PK1- BETLOG, kakalog-kalog (Grabeng Task)

564 44 8
                                    

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

PK1- BETLOG, kakalog-kalog

GRABENG TASK

NANLALATANG napabuntong-hininga sina Dak-o, Tig-as, Lib-og at Sup-ot. Malungkot nilang tinignan ang mga bato sa paanan ng bundok. Gustuhin man ay hindi na nila kakayaning pumasan ng malaki dahil iniinda pa rin nila ang muscle cramps sa legs at shoulder.

"Hindi bale mga Brod, busog naman tayo. Kahit maliit lang ang dalhin natin sa tuktok ng Bundok Pusod e, ayos lang. Ang mahalaga, may dala tayo para may makakain pa rin. Gets niyo?" pangungumbinsi ni Dak-o sa mga kasama.

"Yeah, yeah," tumatangong sabi ni Tig-as.

"I-reserve na lang natin ang energy para sa final task ng Engkanto. Ang sabi ni Tata Lisod, pahirap daw nang pahirap ang kakaharapin nating pagsubok," ayon kay Lib-og.

"Weh, hindi nga?" pang-iinis naman ni Kapitan Tutan. 

"That's true, Kapitan Tutan. Minsan daw Master Engkanto put some tricks sa mga ibinibigay niyang task. Kaya dapat daw maging matalino tayo sa lahat ng oras," ayon naman kay Sup-ot.

"Ows, really? Daming alam, ha?"

Nagkatinginan ang apat sa matabang na pakikitungo sa kanila ng magiting na kapitan.

"Galit ka ba sa amin, Kap? Para kasing... bitter ka," tanong ni Dak-o.

"Na-noticed ko rin," segunda ni Tig-as.

Hindi naman kumikibo sina Lib-og at Sup-ot. Palinga-linga ang mga ito at naghahanap ng batong madadala sa tuktok ng bundok.

"Ako, galit? Over 'yon, ha. Bakit naman ako magagalit? Para hindi niyo lang naman shineran ng pitsa pie kahit duling na ko sa gutom, na hindi niyo ko pinalagok kahit katiting sa jumbo size ninyong Gate ni Rade? Tuwang-tuwa nga ako kasi kayo busog na busog kayo habang ako hanggang leeg lang ang nakain at hindi umabot sa tiyan. Wala sa akin 'yon. Ang mahalaga lang naman kayo, 'di ba? 'Yung ayos kayo while me, suffering from hunger and pain," panunumbat ni Kapitan Tutan.

"Aaaaaah. You're so understanding talaga, Kapitan. Group hug!" sabay-sabay na sabi ng apat. Puppy eyes pa.

"Mga manhid! Pero sige, so-showbisin ko kayo para hindi naman ako lumabas na kontrabida sa kwentong ito. Mahirap mawalan ng exposure. Pangarap ko pa namang sumikat. Pinagtiyagaan ko na nga lang ang writer nito kahit TY, matatanggal pa. Kung bakit naman kasi hindi ko pa tinangap ang role na binibigay sa akin ni Ms. J Puma, at ni Ms. Serialwinner? Kaines!"

(GANO'N? BASTUSAN? IPALUNOK KO KAYA SA'YO ITONG SURPLUS KONG LAPTOP, KERI MO?!_

"Joke lang. Stress free zone. hehe."

(NA-MO!)

"Sige na, ituloy mo na ang kwento. Nabubuset na ang reader o. Ang haba na ng patalastas. Sige ka, baka matulog na lang 'yan. Lab u!"

Stress Free ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon