Battle 6: Let the games begin
"Hey, what's wrong with your face? you look like Davie Jones.... is everything inverted?"
Yan ang sabi ng lalaking nagpakilala sa aming tatlo bilang aming "mentor". Lasing na lasing na 'tong hayop na 'to, at nangamoy alak na yung buong sala, kung anu-ano pa pinagsasabi sa amin, kesyo; nakita niya daw si St. Peter, at si San Pedro at si St. Peter daw ay magkaibang santo; kasi si St. Peter daw may dalang chicken, si San Pedro inasal na daw yung chicken. Siraulo.\
Unti-unti ng humupa yung amoy ng kumuha si Boy wushu ng disinfectant spray mula sa kusina; pinaliguan niya ng pabango yung taong alak na dada ng dada sa harapan namin at pati na rin yung buong bahay dahil kumapit na yung Red Horse sa kwarto.
"Hey.. are you alright?"
Isang butihing tanong ni Aira. Tama lang naman yung tanong niya; kasi hindi mo na mabibilang yung Margarita at Red Horse na bote na lang dito sa lamesa, at take note: siya lang ang uminom buong magdamag.
"Don't you dare say stu-stupid things on me sissy! you're going down"
Lumapit si lasinggero kay Aira; syempre to the rescue ako, tumakbo ako papuntang kusina na kasing bilis ni batman na walang batmobile. Ng hahawakan na siya ni lasinggero; bigla siyang pinigil ni Chen at inilayo kay Aira.
Lumaban si lasinggero; hinawakan niya ang kamay ni Chen at pinilipit ito pabaliktad; syempre hindi magpapatalo ang lalaking pinanganak sa wushu kaya hinawakan niya yung braso ng siraulong lasinggero. Nakita ko na 'to sa UFC, pagkahawak sa may bandang siko sa kalaban, pilit ibabaliktad patalikod at saka gagamitan ng "sweep" para ma out balance ang kalaban at tumambling ng isang beses sa ere at matake-down.
Wow! ang lakas ni Chen, parang nag slow-mo ang lahat ng lumutang sa ere si lasinggero at umikot na parang si Barney habang kumakanta ng "I love you, you love me, let's go out and kill Barney". But; you should expect the unexpected.
Imbis na si lasinggero ay mag face plant sa tiles ng sala; nakapag execute siya ng 360 degrees na backflip at akalain mo, paa yung tumama sa flooring at hindi mukha. Kabaliktaran naman ang nangyari kay Chen. Dahil hindi succesful ang "throw" ni Chen, ang kanang braso niya naman ang naka-lock pabaliktad. Ginaya ni lasinggero ang ginawa ni Chen, at pinatid niya din ito. Pero hindi 360 degrees ang ikot ni Chen kundi 187 degrees at may butal pa, kunyari sinukat ko ng protractor. Napahiyaw si Aira ng malakas, doon ako pumasok na may dalang kitchen knife galing sa kusina. Pero nakakagulat ang nakita ko.
Si Chen ay hawak hawak ang kanyang likuran, lumanding sa lamesa na punong puno ng bote ng Red Horse at basag na remains ng Margarita. Si lasinggero ay nakadagan naman sa kanya.. tulog. Naghihikab pa.
"Goodmorning!"
Ang sabi ni Aira sa dahan dahang dumidilat na chinese. Parang inaaninag pa ni Chen ang ilaw at kumakapa pa sa kung saan saan. Kinapa ni Chen ang mukha ni Aira, paonti onting bumababa, oops baba pa, baba pa ng onti, yan onti pa malapit na! yan onting onti na lang, yan na mahahawakan mo na ang... OOPS; CENSORED, IWAS PUSOY SI AUTHOR.
"Hey, wha-what happened? where's that drunkard from minutes ago?"
"Actually Chen, its days ago"
Nagulat si Chen at biglang humugot ng lakas sa hawak hawak niyang kung anu man yun. Para siyang sinaniban ni Undertaker sa pagbangon, straight body at parang bampira ang posisyon.
"Stupid! How many days I'm sleeping here?"
Angal ni Chen. Hindi makapaniwalang naglalaway siya ng ilang araw sa kamang inihian ko bago siya matulog.
BINABASA MO ANG
Battle to the Death: Devil's Mountain
Mystery / ThrillerThe world began to crumble as the economy falls down. To end the war; the seven continents decided to pick three representatives each; for a duel called Battle to the Death. Whoever wins; shall claim power, honor and glory; uplifting the pride of hi...