Mga Ilalaman

1.3K 86 28
                                    

Copyright © 2017

Pakituloy hanggang sa ibaba ang pagbabasa, ha. Thank you. :)

*** Stress can affect people of all ages, bata ka man o isip bata, matandang may kinatandaan o wala. Ngek! All genders din itey. Babae o babae rin ang trip, lalake o lalake rin ang wish, at mga 'di kaaya-ayang circumstances or issues like kunsumisyon sa dyowang unfaithtful, tamad na may bisyo pa. Kapatid/ kaibigan na utang nang utang 'di naman nagbabayad na tipong kapag siningil mo e, galit pa. Mga kamag-anak na naaalala ka lang kung may kailangan. Amigas/amigos na close up smile sa harapan mo and telling some good stuffs about you pero 'pag talikod mo ikaw na ang topic sa usapan at tinitira ka patalikod-hindi ka naman nakatuwad. Hay naku! 

Nakaka-stress din kung due date na ng mga bills, wala ka pang pambayad. Kasusweldo mo lang pero 3 days pa lang ang nakalilipas ubos na. Kung may kaserang masarap sungalngalan ng tig be-bente singko centavo sa bunganga, mga 3k kaya ayos na? Professor/teachers/boss/lady boss na corrupt na nga, mahilig pa sa padulas. Mga colleagues/classmates/schoolmates/FB friends/ chatmate/textmate/sexmate na bully. Mga kumakatok sa bahay mo na hindi tumitigil hanggang 'di mo pinagbubuksan tapos manghihingi ng limos kesyo namatayan o nasunugan pero makikita mo sa kanto nagyoyosi ng Marlboro black samantalang ikaw Mighty lang, kumakain ng tapsilog habang ikaw coffee lang sapat na, at ang masama madadaanan mo sa lamayan, nagtatatlo't wala pa! 

Nakaka-stress rin mag-isip kung ano na naman ang ilulutong ulam na kakainin ng mga pinakakain mo na lang nag-iinarte pa. Paano pagkakasyahin ang budget na kakarampot naman, pero mas stressful kung wala namang perang ibinibigay ang partner mo, naghahanap pa! Tindahan/business na naubos ang laman pati puhunan mong inutang lang sa bumbay, COOP o lending company e, ubos din, at maraaaaaami pang iba. 

Lahat ng mga iyan can lead to both physical and psychological health issues. Pansinin mo, lagi na lang mainit ang ulo mo. Mailap ang ngiti sa mga labi mo at lagi kang iritado. Napapamura ka pa or nagdadabog mailabas mo lang ang ngitngit mo. Tama o mali? Minsan nga naibubunton mo pa 'yan sa iba. Malas na lang nila. Ahaha. Tumataas ang blood pressure mo, blood sugar, cholesterol at napapagastos ka pa sa Derma o nakakapangutang kay Avon lady para lang may mailagay na cream sa feslak. Saklap no?

Ayon sa aking obserbasyon, correct me if I'm wrong, babae, lalo na kung ina ng tahanan ang karamihang biktima ng stress. Woops, 'yung mga motherhood sa true definition ha. 

Stress is any uncomfortable emotional experience accompanied by predictable biochemical, physiological and behavioral changes. Stress and inflammation leave us vulnerable to depression. Kaya medyo pakalmahin ang sarili para 'di mabuang. Maglibang in cheapest way, like reading STRESS FREE ZONE ni ajeomma. TOINKZ! Yan ang segway! Ahaha.

Laging tandaan, ANG PROBLEMA, PARANG GUTOM. LILIPAS DIN. GOD will provide, and never NIYA tayong pababayaan. Patuloy tayong magsikap, magtiyaga at malalampasan din natin ang mga 'yan, at syempre be nice lalo na sa sarili natin. 

----

Heto na ang magiging laman ng ating babasahin:

PILYANG KWENTO

*Pilyang Kuwento #1- BETLOG, kakalog-kalog. 

Alamin ang kuwento ng TEAM HAW-TEN. Kung paano nila malalampasan ang pagsubok ng Engkantong panot upang mapanhik ang BUNDOK PEPE at makakuyangyangan ang kababaihan sa TRIBONG BUKAKA. Kung paano nila matutularan ang tagumpay ng mga taga BARYO BASANG LAGI. Kilalanin natin sina KAPITAN TUTAN, DAK-O, TIG-AS, LIB-OG at SUP-OT- ang magic five ng BARYO HAW-TEN. 

MEDYO SERYOSONG KWENTO

OKRAYAN

SLIMY YET SATISFYING

etc... etc.

Basta, rambol na. Kung ano ang pumasok sa utak ng writer SHARE agad. Kung may alam kayong kalokohan, PM niyo naman para mabihisan at maibahagi natin sa iba. Baka kasi maubusan agad ako, e. Haha. Sa ngayon, pagtiisan niyo muna ang ibabahagi ko sa inyo. Des es da ader sayd of ME, baliw! hehe. Kung ia-add niyo ito sa inyong library, pakisilip na lang if makikita niyo ang notif ng part na 'to para sa kaunting teaser ng susunod na kuwento sa PK (Pilyang Kuwento)

Smile everyone! Labs yah! :-)

~ajeomma

Stress Free ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon