Rinig na rinig sa bahay namin ang pagkalam ng sikmura ng aming tiyan ng aking ina. Tanging ang ulam lang kahapon ang kakapitan namin upang makaraos sa sigaw ng aming mga tiyan.
Ilang buwan na ang lumipas ng nilisan ng aming ama ang aming tahanan. Simula noon nilalabanan na namin ang mga pangangailangan na unti-unting nagkukulang sa amin. Pagkain. Kuryente. Tubig. Mga bagay na kakailanganin namin upang tumagal sa maalipustang lipunang ito. Nangungutang kami sa mga kakilala namin ngunit walang handang tumulong. Ang lahat ay nagbubulagbulagan sa kanilang nakikita. Tinatanggap lamang nila ang gusto nilang makita at tinatapon ang hindi kanais-nais sa kanilang paningin at pandinig.
Hindi mo kami masisisi.
Hindi namin ginusto ito.
Hindi namin ninais mawalan kami ng ama.
Wala kaming hanapbuhay na pwedeng kapitan tanging ang padala lang ng aking lola ang aming inaasahan ngunit parang nangaasar yata ang tadhana ay maski piso wala kaming natatanggap.
Tuwing gabi ay naririnig ko ang aking inang umiiyak. Nagmamakaawa sa itaas na kahit konti ay may matanggap kami. Habang naririnig ko ang aking inang umiiyak ay napapaisip ako. Bakit sa amin pa nangyayari ito? Hindi namin ginusto ito. Ayokong mamalimos ng awa sa tadhana na siya mismong nagoorkestra ng lahat ng ito.
Kung totoo ang kasabihang "Nasa una ang pait nasa dulo ang tamis." Bakit ganoon? Bakit puro pait ang aming natatamasa sawang-sawa na kami. Kailan ba namin mararanasan ang sinasabi mong tamis. Kapag pantay na ang mga paa namin at nakakulong sa higaang apat ang sulok?
Hanggang kailan ba kami sisipa at sisigaw sa laban na sa huli ay walang patutunguhan?
BINABASA MO ANG
Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)
Non-FictionBakit pa ako binuhay kung pinapatay naman ako araw araw? Why am I always suffering? Why do they always make my life a living hell? This questions can open your mind and eyes about the reality of this life. This is a story about two persons strugglin...