Battle 1: Abduction
Humigop ako ng kape, habang nag tatayp sa keyboard ng aking kompyuter. Nag scroll ako para sa latest "news feed" na makikita ko. Natawa ako sa mga pictures na puro katangahan at kaadikan ng tao ang mga pinapakita; napamura din ako nung nakita ko yung mga stolen shots ko nung high school ako.
I was about to close the computer when something caught my attention; It was a global announcement coming from the staffs of the site itself. Nakalagay doon ang mga katagang hindi ako makapaniwala:
"7 continents, 3 representatives. One survivor. The game of death at the Devil's Mountain is about to unfold!"
Hindi ako makapaniwala nun; kasi nakita ko nanaman yung Devil's Mountain na yun. Anu ba yun? pangmalawakang prank para sa mga taong bobo at walang alam sa mundo? o talagang announcement ng mga nakatataas para kumita ng pera?
Doon ko biglang narinig ang hiyaw ng magulang ko. Lumingon ako para silipin kung sino ang hinihiyawan ng mama ko sa labas.
Sa loob loob ko:
"Sige ihiyaw mo pa lahat ng kabulastugan na ginagawa ng anak mo, ipahiya mo ako! sige pa...."
Pero iba ang eksenang nakita ko. May dalawang lalaki na mukhang bouncer sa labas; parehong nakasuot ng itim, nakatayo ng buong tindig at hindi natitinag sa laway ng mga magulang ko. Pagkatapos iiyak ng nanay ang lahat, biglang pumasok ang dalawang bouncer sa loob ng bahay. Sinubukang pigilan ito ng tatay ko pero; dahil siguro sa katandaan, sinumpong ng rayuma at minabuting umupo na lang.
"Anak ng kalabaw na nahulog sa bangin at nasubsob sa EDSA. Sino 'tong mga to!?"
Naalala ko bigla yung wallpost sa akin ng hindi ko kilalang tao. Kinabahan ako bigla at napatayo sa silyang kinauupuan ko. Nabalikwas ako ng todo dahil sa tensyon at agad napatakbo sa pinto. Sinarado ko ito at ikinandado. Minabuti ko na ring iusog ang aking tukador para hindi maitulak ang pinto ng basta basta.
Nag empake agad ako. Nanginginig kong kinuha ang mga gamit ko at sabay sabay isiningit sa maliit kong maleta. Para akong nagmamadaling umalis para magpunta sa airport dahil late na flight ko. Narinig ko ang yabag ng dalawang lalake sa labas. Hindi na nila sinubukang buksan ang pinto; bagkos, itinulak nila ito ng pwersahan.
Kabado. Yan ang nararamdaman ko. Tumulo ang pawis ko mula ulo hanggang tainga. Napakabilis ng tibok ng puso ko noon. Nanginginig ang aking buong kalamnan at tila mawawalan ako ng malay.
Nilunok ko lahat ng 'yon at tumakbo papunta sa bintana. Nagkasya agad ako at natuwa ako kasi makakalaya ako doon sa dalawang halimaw na sinusubukang buksan ang pinto. Kaso, may problema. Hindi nagkasya ang mga kagamitan ko sa bintana.
"SHIIIIIIIIT! nandun yung brownies ko!"
Nguit, hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Isang malakas na tunog ng baril at pag pindot ng gatilyo ang kasunod na narinig ng aking mga tainga. Kasabay noon, ay ang isang malakas na pagtulak sa aking pinto. Bumagsak ang tukador ng walang pakundangan, kasabay nito ang pagbagsak ng aking maleta.
Tumapak ako sa "eaves" ng bahay at unti unting naglakad patungo sa kabilang kwarto. Sinusubukang makatakas mula sa nagbabadyang panganib.
Pero napalitan ang mumunting sigla ng aking mukha at katiting na pag-asa ng kaba. Nahawakan ang kwelyo ng aking polo. Sinubukan kong tanggalin ang aking polo; at baka sakaling makatakas ako ngunit huli na ang lahat. Nahatak ako ng dalawang kamay na sa sobrang lakas ay napunit ang kalahati ng aking damit.
"teka! sino kayo? anung ginagawa niyo dito?"
Hindi sumagot ang dalawang bouncer. Bagkos, binitbit ako sa pamamagitan ng kanilang braso, at niyakap ang aking leeg. Wala na akong magawa, hindi ako malakas, hindi rin ako marunong mag wushu; kung kaya't wala akong nagawa, kundi maiyak.
Pumiglas ako. Sinubukan kong sumigaw ng todo; ngunit namimilipit ang aking leeg sa sakit. Sa huling sisidlan ng aking lakas, sumigaw ako ng buong lakas.
"YUNG FACEBOOOOK KOOOO!!! hindi ko pa nasisign out! saglit lang!!!!"
-end of battle 1
=======
comment to vote po please :) thanks sa pagbasa guys.. haha wala akong magawa e
BINABASA MO ANG
Battle to the Death: Devil's Mountain
Misterio / SuspensoThe world began to crumble as the economy falls down. To end the war; the seven continents decided to pick three representatives each; for a duel called Battle to the Death. Whoever wins; shall claim power, honor and glory; uplifting the pride of hi...