Devil's Mountain: Battle 3

87 3 2
                                    

Battle 3: The Training Camp

The sign says:

"Welcome to the Training Camp"

Bullshit. Sabi ko sa sarili ko habang naka escort sa akin ang dalawang halimaw sa magkabilang gilid. Habang naglalakad, minabuti kong sipatin ang paligid para kahit kakaunti ay malaman ko naman kung saang lugar ba ako dinala ng mga hayop na 'to.

Trees; and lots of them. Napakadami, parang isang virgin forest pa ata ang pinagtayuan nitong training camp dahil sa sobrang lawak at liblib ng mga natatanaw kong puno't halaman. Tahimik, hindi katulad sa siyudad, walang kaparis ang kalinisan sa paligid at ni isang wrapper ng "halls" ay wala kang makikita. Ang tanging maririnig mo lang ay yung mga tinig ng kuliglig na bumabalot sa buong kagubatan at ang tunog ng mga balang nagrarat-ratan sa may bandang harapan.

TUNOG NG BALA!?

Nabaling ang aking pansin sa aking harapan. Nagulat ako sa aking nakita. May isang ma-mang naka magarang uniform ang nagpapaulan ng bala ng AK-47 sa kawawang katawan ng punong "Dau". Para siyang si Santa Claus; nung nakapunta siya sa isang bahay para magbigay ng regalo pero walang cookies at gatas na handa, kaya nag freak out at naglabas ng baril at pinagtatadtad ang household at family acquaintances ng bahay. In slow motion.

Nanibago ang pakiramdam ko sa paligid, napatingin muli ako sa aking kaliwa at kanan ngunit, sa laking gulat ko; naglaho na parang taeng dinakot yung dalawang bouncer na bumubuntot sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumalik yung takot ko. Takot, hindi dahil hindi ko kasama ang mga mahal ko sa buhay; kundi takot dahil sa hindi ko alam kung anong haharapin ko at magiging kinabukasan ko dito sa lugar na ito.

"Oy lalake! bago ka ba dito!?"

Isang boses ang sumira sa ilusyon kong nababalot ng takot. Biglang may naghagis sa akin ng isang "canteen" at medium-sized na jansport backpack. Napa-usog ako dahil sa bigat ng backpack na inihagis sa akin ng wala man lang kahit anong pakundangan.

"Wag kang mag-alala, madaming pinoy dito, wag kang matakot"

Sabi sa akin ng lalaking matangkad pa sa akin at malaki ang katawan. May dala dala siyang banig na mas malaki pa sa akin at isa pang bag na malamang ay ihahahagis niya din sa di mapalad na biktima.

"Anu ba nangyayari dito? Nasaan ba 'ko?"

"Peremestit yego idiotom!"

Binunggo ako ng isang lalaki mula sa aking likod; bigla kong nabitawan ang bag na binigay sa akin. Sa inis, nilingon ko ang lalaki habang nanlilisik ang aking mga mata, pero biglang nabahag ang buntot ko ng nakita ko siya. Maputi, matangkad; may tamang katawan at may onting angas maglakad. Pero may kakaiba sa kanya, yung mga mata niya; parang mata ng nanay ko kapag nagagalit; natatakot ako.

"Ha?"

Sagot ko; nautal pa ako ng bahagya dahil hindi ko alam kung lenggwahe ba yung sinabi niya o nagritwal siya at tumawag ng masamang espiritu para sumanib sa katawan niya.

"I said MOVE IT! YOU IDIOT!"

Nabigla ako sa sinabi niya. Lalong nag-init ang aking dalawang tainga at napahigpit ang hawak ko sa "canteen" na aking dala dala. Dire-diretsong naglakad ang lalaki na para bang wala siyang natapakang pride sa sinabi niya. Para akong damo na tinapakan na lang kahit may nakalagay na "KEEP OFF THE GRASS" na sign sa tabi.

"Masanay ka na, madaming ganyan dito; hindi lang ikaw ang nandito, madami kayo; isa siya sa mga makakasama mo"

Makakasama? Hindi ko ninais kahit kelan na maka-kasama ng taong lampas hanggang langit ang pride.

"Hey! what're you doing there? come here right now!, you! the one in the blue shirt! come here!"

Tinitigan ko ang damit ko para makasigurado. Tumitig din ako sa paligid ko at baka may iba pang naka blue na t-shirt na hindi ko namamalayan. Pero wala. Shit na malagkit! ako nga! bakit ako tinatawag nitong gurang na 'to? baka ratratin din ako nito gaya ng ginawa niya dun sa kawawang puno!

"Come here, we're not gonna bite you"

Biglang may tumayo na babae sa gilid, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa pinakamalapit na upuan. Sino siya? at sino 'tong mga tao na 'to? bakit kami naka upo dito at nakaharap sa gurang na may hawak ng rifle sa harapan ng maliit na lamesa? saan ba ako napadpad? at bakit napakadami kong tanong? makulit ba ako?

Nagmatyag ako sa paligid; madami kaming nakaupo, pero ni isa, kahit isa... wala akong nakitang mukhang Pilipino o may lahing Pilipino man lang sa mga katabi ko. Niloloko lang ata ako nung nakausap ko kanina, sabi niya madaming Pilipino dito, e mukhang dadalawa lang kami.

"Pay attention!"

Ang sabi ng matandang salita ng salita na walang nakikinig. Parang professor namin sa trigonometry nun dati.

"O..ns is jammer"

"Quiet down!; I did not tell you to talk! and NO ONE HERE IS ALLOWED TO SPEAK IN THEIR OWN LANGUAGE, AM I CLEAR!? English is the only acceptable shit in here!"

Ano ba tong napasukan ko at bakit andaming linguistic dito. Ako yata pinakamangmang dito sa "training camp" na 'to.

"We-we're sorry"

Sabi ng isang lalaki sa likod,, maitim at walang buhok, pero dahil sa maitim nga siya; hindi nakakasilaw ang "reflection" ng araw mula sa bumbunan niya, kundi parang laser ni darth vader na sing itim ng singit ni goliath.

Maya maya pa, ay may lumapit sa amin. Iniabot nila ang isang booklet na may nakalagay sa harapan na Survival 101. Binuklat ko ang unang pahina...

At nagulat ako sa aking nakita.... 

Battle to the Death: Devil's MountainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon