Battle 2: Farewell?
Unti-unti akong ibinitbit palabas ng pinto, nagpupumiglas at sumisigaw. Ngunit kahit anong lakas ko ay hindi natitinag ang dalawang bouncer. Umiiyak ang aking nanay habang pinipilit akong ilabas ng bahay. Hinarang ko ang aking braso sa pinto; dahilan upang mapabagal ang pwersahang pagkuha sa akin.
"Nay! yung facebook ko! I sign out mo! baka may magstatus doon ng kung anu-ano!"
"Sige anak; *umiiyak* wag niyo po siyang kunin, wala ng magsasaing sa bahay namin!"
Anu ba naman yan... kukunin na ako't lahat, pati pagsasaing ibinoboka pa sa akin. Sa bagay, akin nga; facebook inaatupag ko pa e. Like mother like son talaga.
Nabitawan ko na ang hawak ko sa pinto; kung kaya't unti unti nanaman akong nahila papalabas ng tahanan. Lalong umiyak ang nanay, lumuhod pa siya sa pagmamakaawa pero hindi siya pinansin ng dalawang halimaw na nasa likod ko.
Bago ako tuluyang hatakin papalabas. Tumindig ako ng diretso, pinilit kong punasan ang luha sa aking mga mata at sininghot ang uhog na sumisilip sa dalawang butas ng aking ilong. Naramdaman siguro ng dalawang bouncer na gusto kong magpaalam, kung kaya't niluwagan nila ang pagkapit sa aking leeg at braso.
"Nay wag kang mag-alala, tawagin niyo na lang si Bechay para magsaing, Tay; alagaan mo sarili mo a, wag mong hayaan na kainin kayo ng sakit niyo ok?"
Pinilit kong ngumiti
"Wag kayong kabahan, mag status ako araw araw para malaman niyo kung ano ginagawa ko, iconfirm niyo na lang friend request ko sa inyo na nakaimbak na sa fb invitationals niyo."
Tumango na ako; hudyat para ako'y muling hatakin palabas ng aking mumunting tahanan. Ngunit tumayo ang aking Ina at pumasok sa kusina, nagmadali siyang maglakad at tila may kinuha sa likod ng "overhead cabinet" sa may taasan ng sangkalan.
"Anak! wag mong kakalimutan ito; alagaan mo yan, ayan na lang ang maibibigay namin sa iyo ng itay mo"
Inilabas ni nanay ang bagong iphone 4s at iniabot sa akin\
"Grabe! anu to? kelan pa to? bakit ngayon niyo lang binigay?"
"Anak, magisip ka nga, panu ka makakapag fb kung wala kang ganyan, malay mo walang kompyuter doon o ni saksakan man lang, magagamit mo yan.. full charge pa yan"
Tumingin ako sa likuran ko; naluluha luha kong tinanong ang isang bouncer na may hawak sa aking braso
"May wi-fi ba doon?"
Hindi sumagot ang bouncer, bagkos; hinila ako lalo papalabas ng bahay. Wala na akong nagawa kundi sumama.
Bumungad sa akin ang isang eleganteng sasakyan na balot sa pinturang itim. Mukhang pang mayaman ang sasakyan na iyon kung kaya't parang nakipagunahan pa ako dun sa dalawang lalake na sumakay. Pero pinagitnaan nila ako at ipinaupo sa gitna nila. Sa ganoong lagay, wala akong paraan para abutin ang handle ng sasakyan at makatakbo papalabas.
Inisip ko si nanay, iniisip ko kung narinig niya ba na tawagin niya si Bechay para magsaing. Iniisip ko rin ang tatay kung ayos na ba siya, nalulungkot ako tuwing inaatake siya ng kanyang sakit. Sinulyapan ko sa huling beses ang aming mumunting tahanan. Maliit, pero para sa akin, ang tahanang iyon na kinalakihan ko mula ng ako'y musmos pa lamang, ay malaking parte na ng aking buhay, Isang malaking bahagi ng aking buhay na akin ng hihiwalayan.
"Juan, am I right? Juan is it? or shall I call you Jericho?"
Isang boses narinig ko mula sa harapan ng sasakyan, unti-unting bumukas ang itim na salamin sa aking harapan.
"Greetings, I'm sure you had received my invitation.."
Ang dagdag niya. Tumingin siya sa akin ng diretso; para akong sinipat mula ulo mukhang paa, este mula ulo hanggang paa. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya, hindi siya eleganteng tao; madungis ang kanyang balbas, at magulo ang kanyang itim na buhok. Ngumiti siya sa akin, ngunit bago niya pa uli mabuka ang kanyang mga labi, ninais kong magsalita ng pabigla
"HINDI AKO YUNG TAONG HINAHANAP NIYO!..... I don't know anything, And the hell would I care about that stupid advertisement about that Devil's Mountain!?"
"So you've read it.... yes, you look like you're not in your complete physique"
Napansin kong tila nadismaya ang lalaki sa aking harapan. Tila ba alam niya na nagkamali ng bitbit yung dalawang bouncer sa magkabilang gilid ko. Biglang natanaw ko ang pag asa; at napaisip na baka ibaba ako dito sa aking sinasakyan at kinalalagyan,
"I understand; but there are no mistakes my friend, not on the game's watch, and by the way... , you should now open your door and embrace the possibility of death..
FOR NOW ALL I CAN SAY IS..
GOOD...LUCK.. TRUST ME, YOU'LL NEED IT"
-end
================================
Dan dadadan! hahaha walang magawa! Happy Fiesta nga pala dito sa amin! maraming salamat po kay ImsoCupid! :3
BINABASA MO ANG
Battle to the Death: Devil's Mountain
Misteri / ThrillerThe world began to crumble as the economy falls down. To end the war; the seven continents decided to pick three representatives each; for a duel called Battle to the Death. Whoever wins; shall claim power, honor and glory; uplifting the pride of hi...