailing ako sa sinasabi ni Kuya Trape, bago sumingit sa usapan at tinanggal ang pagkakahawak ng babae sa damit at braso ko.

"Kaya 'yan. Babalik ako, Kuya Trape kayo nalang ang bahala rito mas mabuti kung pagtulungan niyo nalang ni Kuya Rence ang pagtulak rito, mahirap sa hagdan." Tuloy tuloy na sabi ko, bago tumalikod.

"Sasama ako, dude!" Sigaw ni Uare, bago sumabay sa akin.

"T-teka, ako di-" Umiling ako sa babae, bago tumango na kina Kuya Rence, na nag-umpisa na sa pagtulak sa divider na naistack sa pagitan ng hallway.

"Metric, mukhang patay na 'yung sinasabi niya. Huwag na tayong tumuloy." Habang tumatakbo sa hallway, napatingin ako sa kaniya bago umiling.

"Nawalan ka. Nawalan rin ako. Alam natin ang pakiramdam, tama?" Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang kami sa pagtakbo.

Para bang sasalubungin namin ang mga infected na naglalakad papalapit sa amin.

"Teka lang!" Bigla kong nailabas ang baril ko, pero naunahan na ako ni Uare sa pagputok sa mga infected.

"Bilisan mo!" Dagdag niya bago ako itinulak sa may kwarto nang matapatan na namin ito.

Napailing ako, bago kinuha ang tubo sa gilid ng pinto. Bago ginamit iyon para ipangtanggal sa mga nakaharang sa pinto.

"Bilis-bilisan mo!"

Habang gumagawa ako ng paraan para matanggal ang mga harang sa pinto, ay siya naman ang nasa likod ko at ang bahala sa mga infected.

Pinagpapawisan na ako lalo na nang mapalingon, mas dumadami ang infected!

"Metric, 'yung totoo?! Bilisan mo!" Shit! Sa huling hampas ko, ay siya namang giba ng mga nakaharang. Bago ko nakita ulit ang lalaki.

Bago mapuntahan ang lalaki, ay nakakita ako sa bintana ng mga nahuhulog na infected. Malamang sa rooftop galing ang mga nagbababaang infected. Kaya naman mas binilisan pa namin ang pagkilos. Kaagad akong umakbay sa lalaki, at saka humakbang palabas.

"Patay na 'yan, Metric." Hindi ko pinansin si Uare, bago nagmadaling lumabas.

Habang naglalakad, hindi ko na maramdaman ang pagbaba't taas ng tiyan ng lalaki, patunay na humihinga ito.

"Kaizer!!!" Sigaw ng babae.

"Salamat." Nakangiti niyang bigkas, nang makarating kami. Nasa gilid lang siya nina Kuya Rence nang maabutan namin.

"You're welcome." At bago ako makasagot, ay naunahan na ako ni Uare.

"Metric nga pala." Pagpapakilala ko, bago ipinabuhat kay Uare ang lalaki at bago tumulong kina Kuya Trape sa paggiba sa divider.

[Metric – Male/ 17/ Filipino]

Virus Z: Not Yet OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon