Devil's Mountain: Battle 4

74 3 4
                                    

Battle 4: Survival 101

"That booklet is yours; treasure it and make it a part of your life! that is the last thing you'll get a hold on before you die"

Anu yun? sarcastic ba yun o pinagtritripan kami ng gurang na 'to? 

Napakadami namang nakasulat sa booklet na 'to; daig pa yung "our daily bread" sa quotations at random trolling. 

Binasa ko ang munting aklat na ipinresenta sa amin. Siguro dahilan din ng curiousity at baka bigla akong ma out of place kapag nabasa lahat ng mga taong nakaupo dito yung booklet tapos ako ni preface walang alam.

Skip...

Alam mong walang kwenta ang preface, introduction at copyright ng libro. Sinong tao dito ang hindi nagkasala na binuksan yung aklat nila sa Filipino at binasa yung introduction? Di ba para mapabilis; random pages agad ang binubuklat natin? Haha kala niyo ha, di ko kayo mahuhuli! e ganun din ako e hahaha.

Oops. Stop ako sa page na 'to; mukhang interesting. This page indicates:

Devil's Mountain; Geographic Survival

>Supplies are scattered around the island; supplies are hidden and it is top priority for a representative to get his or her hands on a supply

>Covering almost 128, 000 hectares; the island is huge, enough for a probable escapee. However; it is practically impossible since the perimeter each candidate would set foot on; only covers 200 hectares

>It is favorable if one candidate finds a higher ground. It provides safety and vision over at least 90% of the lower marshes

>Trees can be used for cover; climbing them is a favorable choice.

Nabored ako bigla. Anu ba 'tong pinapabasa sa amin? Hindi ko nga alam kung anu ginagawa namin dito e. Lishi. Binalik ko sa may bandang umpisa yung pages, at nag stop uli yung daliri ko sa isang interesting part ng booklet. Noted:

Battle to the Death: The Devil's Mountain

The Battle to the Death is a contract or agreement consisting of the seven prominent continents. Each continent is able to pick up to three representatives from any nations under teritorrial provisions. Those who were picked were given the honor to fight for their country and give power to the continent itself. There can only be one survivor; and that survivor is entitled to give honor and dominance for the nation he is representing. In which case, if the candidate came from one continent; that continent shall be decided; and to stop the war; that continent should remain dominant for an entire year. Ea..

Teka kamot lang ako ng pwet, makati na...

Ayun tapos na; pero lipat ko na kasi nakakatamad yung Introduction e. The next page is entitled to the Game Rules. The booklet says:

Game Rules:

The rules in this booklet shall hereby be followed and is strictly monitored. Any violation against the game rules may result to the candidate's disqualification or even the continent's disqualification itself.

Rule#1: Each continent must provide three candidates. A violation against this rule shall result to the continent's disqualification.

Rule#2: No one can leave the 200 hectares perimeter; if done so, the candidate shall be disqualified.

Rule#3: Each time a candidate is decapitated; the representative whom have done so has the right to scavenge the dead body's luggage.

Rule#4: If in case the remaining candidates are of the same continent; see rule #5

Rule#5: There can only be one survivor; violation against this rule would endanger the candidate's life and the continent's safety, this is considered the major rule of the devil's mountain.

Ang slow ko talaga. Nilingon ko ang mga kasama ko; kahit sila tila hindi makapaniwala sa nakalagay sa mumunting aklat na 'to.

"This is unbelievable"

Sabi ng babaeng humatak sa akin kanina. Mahaba ang buhok niya at chinita. Mapupungay ang mga mata at parang hindi marunong manakit ni isang ipis 'tong babae.

Naglaro ako ng guessing game. Dahil sa kahit papano ay natanggap ko na, na ako ang unang matetepok sa larong PAMBATA na 'to, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamamagitan ng paghula kung saang bansa nanggaling ang mga kasama ko.

Una yung negrong nag salita ng jejemon kanina, i think he's from Africa, kalbo e. Etong babaeng katabi ko; fluent mag english pero hindi siya mukhang tiga States; at dahil na singkit naman siya at mukhang anime ang itsura; malamang galing Japan. Yung nakabangga ko kanina siguro fresh from Rome yun; mukhang tigang at galit na galit sa mundo dahil kahit isang beses hindi pa siya nakakita ng cute na babae.

"Is that clear!?"

Sigaw ng gurang na nakasuot ng matiwasay na damit. Nagsasalita pala siya; hindi ko alam, nagmumuni muni lang ako dito, tinatanggap ko na, na mamamatay na ako ngayon pa lang.

"All of you looked weary; fix that on your camps! rest if you may! you have one more week to do so!"

Biglang may humarang sa view ko kay gurang. Tiningala ko kung sinong hampaslupa ang nagtangkang humarang sa napakaganda kong view sa matandang parang ma he-heat stroke na maya maya.

"You may go now"

Sabi niya. Tinuro niya ang isang maliit na kubo doon sa may bandang likuran, hindi naman ganoon kalayo. Kahawig niya yung kasama ko kanina doon sa ala "limousine" na sasakyan. Parehong madungis ang bigote at magulo ang buhok. Mabaho din siya.

Minabuti ko ng tumayo at sumunod sa iniutos sa akin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa aming "safe house". Isa lang tumatakbo sa isip ko noon. Ang mag status sa facebook.

Pero bago ako makapasok; may nakipagsiksikan sa akin; nakipagunahan na pumasok sa pinto.

"The he.."

"Anak ni Gloria"

Iginawi ko ang aking paningin sa taong nakipagdutdutan sa akin.

Nagulat ako; at sa sobrang gulat ko, napasigaw ng malakas:

"OH MY GOD! may Iphone4s ka din!???"

-end.

==============================

kokokkokokokokokokokokokokoko haha antook na ako :3 bukas na lang po ulit! kahit wala akong kausap dito! hahahaha

Battle to the Death: Devil's MountainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon