Devil's Mountain: Prologue

118 5 7
                                    

"SINONG SIRAULO NAGPOST NITO SA WALL KO?"

Sumigaw ako ng sobrang lakas para marinig ng mga taong nagbibingibingihan sa baba. Napakamot ako ng ulo ng mabasa ko to kasi parang totoo. But I guess; kung totoo man, e di wag sumipot! problema ba yun?

Pero, ilang taon na rin noon, nagkaroon ng global crisis at economic breakdown; hindi lang sa bansa, pati na rin sa U.S. kung saan umiikot ang mekanismo ng pera. Dahil sa insidenteng yon, napilitan ang mga bansang may utang na magbayad; ang resulta, Gutom at Hirap.

Asia, North America, South America, Africa, Europe, Australia at Antarctica. Lahat naghirap; hindi umusad ang ekonomiya ng buong mundo. Buti na nga lang at kahit papano ay nakakariwasa kami noon at naisalba ko pa ang kompyuter na 'to.

Ang Asya ang nanguna sa agrikultura. Hindi nawawalan ng yaman sa pagsasaka ang Asya dahil sa ganda ng posisyon nito at dahil sa maiging klima.

North at South Amerika ang nangunguna sa kagamitan. Kadalasan ang dalawang kontinente na ito ang nag-aaway sa kapangyarihan dahil pareho sila ng inilalabas na produkto. Baril at mga sandata.

Ang Africa naman sa pagmimina. Mayaman ang afrika sa mineral at ito ang kasalukuyan nilang ikinabubuhay. Dahil din sa Afrika, may natuklasang bagong mineral na nagsiklab ng global crisis.

Sa Europe umusbong ang turismo. Bagama't naghirap din ang Europa, hindi ito naging hadlang sa ganda ng kanilang kapaligiran at linis ng kanilang hangin. Ipinagmamalaki ng Europa ang kanilang magagandang istruktura na hanggang ngayon ay nakatayo pa

Sa Antarctica naman ang teknolohiya. Malayo man sa ating naiisip, sa Antarctica ipinanganak ang isang napakatalinong syentipiko na nakatuklas sa "cycle of natural power" ng isang living energy sa mundo. Dahil dito, umusbong ang teknolohiya at mga planta sa Antarctica upang suportahan ito.

At ang huli ay ang Australia sa kanilang pagpapasaya. Sa Australia, dumayo ang mga tao dahil sa kanilang mga sikat na Opera House at iba pang nakakaengganyong kasiyahan.

BAKIT KO NGA BA SINASABI SA INYO 'TO?.... pinahaba ko lang ang usapan;

lets cut the crap. And.....

"WAG NIYONG KUNIN ANG ANAK KOOO!!!... tanga yan, bobo, istupido, walang pinagaralan, naka nganga palagi at laging nanonood ng x-rated films! wag po ang anak ko!... wag niyo siya kunin!!"

=========

Chapter 1: Abduction

Chapter 2: Farewell?

Chapter 3: The Training Camp

Chapter 4: Survival 101

Chapter 5: Where things get Interesting

Chapter 6: Let the games begin!

Chapter 7: Run into your deathbed

Chapter 8: ........?(see chapter 4)

Battle to the Death: Devil's MountainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon