Chapter #12: Safe and Sound

1.3K 77 19
                                    

Chapter #12: Safe and Sound

Vanda's P.O.V.

Habang naglalakad papunta sa eroplano ay kanina pa ang tawanan namin at pagpuri kay Rinter.

"Pero akala ko talaga kung ano na 'yung sumabog kanina bigla nalang lumipad eh." Naiiling na sabi ni Kuya Zoid habang bitbit ang mga plastic na nakuha namin.

Tingin ko, sobra-sobra na ang nakuha namin, iyon nga lang puro in-can, energy drinks, at noodles.

"Pero Uare, sobra ka naman yata, may dala ka ng dalawang plastic tapos para ka pang buntis na may bag sa harapan at bag sa likod." Bati ni Aspen dito.

"Sulitin kasi natin." Natatawang iling ni Uare.

"Oo, nang dahil diyan sa mga relo niyo, muntik nang masunod si Sir Ton. Mga hindi nag-iingat, nako." Naiiling pa si Kuya Rence rito.

"Pero aminin mo Kuya Rence, ang saya rin no?" Natatawang tanong ni Kuya Trape.

"Oo, kanina pa nga 'yan, sabi niya laro lang daw ang ginagawa niya." Sagot ni Kuya Zoid.

"Magtigil ka Zoid. Pero, hindi ata umepekto ang 75% na malas mo. Nakakapagtaka." Natawa kami kay Kuya Rence.

Saka lang itinaas ni Kuya Zoid ang shirt niya. "Green. Lucky color."

Napailing lang kami, bago pinagpatuloy ang paglalakad habang natatanaw na ang eroplano.

Ang saya pala, nakakaenjoy. Para bang tumutulay kami sa alambre na puro apoy ang nasa ibaba. Pero nakakatakot din, dahil hindi sigurado kung kailan babagsak.

"Sana makapunta na kaagad tayo sa Yaef." Napatingin kami kay Aby na seryosong naglalakad.

"Bakit?" Tanong ni Mula.

"Gusto ko nang magkaroon ng kasiguraduhan. Ang haba ng oras natin kanina na inenjoy ang mga pagpili ng damit pero ang sa pagkain kinapos tayo. Ayaw ko ng maulit pa iyon." Sagot niya kasunod ng pag-una niya sa amin.

Uare's P.O.V.

"Mabuti at buo pa kayo." Iyon lang ang sinabi ni Sir Boss, bago bumalik sa trono niya.

"May nasaktan ba?" Tanong ni Lola Tes.

"Wala Lola, ligtas po kaming lahat." Sagot ni Vanda bago binibigay rito ang mga damit na pinili niya.

Ganoon na'rin ang ginagawa ng iba. Samantalang ako, ako lang ata ang nagsolo.

"Saan ka pupunta, Uare?" Tanong ni Vanda nang mapansing paalis na ako sa pwesto niya.

"Doon lang." Sagot ko, bago dinala ang dalawang bag.

Dire-diretso lang ako sa walang masyadong tao, hanggang sa masolo ko na ang bag ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang isa kong bag, bago kinuha doon ang lahat ng tsokolate at chichiria na kinuha ko kanina.

"Heaven." Sabi ko bago sumandal at ninamnam ang pagkakataon.

"Ayon tayo eh."

"Woah!" Kaagad akong napaalis sa pagkakasandal nang may narinig sa likuran ko.

"Hi." Bati ko kay Aspen habang nakatingin sa akin. "Gusto mo?" Alok ko pa, umaasang tatanggi siya.

"Ayoko niyan, pero 'yung mga bata, sigurado akong gusto." Napakunot noo ako sa sinabi niya, bago ko narealize na tinatawag na niya 'yung mga bata.

"Chocolates, gusto niyo? Avi, Rine, at Angle!" Napasapo ako ng noo, habang nakikita sila na patakbo na sa akin.

Virus Z: Not Yet OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon