Akala ko ang buhay ay puno ng saya at tawanan. Puno ng mga pangarap na kung magsusumikap ka lang matutupad. Akala ko habang buhay ng masaya ang buhay ko. Akala ko walang aalis at walang masasaktan. Ngunit sa huli puro na lamang ito akala.
Akala
Akala
Akala
Hanggang akala nalang pala ako. Aasa nalang ako sa ilusyon na sasaya pa ako. Na magiging ok na ang lahat. Na maaring bukas o makalawa makakatakas na ako sa impyernong ginagalawan ko.
Gusto kong tumakas ngunit ako ay nakagapos. Nakagapos sa realidad na hindi na ako makakawala. Makakawala sa mga kamay ng pagdurusa. Alam ko marami sa mga nagbabasa nito nalilito't naguguluhan. Sino ba ang taong itong nagsabing ipapakita ang realidad ng buhay?
Maski ako hindi ko na kilala kung sino ako
Sino nga ba ako?
BINABASA MO ANG
Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)
Non-FictionBakit pa ako binuhay kung pinapatay naman ako araw araw? Why am I always suffering? Why do they always make my life a living hell? This questions can open your mind and eyes about the reality of this life. This is a story about two persons strugglin...