Battle 8: A Favorable Reunion
"Aira!!! Hey! Put me down from here! Quick!"
Sabi ko kay Aira na eksaktong dumating kung kelan na dapat ako matetepok. Nagulat siyang napatingin sa taas, parang inaninag pa kung sinong tanga yung nabitin doon ng 'di inaasahan.
"Oh! Hey its you Jericho! What are you doing up there?"
Ang sarap kutusan ng babaeng 'to, hindi ba niya nakikita na nakabitin na ako pabaliktad at pagewang gewang ng mamamatay dito? kung hindi dahil sa may makakita sa akin at sibatin ako dito para matigok ako, mamamatay ako dahil yung dugo ko pupunta sa utak ko; babahain yung katangahan ko.
"Just give me a hand"
"No silly, I mean, what're you doing there hanging at my trap?"
Akalain mo nga naman, sa kanya pa pala 'tong bitag na nakahuli sa akin. Pero napakaswerte ko naman at siya pa ang nakahuli sa akin, kung iba; malamang ginawa na akong oishi ng mga hayup na 'yon.
"Cut me loose; my brain's getting clogged up"
Sabi ko habang sinusubukang kalasin ang mahigpit na pagkakatali sa paa ko.
Lumapit si Aira para kalasin ang tali, naglabas siya ng isang combat knife na nakasuksok sa kanyang bota. Nakatitig ako sa kanya habang dahan dahan niyang pinuputol ang napaka kapal na lubid.
Ang swerte nga naman ni Aira o, nakakuha siya agad ng supply, kung ako lang nagkaroon ng lubid at kutsilyo na ganyan katalas malamang madami na akong nagawa: gaya ng portable web ni spiderman, obstacle course, monkey bar, suspender, banig pang tulog, tali ni indiana jones at kung anu ano pang bagay na walang kwentang lumalabas sa utak mo ngayon pwera na lang ang pag gawa ng patibong. Ni isang beses 'di ko maiisip na gumawa ng patibong kasi utak biya ako, hindi ako marunong ng mga "knot" "knot" na kung anu pa mana yan. Santisima! pahirap sa buhay! ang alam ko lang na "knot" ay yung pagtali sa sapatos ko at yung "pokknot" na nasa may bumbunan ko.
Yes! After ten years na nakalambitin ako ng patiwarik, isang hibla na lang at mapuputol na ni Aira yung lubid! This is my lucky day!
"Teka, teka Aira wag muna!"
Sigaw ko sa kanya, at sa sobrang taranta ko ay napagamit ako ng aking sariling wika. Kaso, huli na ang lahat. Dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ko; kala niya siguro sinasabi ko na "yes! faster! faster!" kaya lalo niyang nilakasan ang pagkiskis ng kutsilyo sa tali.
Masyado pa palang maaga na sabihin na this is my lucky day. From at least ten feet high, una yung mukha kong bumagsak papunta sa lupa. Epic face plant ang nangyari sa akin, at sa sobrang pagka ngudngod ko sa lupa; nabaon pa yung matangos kong ilong sa patong patong na dumi, parang may gumapang pa nga, may uod pa ata.
Bumangon ako mula sa nalugmok kong mukha, este pagdurusa. Napuno ng dumi at sugat ang napaka pogi kong mukha. Inis na inis ako kay Aira noon dahil sa lahat ba naman ng madudumihan pa sa akin, yung mukha ko pa! damn!
"What did you do that for?"
"I'm sorry, I didn't know it'll go this far"
She smiled at me. Ngiti ka pa, bangasin ko mukha mo diyan e.
Ng magkatinginan kami ni Aira, lalo pa akong naasar. Tumawa ba naman ng pagkalakas lakas, yung laway niya naulanan na yung mukha ko. Kanina dumi lang yung nakalagay sa mukha ko, ngayon putik na! putik na!
"Wait did you hear that?"
Sabi ko sa kanya, agad agad siyang tumigil ng tawa. Lumakas nanaman ang kaba ng dibdib ko, para nanamang nasa panganib ang buhay ko at ngayon, ng kasama ko.
May kumaluskos sa gilid namin, at dahil hindi ako nakakuha ng Citizenship Advancement Training noong nasa hayskul pa ako, hindi ko malaman kung nasa may ''left'' or ''right'' ba nanggaling ang kahinahinalang tunog.
Naramdaman ko ang ihip ng hangin,
Sumikat ang init ng araw at
Naghanda kami sa kung anu mang mangyayari...
Hanggang sa....
Pr..Prooo...Prooot...
LUMABAS ANG ISANG KAHINAHINALANG TUNOG, PERO HINDI NANGGALING SA KALIWA O KANAN NAMIN. NANGGALING SA KALOOB LOOBAN NG PWET KO.
Sumabog ang napakabangong simoy ng hangin sa paligid namin, nalanta ang mga halaman at nagsitakbuhan ang mga langaw na dumadapo sa katawan namin. Nagtakip bigla ng ilong si Aira habang mahinang tumatawa, pinipigil niya ang kanyang mala halimaw na bungisngis hindi dahil sa malakas ito, kundi may kanyon na sasabog mula sa bunganga niyang hindi na masasara.
Natawa na rin ako sa nagawa ko, siguro dala na rin ng paguudyok ng kasiyahan ng kaibigan ko. Humawak si Aira sa tiyan niya dahil sa sobrang tuwa, habang ako naman ay maiyak iyak sa pagkutya sa mukha niyang kasing pula na ng mukha ng kapitbahay naming japayuki.
Pero sabi nga nila, may oras magsaya pero may oras din para malungkot.
Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na may umaagos na palang dugo sa kinatatayuan naming dalawa, at ang dugong iyon, ay nangmula sa hita ni Aira.
Hindi ko namalayan na ang pagiyak niya, hindi na pala nagmula sa kaligayahan ngunit sa sakit ng sugat na natamo niya. May nakatusok na palaso sa kanyang hita, nakabaon ito at halos matuklap ang kanyang balat sa laking kanyang tama. Kahit naandoon pa rin ang pana, nagdudugo pa rin ito ng sobra, hindi tumitigil; at alam kong mas delikado kapag sinubukan kong alisin ang matulis na bagay na kumitil sa kanang hita niya.
''Vitz uzeless to iztruggle vnow''
Wika ng boses na mukhang isang daang taon ng may sipon at nabarahan ng malalaking pwersang kulangot.
-end
============================
ang pinakamabagal na update hahahaha :) im back! update uli ako mamaya ok ba? :3 hehe and to inform you guys:
IDEDELETE KO PO YUNG ASSAULT ALPHA
pero...
wag magalala at papalitan ko ng mas pangit na series... haha
WAIT NIYO DRE!
ginagawa ko na rin e...
SEE YOU GUYS! hope naandito pa rin kayo!
BINABASA MO ANG
Battle to the Death: Devil's Mountain
Mystery / ThrillerThe world began to crumble as the economy falls down. To end the war; the seven continents decided to pick three representatives each; for a duel called Battle to the Death. Whoever wins; shall claim power, honor and glory; uplifting the pride of hi...