Chapter #45: Cut Shirt
Uare's P.O.V.
Nabitawan ko ang mga hawak kong prutas, ganon din si Metric saka kami tumakbo sa kinalalagyan ni Aby, bigla itong napahiga at walang malay nabasa na'rin ulit ang damit niya nang umangat ang tubig.
"Anong nangyari?!" Tanong ni Kuya Trape kina Ate Peri, saka sumunod sa amin.
"H-hindi ko alam. Hinayaan namin siya ni Vanda, kasi naman akala namin nagpapahinga. Hindi ko alam." Kaagad na inilapag ni Kuya Trape ang mga gamit niya saka pumunta sa amin.
"Anong nangyayari?" Bigla kong narinig si Kuya Allel na papunta na'rin sa amin.
"Hindi namin alam, si Aby kasi." Sagot ni Vanda na nag-aalala.
Nang makalapit na kami ni Metric kay Aby ay saka namin ito iniayos ng pagkakahiga.
"Aby. Aby!" Sigaw ni Metric, habang hinahawi ang buhok sa mukha niya. "Aby!" Sigaw pa niya nang hindi umimik si Aby.
Kaagad kong nilapat ang likod ng palad ko sa noo ni Aby.
"Hala. Aby!" Kaagad akong tumingin kay Metric saka ko nakita sina Kuya Trape sa likuran namin.
"Ang taas ng lagnat ni Aby!" Sigaw ko. "Ang init-init niya!"
Napasapo ng noo si Metric, saka kinarga si Aby.
Kaagad naman akong sumunod sa kaniya.
"Nasaan na ang tinarabaho niyo, Rinter?" Tanong ni Metric dito, bago itinuro ni Rinter ang direksyon kung nasaan ang isang lugar kung saan binubungan ng mga malalaking dahon pati ang sapin ay hindi buhangin kung hindi mga dahon din, at nasa pagitan ng dalawang puno.
Kaagad na tumakbo doon si Metric dala-dala si Aby.
"Ibaba mo muna siya dito." Kaagad na sinabi ni Kuya Rence nang makarating kami dito.
Kaagad na ibinaba ni Metric si Aby.
"P-pasensiya. Hindi ko alam na-" Napatingin ako kay Ate Peri sa ibang kasamahan namin na kasunod lang namin ni Metric.
"Ayos lang Ate Peri." Sinabi ni Metric, bago tumingin kay Aby.
"Ang init-init niya." Sinabi ko sa mga nandito.
"Ah. Kami nalang ang bahala ni Vanda na magbantay sa kaniya." Sinabi ni Ate Peri na sinang-ayunan namin.
Metric's P.O.V.
Nagising ako nang makarinig ng mga kuliglig.
"Argh." Bulong ko. Gabi na at mga nakahiga na kami. Katabi ko si Uare, kung kaya't umupo muna ako.
Mukhang hindi na ako makakatulog.
Napabuntung-hininga ako, bago tumayo at sinilip ang mga kasamahan ko, mahihimbing ang tulog nila. Mukhang ngayon lang ulit sila naging kalmado.
Teka. Nasaan si Aby?
Kaagad akong lumayo sa kanila at saka sila tiningnan ng malapitan, nasaan si Aby?!
Kaagad akong tumalikod at iginala ang paningin ko. "Aby?"
Napakunot noo ako ng makita siyang malapit sa dagat at nakaupo.
Dahan-dahan akong sumunod sa kaniya.
Humahakbang ako papalapit sa kaniya at mukhang hindi niya 'yun nararamdaman. Akala ko nawala na siya.
"Magaling ka na ba?"
"Ah!" Nagulat ako nang biglang lumaki ang mata niya bago napahiga nang magtanong ako.
BINABASA MO ANG
Virus Z: Not Yet Over
AdventureBook II of "Virus Z". Sabay-sabay nating ipinta ang reyalidad sa mundo ng pantasya. Survivors VS Survivors | Existers VS Existers Highest rank #7 in Adventure Category. 05|10|17 -LadyYaef