Copyright © ajeomma
All Rights ReservedPK1- Betlog, kakalog-kalog
Gantimpala
TULALA at hindi makapaniwala sa nangyari ang magiting na kapitan habang binabagtas pababa ang Bundok Pepe. Nangangatog niyang dinukot sa bulsa ang gate pass sa lihim na lagusan-short cut patungo sa Tribong Bukaka na ibinigay ng Engkanto. Hindi na siya nagpahinga sa sobrang excitement. Pinanhik niya ang Bundok SUpSOp kung saan na-trap ang apat na kasama.
"K-kapitan!" synchronized na sabi ng apat. Naiyak ang mga ito nang simulan ni Kapitan Tutan ang pagtistis sa makunat na baging na nakapulupot sa kanila. Isa-isang nakakawala ang apat. Niyakap nila ang kapitang tagapagligtas.
"Maraming salamat, Kapitan. Utang namin sa'yo ang aming buhay," ani Dak-o- ang Ji Chang Wook ng Baryo Haw-ten.
"Thank you, Kap. Paano kami kung wala ka," naiiyak na sabi ni Tig-as- ang look-a-like ni Song Joong Ki.
"Salamat kasi binalikan mo kami," wika naman ni Lib-og- reflection naman ni Lee Joon Gi.
"Salamat sa tulong mo, Kapitan. Komapsamida!" turan ni Sup-ot- replika ni Lee Jong Suk.
BINABASA MO ANG
Stress Free Zone
HumorStress ka ba? Saan? Kanino? Keber na lang. Laughter is the best medicine, beh. Make sure lang na hindi ka napaglilipasan ng gutom, at tumatawa man mag-isa ay hindi mo naman pinaiikot ang dulo ng buhok sa iyong hintuturo upang hindi matulad sa writer...