Chapter #47: Turn Left
Trape's P.O.V.
Habang nagsasagwan, kanina ko pa napapansin ang kwentuhan nina Uare at Aby. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang silang naging close.
Bukod dito, pansin ko rin ang kanina pang pananahimik ng tatlo, sina Metric, Vanda at Aspen.
"Oy." Napalingon ako kay Peri na nakasandal sa likuran ko, nakaupo kaming dalawa at magkatalikuran.
"Bakit?" Tanong ko dito.
Naramdaman ko ang bigla niyang paglingon sa akin at pagyakap. "Huwag mo kong bibitawan mamaya, ah?"
Napangiti ako bago hinawakan ang braso niya nakayakap sa akin.
"Sinong may sabing hahawakan kita?" Bulong ko dito.
Bigla niyang tinulak ng mahina ang balikat ko. "Sige, kay Allel nalang ako kakapit." Kaagad akong napaharap sa kaniya.
Allel? Sinabi ko lang na ganon, kay Allel na kaagad?
Napakagat ako sa labi ko bago siya tumalikod sa akin. Ngayon nagpapasuyo naman siya?
"Hindi kita hahawakan, dahil kakargahin kita."
Kaagad kong nakita ang pamumula ng pisngi niya. Bago ito muling humarap sa akin.
"Alam niyo bang ang pangit ninyong tingnan?" Napalingon ako kay Rinter na biglang nagsalita. At diring-diri sa amin.
"Edi huwag kang tumingin."
Allel's P.O.V.
Pabilis nang pabilis ang pagsagwan ni Kuya Rence. Ang dilim-dilim na'rin ng paligid.
"Natatanaw ko na 'yung isla!" Sigaw ni Zoid.
Kung kaya mas binilisan ko na'rin ang pagsagwan.
"Guys, paano tayo makakapasok? Hindi nila tayo pagbubuksan." Tanong ko.
"Sinong may sabing kakatok tayo?" Naningkit ang mga mata ko nang itanong ito ni Trape.
"Nakikita ko na 'yung bakod!" Napatingin ako kay Vanda bago niya iyon itinuro.
"Ano ng plano?" Tanong ko.
"Paano tayo papasok sa loob?" Tanong ni Zoid.
"Bukod sa mga kawayan na ginawa namin. Meron kaming ginawang mga maliliit na ganito." Kaagad na pinakita ni Aspen ang mga hawak niyang maliliit na kawayan, pero may tulis ang dulo.
"Arrow." Bigkas ni Rinter. "Maliit na version ng arrow."
Nagkatinginan kami, bago ako nagfocus sa pagsasagwan.
"Wall climbing?" Tanong ni Vanda.
"Wall climbing." Pagsagot ni Aspen.
Aspen's P.O.V.
"Ah." Kaagad na daing ni Kuya Zoid nang makababa, buong araw kaming nasa ilalim ng araw.
Pakiramdam ko nasunog na ang balat ko, at isa pa, buong araw rin kaming nakaupo. Kung kaya't tuwang-tuwa na si Kuya Zoid na naunang bumaba.
"Aray ko." Kaagad akong napalingon kay Vanda, saka ko nakita kung paano siya nahirapan sa pagbaba.
"Ayos ka lang?" Nang marinig ako kaagad siyang tumango bago umalis.
Napayuko lang ako, bago sumunod sa mga kagrupo ko.
"Ano na? Simulan na ba natin?" Tanong ni Kuya Rence.
Nagkatinginan kami bago tumango. "Kaya pa ng katawan?" Tanong ni Kuya Trape.
"Kakayanin."
Kaagad kong ibinigay sa bawat isa sa amin ang ginawa namin. Tig-dadalawa bawat isa.
"Rinter. Rinter saan ka pupunta?" Napatingin ako kay Aby nang tawagin niya ito.
Nagtuloy-tuloy si Rinter at hindi pinansin si Aby nang maibigay ko dito ang gagamitin niya.
"Saan siya pupunta?" Tanong ni Ate Peri.
Wala kaming ideya, kung bakit bigla nalang siyang naunang maglakad sa amin.
Para bang may nakita siya at sinusundan niya ngayon.
"Oh." Kaagad na pinahawak sa akin ni Metric ang mga binibigay ko, bago sumunod kay Rinter.
Patakbo itong sumunod, bago sila parehas na napahinto.
"Mula." Napakunot-noo ako nang magsalita si Rinter.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Vanda.
"Si Mula..." Nagulat ako nang lumingon sa amin si Metric bago itinuro ang nasa likuran ng damuhan.
Kaagad kaming humakbang, para makita ang nakita nila.
Nakita ko kung paanong napaupo si Rinter, at saka tumayo at pabalik sa amin.
"Anong--" Itatanong ko pa sana nang tapikin ako ni Uare saka itinuro ang nasa likuran ng damuhan. Kung kaya naman kaagad akong humakbang lalo- Mula?!
Nagulat ako nang makita si Mula na nakahiga, at may tuyong dugo sa parte ng tiyan.
"Patay na si Mula. Tara na." Napalingon kami kay Rinter, bago napaatras sina Vanda.
"Mula..."
Peri's P.O.V.
"Ah!" Kaagad akong napakapit kaagad sa pana ko nang dumulas ang kanang kamay ko.
"Ayos ka lang?!" Tanong ni Trape na nasa ibaba ko.
"Oo!" Kaagad na sigaw ko.
Nagsimula na kaming umakyat rito sa mga pader. Sa ngayon, ang nauuna sa amin ay si Rinter, bago si Metric at Aspen.
"Walang maingay." Paalala ni Kuya Rence, na ikinatango ko.
Muli kong inialis ang pana at saka pilit na iniangat ang sarili ko at itinusok ito sa mas mataas na parte ng pader, saka ako paakyat nang paakyat.
Kanina pa kami nagsimulang umakyat, simula nang makita ang nangyari kay Mula. Hindi ko inaasahan 'yun.
"Rinter." Napatingin ako kay Rinter na nakaupo na sa tuktok bago nag-thumbs up sa amin. Bilang pagsenyas na walang mga existers na nagbabantay.
Pinili namin ang pwesto kung nasaan nasa likod ng bodega. Kapag nandito kami babagsak, tiyak na walang makakakita at isa pa nahaharangan kami ng bodega.
Nakita ko kung paano itinali ni Rinter ang lubid sa kawayan niya bago ito itinusok sa tuktok, at saka ibinagsak ang lubid sa likod nitong pader.
"Dalian mo, Peri." Kaagad kong sinunod si Trape, saka mas binilisan pa ang pag-angat ko.
"Ah." Kaagad akong tinulungan ni Metric nang tuluyan akong makasampa sa tuktok at saka ko nakita kung paanong dahan-dahang nagpadulas si Aspen sa lubid. Nasa baba na siya kasama sina Rinter at Kuya Rence.
"Gayahin mo lang si Aspen." Sinabi ni Metric, bago ako tumango.
Dahan-dahan akong kumapit sa lubid at saka ipinadulas doon ang palad ko nang pahinto-hinto.
"Ingat, Peri. Ingat." Bulong ni Kuya Rence bago ako napabitaw sa lubid nang maabot ko na ang lapag.
"Aray ko." Daing ko nang namumula kong tingnan ang mga palad ko. Ang hapdi!
"Walang maingay." Kaagad na sinabi ni Kuya Rence. Bago nila inalalayan ang ilang bumababa. Si Metric naman ang nasa tuktok at umaalalay sa mga papunta.
"Ah." Tulad ko dumaing kaagad si Zoid nang tingnan ang palad matapos niyang magpadulas. "Ang sakit." Iyak niya.
Napalingon ako sa lubid, hanggang sa makitang si Metric nalang ang huling bababa.
"Peri, ayos ka na?" Tanong ni Trape na kaagad na inabot ang mga kamay ko.
"Akala ko ba, kakargahin mo ko?" Tanong ko dito.
Napailing siya bago napangiti.
"Tara na, mas maayos na kumilos ng gabi." Kaagad kaming sumunod kay Kuya Rence na nauna ng lumabas sa gilid.
Sunod-sunod kaming naglakad papunta sa kaniya ng walang ingay na nalilikha.
Kaagad kaming napahinto nang napahinto si Kuya Rence, "Sundin ang plano."
BINABASA MO ANG
Virus Z: Not Yet Over
AventureBook II of "Virus Z". Sabay-sabay nating ipinta ang reyalidad sa mundo ng pantasya. Survivors VS Survivors | Existers VS Existers Highest rank #7 in Adventure Category. 05|10|17 -LadyYaef