Chapter #18: Connected

1.2K 71 12
                                    

Chapter #18: Connected

Aby's P.O.V.

"So guys, siya si Aby. Kakadating niya lang dito noong isang araw, siya 'yung sinasabi namin na isa sa walong kaibigan namin ni Monique."

Nakatayo ako sa harapan ng mga taong kumakain. Ipinapakilala ako ni Nick, habang si Monique ay nasa gilid ko. Kumakain sila sa isang mahabang mesa, habang nakatingin sa akin. Kung bibilangin, nasa lampas twenty kami na nandirito sa loob ng silid.

"Hi, Aby. Buti naka-survive ka." Napatingin ako sa isang babae na kaedaran rin namin, bago ngumiti.

"Nakaraos naman." Nakangiti kong tugon.

"Teka nga lang, 'yung grupo ba na kinabilangan mo, eh 'yung mga preso ngayon?" Napalunok ako sa isang lalaking nagtatanong na may hawak-hawak pa na drumstick.

"O-oo." Maikli kong sagot.

"Kinulang kayo?" Tanong ng isang babae.

"Oo, kinulang kami ng apat." Sagot ko, bago tumingin sa sahig.

"Ah. Pero ngayon, lima na ang kulang sa kanila." Napalingon ako sa babae. Gusto kong sumagot pero hindi ko alam ang tamang isasagot. Iniwan ko ang mga kagrupo ko.

"Aby. Aby, kumain ka muna." Napalingon ako kay Monique, bago niya ako pinaupo sa tabi niya.

"Kumain ka lang ng kumain, magpakabusog ka." Tumango ako sa sinabi ni Nick, bago niya iniabot sa akin ang platong puno ng kanin.

"'Yung mga preso kaya, totoong hindi nila pinapakain?" Natigil ako nang magsalita ang isang babae.

"Dhea." Bigla niyang iniangat ang ulo, at saka nagtatakang tumingin kay Monique na tumawag sa kaniya.

"Oh?" Tanong niya, bago ako sinenyas ni Monique na nakahawak nang mahigpit sa tinidor.

"S-sorry, I didn't mean to-" Bago pa niya maipagpatuloy ay inilapag ko na ang tinidor ko na hawak, bago tumingin sa kaniya.

"Okay lang." Sagot ko, bago sumandal.

"Ahm. Sino nalang ang may gusto ng dessert?" At dahil sa sinabi ni Nick, nakatakas na ako sa atensyon na binabato nila sa akin.

Naiisip ko sila, may kinakain kaya sila? Maayos pa kaya ang sitwasyon nila?

"Aby. Eat na." Napalingon ako kay Monique, bago tumango.

Tama lang ba na sa pagkakataon ngayon, sarili ko naman ang isipin ko? Ang iligtas ko?

Selfish ba akong matatawag?

Mula's P.O.V.

"Anong binabalak mo, Rinter?" Tanong ko rito.

Dalawang araw na ang nakakaraan nang paalisin kami sa Yaef. Pero ang totoo, nags-stay lang kami sa eroplano.

Sabi ni Rinter, gagawa siya nang paraan para makapasok sa Yaef nang malaman ang sitwasyon doon. Para mailigtas ang kapatid ko. Pero sa mukha niya ngayon, mukhang wala siyang balak na kumilos.

"May balak ka ba talaga?" Tanong ko rito nang hindi siya sumagot.

"Huwag kang maingay. Nag-iisip ako." Kaagad akong napasinghap sa sinagot niya.

"Alam mo Rinter, kung ayaw mo kong tulungan. Okay lang, huwag ka lang ganiyan sa'kin." Sabi ko rito, bago humakbang papunta sa mga armas at kinuha doon ang pana ko.

"Sino bang may sabing hindi kita tutulungan? Gusto ko lang ng tahimik para makapag-isip dahil kung magpaplano ako nang hindi titingnan ang bawat anggulo hindi lang ako ang maaapektuhan, kung pati si Avi." Napatigil ako bigla sa sinabi niya. "Kung kaya kinakailangan kong kinisin ang plano."

Napalunok ako bago muling tumingin sa kaniya. Sa ngayon, 'yan palang ang pinakamahaba niyang sinabi.

"S-sorry." Paghingi ko ng tawad.

Bago niya ibinalik ang titig sa kawalan.

Peri's P.O.V.

"Ang sakit na po ng tiyan ko." Napatingin kami kay Avi. Bago ko ito kinarga.

"Sandali nalang Avi ah. Sandali nalang." Sagot ko dito, bago niya ipinatong ang ulo sa mga balikat ko. Kung gutom kami, tiyak na doble na ang nararamdaman ni Avi sa ngayon.

"Hindi na tama 'to." Napatingin ako kay Vanda.

"Hindi na tama 'tong sitwasyon natin." Dagdag niya.

"Anong plano mo?" Tanong naman ni Trapie.

"Hindi ko alam. Hindi ko malaman." Sagot ni Vanda, bago tumalikod.

"Kailangan nating umalis dito." Napatingin ako kay Metric na nakaupo at nakasandal.

"Kailangan nating pumili kung saan natin mas gugustuhing mamatay, sa mga infected ba o sa kapwang tao na nilamon na ng infected?" Tanong ni Uare na katabi ni Metric.

"Pero kung aalis tayo rito, hindi natin kakayanin. Ang daming tauhan. May mga armas sila. Anong meron tayo?" Tanong ni Aspen, na ikinalunok ko.

Kaming anim lang ang nasa sulok ang nag-uusap-usap.

"Tama si Aspen, isa pa, hindi natin alam kung paano magkakaroon ng koneksyon kina Mula na nasa labas nitong-" Kaagad na napatingin sa akin si Trapie nang sinasabi niya iyon. Kung kaya't nalipat sa akin ang mga mata nila.

"What?" Tanong ko bago napahinto sa paghele kay Avi.

"Ang cellphone mo." Napakunot-noo ako.

"Cellphone?" Tanong ko kay Trapie.

"'Yung cellphone mo. Kailangan nating ikonekta 'yan sa labas. Para makahingi ng tulong kina Mula." Napalunok ako, bago ako tumingin kay Vanda, at saka ipanakarga sa kaniya si Avi. Sunod ay ang pag-upo ko.

"Mayroon kang cellphone, Ate Peri?" Tanong sa akin ni Aspen.

"Meron ako. Pero," napatigil ako bago lumingon kay Trapie. "Sira na 'to. Matagal na 'tong sira. Dinadala ko nalang 'to dahil regalo 'to ni Mommy."

Inilabas ko ang cellphone na nasa bulsa ko palagi, bago iyon ipinakita sa kanila.

Kaagad itong kinuha ni Aspen.

"Ano bang sira nito Ate?" Tanong niya.

"Habang tumatakas kami ni Trapie, naihulog ko 'yan sa isang pond. Pagkatapos simula noon hindi na nagbukas." Napatango si Trapie, bago iniayos ang salamin niya.

"Subukan mo ngang i-on, As." Kaagad na sinunod ni Aspen si Uare. Bago lumingon dito.

"Ano, gumana ba?" Tanong ni Vanda.

"Ayaw. Ayaw nang magbukas." Sagot ni Aspen, bago ito binitawan.

"Paano na 'yan? 'Yan nalang ang pag-asa natin." Tanong ni Vanda, bago umupo at inihiga sa kanlungan niya si Avi.

"Ate Peri, Kuya Trape, may alam akong pwedeng gumawa niyan." Kaagad akong tumingin kay Metric na nakatingin sa phone ko.

"Sino?" Tanong ni Trapie.

"Si Kuya Allel." Sagot nito.

Napatingin ako kay Allel na tahimik, tulad ng iba.

Virus Z: Not Yet OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon