Copyright © ajeomma
All Rights ReservedPK1- BETLOG, kakalog-kalog
FIRST TASK
HINATID NG magkababaryo ang limang magigiting na lalake. Labis nilang hinahangaan ang katapangan ng mga ito. Mailigtas lamang ang kanilang baryo sa tiyak na pagkaubos ay magagawa ng Team Haw-ten ang magbuwis ng buhay para sa lahat.
"HEY, AJEOMMA! WHAT ES DA MENENG OF DAT ESTEYTMENT? BUWIS-BUHAY TALAGA? MAMAMATAY BA KAME? PAPATAYIN MO KAME SA KUWENTO, GANERN? ANO 'TO LOKOHAN? CAN YOU AT LEAST WISH US GOOD LUCK? KALOKA KA!"
(Aws! Sare. Gonebye guys, este goodluck! Mga epal na 'to. Ako ang writer dito, nakikialam. Kapag nainis n'yo ko hindi ko kayo patitikimin ng PEPE, este papapanikin pala sa Bundok Pepe. Ahehe. To continue...)
Nagpapasalamat sila dahil may nanindigan at tinanggap ang hamon. Sama-sama silang nanalangin para sa kaligtasan ng Baryo Haw-ten at nawa'y mapagtagumpayan ng lima ang pagsubok na ibibigay ng Engkanto.
SA PAANAN ng Bundok SUpSOp.
"Nandito na kayo?" tanong ng Engkantong naghihikab.
"Ay, hindi. Aparisyon lang kami. Hologram, para hightech," iritadong sagot ni Kapitan Tutan.
Agad siyang sinaway ng mga kasama. "Kap, magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising."
Bad trip ang Engkanto. "Kabiruan mo 'ko? Close tayo, close tayo? Konyatan kita sa ngala-ngala makita mo," singhal nito. Itinapat pa ang hintuturo at hinlalato sa mga mata at saka itinuro kay Kapitan Tutan. "My eyes on you,Tutan!"
Napalunok ang magiting na Kapitan. "Me and my big mouth!"
"Here's your first task," walang kalatoy-latoy nitong sabi. "Panikin niyo ang tuktok ng Bundok SUpSOp na may dalang isang tipak na bato. See you there," mataray na sabi, and vanish into thin air.
"My ghad, I hate drugs! Hindi ba alam ng Engkantong 'yan ang nagaganap sa ating bansa? Sa dami ng ipapadala sa atin, BATO pa talaga? Saan tayo hahanap nu'n e, mahigpit na ngayon sa New Bilibid Prison? Wala na du'n si Warden at ang jail guards niya, nakakulong na si Senator, tegi na rin ang mga Mano Po friends ko and many more. Saan tayo kukuha ng BATO, seryoso siya?"
Lumapit agad si Dak-o at may ibinulong, "Kap, hindi 'yang batong 'yan ang sinasabi ng Engkanto."
"Alam ko, grabe ka naman sa aken. Nag-aalis lang ako ng kaba. Hindi pwedeng mag-joke? Stress free zone 'to, 'di ba? Gusto mo i-PM ko ang intrimitidang writer para palitan ka? Epal ka talaga e, no? Sige na, maghanap na tayo at nang makapanhik na sa itaas. Pisti! Walang ka-humor-humor sa katawan. Ka-azar!"
Sa bandang gilid nila natagpuan ang hinahanap. Isang double extra large na tipak ang kinuha ni Dak-o, ipinasan iyon at saka sinimulan ang pagpanhik sa bundok. Extra large naman ang kay Tig-as, inilagay din sa kanang balikat at sumunod kay Dak-o. Large size naman ang kinuha ni Lib-og at pinasan din gaya ng dalawa at saka sumunod sa pagpanhik. Medium size at medyo makinis ang pinili ni Sup-ot at ipinatong sa balikat saka sumunod sa tatlong kasama.
"Taena! Pabida talaga ang mga hitad na 'to. Ano, palakihan ng pasan? Kargador, gano'n? Tignan ko lang kung tumagal kayo mga kups! Pupusta ko, hilatod na kayo pagdating sa tuktok!" naiiling niyang bulong. Kasing laki lang ng kamao ang dinampot niya at saka sumisipol na sinundan ang apat na nauna.
BINABASA MO ANG
Stress Free Zone
HumorStress ka ba? Saan? Kanino? Keber na lang. Laughter is the best medicine, beh. Make sure lang na hindi ka napaglilipasan ng gutom, at tumatawa man mag-isa ay hindi mo naman pinaiikot ang dulo ng buhok sa iyong hintuturo upang hindi matulad sa writer...