Chapter #15: Behind the Walls

1.2K 80 26
                                    

Chapter #15: Behind the Walls

Aspen's P.O.V.

Dahan-dahan kaming pumasok, bago ko nakita si Avi, kapatid ni Mula, na nakakarga kay Rinter at nakakapit sa leeg nito.

"Bilisan ang pagkilos, sweethearts." Binilisan ko ang paglakad sa sinabi niya, bago hinila si Vanda para bilisan rin ang kaniyang paghakbang.

Sa pagpasok naming lahat, ay saka lang biglang isinara ang gate.

"Woah." Narinig ko si Uare na namangha, kung kaya't iginala ko muna ang paningin ko.

Ang daming mga bahay, magkakadikit sila, pero sa pinakagilid ay isang napakalaking bodega, sa kabilang gilid naman ay isang napakalaking bahay, mali, parang opisina.

"Maligayang pagdating sa isla namin. Ako si Madam Matt, assistant ng mga namumuno rito. Twenty-one lang kayo, right?" Tanong muli ng nagsalita.

"Opo, twenty-one pero ang apat naming kasama ay nauna na rito." Sagot ni Sir Ton.

"Teka, anong nangyayari?" Tanong namin, nang may makitang mga nakaitim na lalaking papalapit sa amin, may dala silang mga posas na may kadena na magkakadugtong.

"Ano 'to?" Tanong ng mga nasa likuran ko.

"Anong gagawin ninyo?" Tanong ni Lolo Ircu pero nginitian lamang siya.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong lapitan at posasan, habang magkakadugtong ang bawat kadena.

"Teka, teka. Ano po ba 'to?" Tanong ko, pero hindi niya ako pinapansin, pagtingin ko sa iba kong kasamahan, ay nakaposas na'rin sila, pati na ang mga bata.

"Ate, ate ano 'to?" Napalingon ako kay Avi, bago kay Mula na nagtataka.

Kaagad kong kinapa ang bulsa ko, dahil nandito lang ang baril ko sa- teka. Iniwan namin lahat ng armas sa eroplano.

"Ano 'to?! Sumagot naman kayo!" Napalingon kami kay Kuya Rence na sumigaw.

"Tahimik!" Nagulat kami nang biglang sumigaw si Madam Matt. Bago muling ngumiti.

"Ang sabi ninyo, ang apat ninyong kasama ay nauna na, hindi ba?" Walang sumasagot sa tanong niya.

"Kung gayon, dadalhin namin kayo sa kanila." Kaagad akong napalunok, lalo na nang may humila sa kadena, dahilan para mapasunod kami.

"Bakit?! Anong gagawin ninyo sa amin?!" Tanong nila Sir Ton, pero tumalikod lamang si Madam Matt, bago kami pinalakad papunta sa bodega. Ang kaninang tinitingnan ko lang.

"Natatakot ako." Napalingon ako kay Vanda, sasagot na sana ako nang magsalita si Metric.

"Nandito lang ako." Kaagad akong napakunot noo sa sinagot niya, bago tumingin sa akin. "Kami. Nandito lang kami." Pagtama niya. "Proprotektahan kita. Huwag kang mag-alala."

Muli akong napatingin kay Vanda, pero nakatitig lang ito kay Metric. Bago ako napasinghap, sabay hila sa kadena dahilan para mawala ang tinginan nilang dalawa.

"Aspen?" Nagtatakang tanong ni Vanda.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala. Wala." Naiilang na sagot nito. Sa ngayon, napapagitnaan namin siya ni Metric, ako ang nasa unahan niya at si Metric ang nasa likuran.

Aby's P.O.V.

Habang naglalakad, nakikita ko pa ang ilang mga nakatira sa bahay na mga nakahanay. Wala silang pakialam sa amin na papunta sa bodega.

"Kuya Rinter, Ate Mula, natatakot po ako." Napatingin ako sa likuran ni Uare, kung saan nandoon si Rinter.

Karga-karga niya si Avi, kapatid ni Mula. Samantalang sa likuran ni Rinter ay si Mula.

Virus Z: Not Yet OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon