Chapter #42: Credit Paid
Uare's P.O.V.
Kaagad kong binaril ang tauhang nasa likuran ni Metric. Bago ko ito napadapa.
"Metric!" Kaagad akong lumapit sa kanila, bago ko nakita si Aby na umiiyak.
"Ligtas ka." Nakangiti kong sinabi.
"Si Metric!" Napatingin ako kay Metric tulad ng sinabi ni Aby, nawalan na ito ng malay pero wala namang tama.
Ngayon ko lang din napansin na wala itong suot na damit at nakabenda lang ang balikat.
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko bago ko kinuha si Metric at iniakbay sa akin.
"Mamaya na 'yan!" Napalingon ako kay Nick, bago siya kaagad na pumunta kay Aby at niyakap ito ng mahigpit.
"Huwag ka ng umiyak. Tama na." Sinabi nito. Kaagad na tumango si Aby bago umalis sa pagkakayakap.
"Tara na!" Sigaw ni Rinter. Saka lumapit sa akin si Aspen at tinulungan ako sa pagbitbit kay Metric.
Habang naglalakad nauuna si Nick at Aby, sumunod si Rinter at nahuhuli kami.
"Ayos ah. Kayo pa talagang dalawa ang tumulong. 'Yung isa para kay Aby, 'yung isa kay Vanda." Sinamaan ko nang tingin si Rinter na nauna na habang nakangisi.
Ikinasa ko ang baril ko habang bitbit-bitbit si Metric, para sa mga biglaang mangyayari.
"Kailangan nating iligtas si Avi." Napatingin ako kay Rinter nang sumeryoso ito, bago ako sumang-ayon.
"Hindi natin magagawa 'yan. Kapos na tayo sa oras." Habang tumatakbo sina Nick, ay naririnig pala nila kami.
"Nick, bata 'yun." Sinabi ko rito. Kaagad siyang tumalikod, ganon rin si Aby.
"Maging matalino ka kahit ngayon lang." Napakunot-noo ako.
Dahan-dahan niyang ikinasa ang baril niya bago itinutok sa direksyon ko.
"Ah!" Sigaw ni Aby nang paputukin ito ni Nick, pero hindi ako ang natamaan. Pagkalingon ko ay ang isang tauhang malapit sa akin.
Kaagad akong tumingin kay Nick na nakaharap na. Bago ko naramdaman ang paglakad ni Aspen, kung kaya't sumunod na ako.
"Si Avi, nagustuhan siya ni Mr. K, hindi siya pababayaan. At isa pa, babalik tayo dito. Tama?" Tumango si Aby rito na may hawak na'rin na baseball bat.
Napahinto kami nang makakita ng hagdan. Tuloy-tuloy ang pagbaba nina Aby at Nick, pati na si Rinter.
Nagkatinginan kami ni Aspen bago napabuntunghininga.
"Pagulungin nalang kaya natin 'to?" Tanong niya.
Nick's P.O.V.
"Aby." Habang tumatakbo, pinapakiramdaman ko si Aby. Kanina pa siyang hawak ng hawak sa ulo niya.
"Oh?" Tanong nito.
"May problema ba?" Tanong ko dito, umiling ito at tumingin sa akin.
"Kamusta sina Monique?" Tanong niya na binalewala ang tinanong ko. Habang lumalabas mas dumadami ang humahabol sa amin.
"Nasa labas, nauna na sa eroplano niyo." Tumingin siya sa akin.
"Salamat Nick, sobra." Inialis niya ang tingin niya bago sinipa ang isang tauhan na papunta na sa pwesto ko.
Ngumiti ako sa kaniya, bago ginulo ang buhok niya. "May magagawa ba kasi ako?"
Napangiti siya, bago tumalikod. "Malayo na tayo."
"Malapit na tayo." Paglilinaw ko na nakatingin sa harapan.
Ngumiti siya ulit, bago napaluha. "Kung sanang nandito sina Kaizer." Napahinga ako nang malalim.
Isang hagdanan nalang ang dadaanan namin, pagkatapos yari na. Nasa finish line na kami.
"Ya!" Kaagad akong napahinto, ganon din ang mga nasa likod namin.
May tatlong tauhan ang nasa harapan namin ni Aby. Lahat sila ay armado. Naunahan nilang itinutok ang shot gun na dala sa amin. Pero si Rinter ay nakatutok na'rin ang mga baril dito.
"Ibaba niyo 'yan." Utos nila, na nagpatingin sa amin. "Ibaba niyo 'yan!" Mas lumakas ang boses nila, bago namin sabay-sabay na ibinaba ang mga hawak namin. Sa pagyuko, ay sandali akong nagtagal.
"Tayo na!" Naramdaman ko ang pagtayo ng mga kasamahan ko, bago ako dahan-dahang tumayo sa harapan niya. At sa pagtayo ko, kasabay ng pagdapo ng kamao sa mukha niya.
"Ah!" Natangay ang pisngi niya nang masuntok ko, kung kaya't narinig ko ang pagpaputok nila sa pwesto ko, buti nalang at mabilis akong nakailag.
Muling itinapat sa akin ang baril nila. Kaya naman kaagad akong umikot para makapunta sa likuran ng tauhang sinuntok ko, para maging harang.
"Ah!" Kaagad na napadaing ulit ang lalaking nasuntok ko nang siya ang mabaril imbes na ako.
"S-sorr-" Bago pa man makahingi ng tawad ang tauhang nakabaril dito ay kaagad ko nang niyakap ang sarili ko sa lalaki, at ginamit ang baril niya habang nakahawak siya doon.
"Ah!" Pinutok ko ang baril sa kanila, nang makita ko kung paano tumulong si Rinter.
Siniko niya ang natitirang tauhan, at nang mapayuko ito, ay sinundan niya ng pagpapatingala rito sa pamamagitan ng paghampas ng baril pataas sa baba ng tauhan.
Kaagad na napangiwi ang tauhan at hindi kaagad nakaganti kay Rinter, kung kaya't binato pataas ni Rinter ang baril na hawak saka sinalo sa ere at itinusok sa tiyan ng lalaki nang biglaan, bago napaatras ang lalaki kasabay ng pag-ubo ng may kasamang dugo, at pagbagsak sa semento.
Napatingin ako sa lalaking binaril ko, daplis lang ang nangyari sa kaniya, kung kaya't nakakahinga pa'rin siya ngayon. Kaagad itong umaatras, at yumuko sa amin. Para bang pinapadaan na kami.
Kung kaya't pati si Aby ay tumakbo na palabas. Ganon din ang iba naming kasama.
Habang tumatakbo sa hallway, nakikita ko na ang pintuan. Kung kaya naman mas hinigpitan ko ang hawak sa shot gun na dala. Bago binuksan ni Aby ang pinto.
Aby's P.O.V.
Sa pagbubukas ng pinto, kaagad akong napahinto.
"Anong nangya-" Napatigil sa pagtatanong si Uare nang makita ang paligid. Dahil sa ulan na hanggang ngayon ay nangyayari, kitang-kita ang pag-agos ng mga dugo sa katawan nila. Nakabukas ang bodega at sa pintuan ang katawan nina Lolo Ircu at Sir Ton na naliligo sa sariling dugo.
"Dhea?" Napatingin ako kay Nick, saka ko napansin ang tinatawag niyang Dhea na nakadapa na sa semento. Sina Ate Ane, sina Lola Tes. Pati si Ate Pines!
Pero bakit may ibang preso na nakahiga na'rin at duguan?
"Madam Matt." Napatingin ako sa tinawag ni Aspen, saka ko siya tiningnan.
Nasa sulok ito at protektado ng tatlong tauhan. Napaatras ako nang biglang magtama ang mga mata namin, at itinuro niya kami sa mga tauhan niya.
"T-takbo!" Sigaw ko kina Nick. Bago binilisan ang pagtakbo papunta sa labasan nitong Yaef.
"Ah!" Rinig kong daing ni Uare nang muntikan na nilang maihulog si Metric na walang malay. Palapit na kami nang palapit sa gate, at natatanaw ko na ang eroplano nang walang mga tauhang humaharang sa amin. Abala sila sa mga presong ngayon ko lang nakita.
"Nick!" Habang tumatakbo palabas, narinig ko si Monique na nasa may eroplano na. Dahan-dahan itong lumabas para salubungin kami.
"Nick!" Napalingon kaagad ako nang sumigaw ng sabay-sabay ang tatlong lalaki sa likuran ko.
"Nick!" Sigaw ko nang makita itong nasa likuran ko at naglalabas ng dugo sa bibig. Kaagad akong humakbang sa kaniya.
"Nick!" Sigaw ko ulit nang bigla siyang napaangat nang may bala na namang pumasok sa katawan niya.
"Bayad na-" Kaagad ko siyang sinalo nang nahulog siya, nakayakap ako sa kaniya ngayon nang magsalita siya.
"B-bayad na ko kay K-Kai-Kaizer." Kaagad akong napatulala nang makita itong biglang napapikit kasabay ng pagbitaw niya sa hawak na shot gun.
BINABASA MO ANG
Virus Z: Not Yet Over
AdventureBook II of "Virus Z". Sabay-sabay nating ipinta ang reyalidad sa mundo ng pantasya. Survivors VS Survivors | Existers VS Existers Highest rank #7 in Adventure Category. 05|10|17 -LadyYaef