Devil's Mountain: Battle 7

65 2 0
                                    

Battle 7: Run Into your Deathbed!

Napakalamig ng simoy ng hangin. Para kang tinutulak ng kalikasan na matulog at mahiga sa tila kumot niyang lupa. Tahimik ang kapaligiran at wala kang ibang maririnig na tunog kung hindi ang hampas ng mga dahon sa sarili nitong sanga. Napakasarap tignan, napakasarap i status sa fb.

Nagsimula na akong maglakad. Wala akong dalang ibang gamit kundi ang aking sarili at ang aking mga damit. Kahit nga yung gatsby wax ko kinumpiska bago ako makapasok dito.

Napakalawak ng kagubatan na aking natatanaw. Napakaganda pagmasdan, kasing ganda ni Megan Fox; all sides walang palya. Nakakapagtaka nga bakit tinawag ang lugar na 'to na Devil's Mountain, e wala naman akong nakikita na kahit isang kademonyohan sa lugar na 'to.

Sa paglalakad ko na parang walang alam sa mundo, may narinig akong kaluskos. Sa takot ko, napatakbo ako na parang hinahabol ni The Incredible Hulk at tumambling papunta sa isang malaking bato. Nanginginig akong sumilip sa bato. Wala akong alam sa martial arts kaya hangga't wala akong kahit anong sandata, magtatago't magtatago ako(sabagay kahit meron magtatago din naman ako).

May lumabas na skunk sa likod ko. Wow! hang cute naman ng skunk na 'to, kasing cute ko nung bata ako. I was so relieved na hindi kapwa candidate ang lumabas sa likuran ko, kundi isang harmless, at walang ka alam alam na hayop. Pero nagkamali pala ang pinakapoging tao sa mundo.

Naamoy ko ang pinakamalupit na amoy sa buong mundo, dinaig pa yung titser naming lasinggero at dinaig pa yung amoy ng mga architecture student na hindi nagpalit ng brief ng tatlong araw. The smell came from its sh** hole. Napasigaw ako ng napakalakas at biglang napatakbo ng todo. Nadapa ako ng ilang beses, nasalubsob, na face plant, nataranta at nabagok habang tumatakbo palayo sa cute but deadly na skunk na inututan ako.

Panu ko nga ba ikukumpara yung amoy ko nung araw na 'yon? Sige, isipin na lang natin na naglalakad ka; masayang masayang nag hippidy hoppidy hoo sa loob ng inyong bahay habang papalabas naman ang lolo mong mabubulag na dahil sa katarata. Iihi ka sana at binuksan mo ang pinto, tapos tumambad sa iyo ang nakasusulasok na amoy ng etchas ng lolo mo. Tinakpan mo ang iyong ilong dahil alam mong malalabanan ng "flush" ang lahat ng masasamang bagay na inilabas ng lolo mo sa mundo. Pero pagtapak na tapak mo, napamura ka ng ilang beses dahil nagkalat pala ng etchas ang lolo mo pati sa tiles ng banyo niyo. Ganun ang amoy ko ngayon, isipin niyong mabuti; sakit tanggapin ang experience na 'to pero wala akong magagawa, nangyari na e.

Asar na asar ako, at dahil sa feeling ko ako na ang pinakamabahong tao sa buong mundo, sinubukan kong gumawa ng paraan. Ang naisip kong paraan ay hubarin ang t-shirt kong amoy ipot ng kambing. Walang nangyari. My next tactic ay iwasiwas ang aking damit sa ere, at baka mawala yung amoy sa hangin. Another epic fail. And my last attempt ay gumulong gulong ako sa lupa para mapalitan ng amoy ng bato yung t-shirt ko. Mas lumala, kanina amoy ipot ng kambing, ngayon ganoon pa rin amoy, may kasama pang almonds na nang galing sa sh** hole.

Hindi ko napansin na napakalayo na pala ng nalakad at naitakbo ko. Hindi ko na tanaw ang "gate" na pinasukan ko, miski yung napaka adorable na hayop na yun ay hindi ko na maaninag. Once again, I'm back to reality. Na nagiisa ako ngayon at wala akong makitang kahit anung makakatulong sa akin.

Pero kahit kailan, hindi talaga nagsawa si Dear Lord na magbigay sa kapus palad at nagpapaka kapus palad. Habang walang kamuang muang na naglalakad sa makitid na kagubatan, may nasanggi akong napaka importanteng bagay. Kuminang ang dalawa kong mata na parang sa anime kapag exaggerated na yung character sa pag ka eliv. Kung pwede nga akong maging chibi, liliit ako bigla sa nakita ko.

Battle to the Death: Devil's MountainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon