PK1-BETLOG, kakalog-kalog (Team Haw-ten)

1.3K 78 23
                                    

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

YOU are now entering ajeomma's Stress Free Zone. Toinkz! Me ganun?! Ahehe

BABALA:

Ang kwentong inyong mababasa ay pawang kalokohan lang. Hindi ipinagbabawal ang tumawa o mangiti. Pampalipas inip, pampalipas oras at pambawas stress. Kapag kinabagan, huwag akong sisihin. Haha. Assuming. Try ko kayong patawanin o, kahit mapangiti. Sabi nila komedyanteng laos daw ako. Putsa! 'Di pa sumisikat laos na! Aguy. Without further adieu/ado, let's get ready to rumble! :)

.

PK1- BETLOG, kakalog-kalog 

TEAM HAW-TEN

WANSAPANATAYM, sa isang naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaapakalayong far, far away baryo- ang Baryo Haw-ten, (Potek! Wait lang hihinga muna ko, kah... kah... kah... Whew! Okey na.) na puro hot papa ang livin la vida loca, nagpatawag ng pulong si Kapitan Tutan.

"Tayo ay nahaharap sa isang malaking hardship in life. Marami na sa atin ang natsutsuging virgin. Namamatay nang hindi man lang nakatikim ng churva at tsuk tsak chenes. Nakakaumay na ang pagse-SELFIE. Kailangan nating makapagparami bago maubos ang maganda nating lahi, at mangyayari lamang ang bagay na 'yan kung mararating natin ang mahalimuyak at masukal na Bundok Pepe!"

"Pero Kapitan Tutan, marating man natin ang Bundok Pepe ay wala ring mangyayari. Ayon sa ermitanyong tropapips ni Tata Lino, hindi raw sapat ang kargada natin. We need BALLS, know what I mean? Kailangan daw muna nating magkaroon ng betlog na sisidlan ng semilya upang makabuo ng supling. Muli lang tayong itataboy ng mahaharot sa Tribong Bukaka masilip man natin ang kanilang bukana. I'm sure, maglalaway lang tayo sa kanila. Masakit sa puson, Kapitan Tutan," nag-aalalang sagot ni Dak-o.

Malungkot na napayuko ang magiting na kapitan. Hindi lingid sa kaalaman niya ang sinabi ng kasama.

"Ayon sa private message ng ermitanyong si Tata Lisod, kailangan nating malampasan ang pagsubok ng Engkanto sa Bundok Pepe para malunasan ang ating problems," sabi naman ni Tig-as.

"N-ngunit how-how the carabao, batuten? Paano, tell me," tanong ni Kapitan Tutan.

"Gayahin natin ang ginawa ng mga kalalakihan sa Baryo Basang Lagi. Nagsagawa sila ng pag-aalay sa paanan ng bundok at saka nagpadala ng email sa account ng Engkanto. Lima sa kanila ang humarap sa pagsubok, and they survived. They live happily ever after kasama ng kanilang mga kakuyangyangan at naging mga dyunakis," wika naman ni Sup-ot.

"Ano ba ang pagsubok na ibinigay sa kanila?" interesadong tanong ni Kapitan Tutan (na naman).

"Kinalaban lang nila ang 300 spartan, at nabawi si Helen of Troy," sagot naman ni Lib-og.

"W-what the Fvck?! Hindi natin matutularan ang kanilang ginawa, my ghad! Tambay sila sa gym at may regular session sa mga instructor. Puro pandesal ang mga tiyan nila at bukol-bukol ang mga masel. Pambihira ang lakas ng taga Baryong Basang Lagi samantalang tayo ay pang-Playboy Magazine lang. You see, pang model ang ating angas. We cannot go further beyond. We cannot loose our masculinity in a fight. Paano natin malalampasan ang pagsubok ng Engkanto?"

Stress Free ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon