FAMILY (HIS POV)

50 3 20
                                    

Ang chapter na ito ay magfofocus lang sa family life ng main character haha yun lang hahaha may paganito ganito pa yun lang pala sasabihin.
-------------------------

Akala ko ayos na ang lahat na sa wakas nakatakas narin ako sa paghihirap ngunit akala ko lang pala.

Isang araw ay nagulat na lamang akong hindi pumasok si nanay sa trabaho. Nasa kama lang siya at tulog. Papasok na sana ako noon ngunit naisipan ko munang gisingin si nanay dahil baka malate siya sa trabaho, mahirap na.

Ngunit nung gigisingin ko na si ina ay may isang boses ang pumigil sa akin, si Tito Rob.

"Anong ginagawa mo?"

"Gigisingin ko lang si mama baka malate na naman siya sa trabaho." ang sagot ko.

"Iyang nanay mo nag-resign sa trabaho kaya kahit gisingin mo pa iyan wala na iyang trabahong papasukan." ang nakangisi niyang sabi.

"Po? May problema ba si nanay?" ang tanong ko habang nakakunot ang aking noo.

"Wag ka na ngang maraming tanong. Babanatan kita."

Agad naman akong sumunod at dali-daling lumabas ng bahay. Napapansin ko na kadalasan ay laging galit si Tito Rob sa akin kahit wala naman akong ginawang masama. May mga araw pa nga na bigla na lamang niya akong sisigawan kahit nanahimik lang ako. Inisip ko nalang na siguro nagkakataon lang na mainit ulo niya ngunit hindi naman sa akin.

Isa rin sa pinagtataka ko kung bakit nagresign si nanay sa trabaho. Tangi ang sahod niya at padala lang ni lola ang aming inaasahan para sa pangaraw-araw na gastusin. Kaya malaking palaisipan parin kung bakit siya gagawa ng bagay na alam naman naming hindi makakatulong sa amin.

Ngunit ang araw palang iyon ay ang magiging hudyat upang ang akala kong normal na buhay ay biglang babaliktad.

Isang araw ay habang pauwi galing sa paaralan ay nakita ko na lamang si nanay na nagsusugal sa sugalan sa subdivision namin. Agad ko siyang pinuntahan.

"Ma."

"Doon ka muna sa atin may ginagawa pa ako dito." habang sinasabi niya iyon ay hindi siya lumilingon man lang sa akin.

Umalis naman ako kaagad at nagtungo sa bahay.

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si Tito Rob na nakatingin sa akin. Bigla akong kinilabutan kaya dali-dali akong pumuntang kwarto at nagbihis. Pagkalabas ko ay nakita ko si Tito Rob na nakatayo na at parang inaabangan akong lumabas ng kwarto.

"Tito Rob anong meron?" ang sabi ko.

"Ikaw bata ka bakit ba ang kulit-kulit mo!" nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya ako pagtaasan ng boses kahit sabihin nating babae siya ay buo ang boses niya na animo'y isang lalake.

Agad niya akong hinatak ng sobrang higpit at hinampas gamit ng kanyang mga palad. Napangiwi ako sa naramdaman kong sakit. Hindi pa siya nakuntento at sinapak ako sa balikat na naging dahilan upang mamuo ang aking luha sa gilid ng aking mga mata.

"Tama na Tito Rob please." ang pagmamakaawa ko.

"Isa pang pagiging pasaway mo at malilintikan ka sa akin." ang seryoso niyang sabi sabay ng pagbitaw niya sa balikat ko. Matulis ang kanyang nga kuko kaya nagsugat ang aking mga braso. Napakahapdi. Kitang kita mo ang namuong dugo sa sugat.

Hindi naman ako pasaway kaya malaking palaisipan parin kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin. Pinalampas ko na lamang iyon. Ngunit hindi lang pala isang beses mangyayari iyon kundi araw-araw.

Pagka umuuwi ako ay kinakabahan na ako kapag nakikita ko siya. Ang mga mata niyang nanlilisik. Habang sinasara niya ang pintuan ng bahay ay hudyat na iyon ng paghihirap at sakit na dadanasin ko. Sisikmuraan, sasapakin, tatadyakan, sasabunutan, papasuin at hahampasin ng kung ano-anong bagay na may kasama pang mga mura habang ako ay nakayuko at nakaharang ang aking mga kamay bilang panangalag. Nagmamakaawa ako sa kanya ngunit hindi siya nakikinig para akong hayop na pinaparusahan. Pagkatapos ng kanyang pananakit ay agad naman siyang aalis na para bang walang nangyari at iiwanan ako sa isang sulok na umiiyak at tinititigan ang mga sugat at dugong namuo at tumutulo sa aking katawan.

Laging wala si ina sa bahay at nasa sugalan kaya naman ay hindi niya makita ang ginagawa sa akin ng hayop na iyon. Kapag nasa bahay naman si ina ay parang mabaitna tupa si Tito Rob kaya kapag nagsusumbong ako kay nanay ay hindi niya ako pinaniniwalaan.

"Ma, tignan niyo yung mga sugat ko hindi pa ba sapat na ebidensya ito na sinasaktan talaga ako ni Tito Rob." ang pagmamakaawa ko kay nanay.

"Ano ba! Kailan mo ba titigilan ang Tito Rob mo? Ang bait-bait ng tao sinisiraan mo!" ang pasigaw niyang sabi sa akin.

"Pero Ma nagsasabi ako ng totoo!" medyo tumaas na boses ko.

"Pumasok ka ng kwarto at baka hindi kita matansya." ang sabi sa akin ni ina.

Laging ganoon ang nakukuha ko sa kanyang sagot. Wala ba talaga siyang pake sa akin? Mas uunahin ba niya ang demonyo na iyon kaysa sa akin.

Minsan naman ay naisipan kong sumama kay Mama sa sugalan upang makatakas sa bahay. Siguro kapag wala ako sa bahay ay hindi rin ako masasaktan ni Tito.

Ngunit akala ko lang pala iyon.

Isang araw ay habang nakaupo sa bahay na pinagsusugalan ni nanay at naglalaro ako ng cellphone ay bigla na lamang pumasok si Tito Rob at hinatak ako. Nanlilisik ang mga mata niya at hinatak niya ako palabas ng bahay. Pilit akong kumapit sa gate para hindi niya ako mailabas ngunit nadaig parin niya ako ng kanyang lakas. Ng akmang sisigaw na ako ay sinikmuraan niya ako at sinapak sa mukha dahilan para mahirapan ako huminga at manghina ngunit parang lantang gulay na ako ay kinaladkad parin niya ako ng dalawang kanto habang sinisigawan ako na "Hindi pa ba sapat ang binibigay ko!" "Bakit kausap mo parin iyang tatay mo ah!" "Dapat sayo tumino kasi suwail ka!"

Naging dahilan iyon upang mabulabog ang mga kapitbahay at pagtinginan kami. Ngunit walang gustong umawat. Para bang nanonood lamang sila ng palabas. Hiyang hiya ako noon. Para bang ayoko ng lumaban pa dahil wala namang magagawa iyon eh. Mas lalo lang akong mahihirapan. Kaya habang sinasaktan niya ako ay nakatingin na lamang ako sa malayo na umaasang mamatay na sana ako habang tumutulo ang aking mga luha.

Pagkatapos noon ay iniwanan niya akong puno ng pasa dahil sa suntok na tinanggap ko galing sa kanya. Dali-dali naman akong tumakbo papunta kay nanay. Siguro maniniwala na siya dahil kitang-kita naman niya ang ginawa sa akin.

"Mama! Kita niyo naman ang ginawa sa akin. Sapat na ba na ebidensya ito?" sabay pakita ko sa mga pasa ko sa balikat, braso, hita, katawan at maski sa mukha. Ngunit nagulat na lamang ako sa nakuha kong sagot sa kanya.

"Ikaw kasi ang kulit-kulit mo kasi! Kaya ganyan nararanasan mo!" ang pasigaw niyang sabi habang nakatitig parin sa hawak niyang baraha.

Napayuko na lamang ako at tumulo ulit ang luha ko. Bakit ganito ang nararanasan ko. Basura nalang ba ako sa kanila. Ayoko na.

Ngunit kung akala ninyo hanggang diyan nalang ay nagkakamali kayo.

Dahil may mga araw na hindi lang si Tito Rob ng nanakit sa akin maski ang sarili kong ina. Pinagpapalo ako ng aking ina ng hanger hanggang maputol. Kitang kita mo ang mga latay at sugat na namumuo sa likod at kamay ko. Amoy na amoy mo ang malakalawang amoy ng dugong tumutulo sa akin. Pinapalo rin ako ng sandok na nagbigay ng malalim na sugat sa aking braso at kitang-kita mo ang dugong umaagos. Sinturon yung mismong bakal hindi rin nila pinalagpas. Walis tambo, lahat ng pwedeng ihampas ay ihahampas sa akin. Puno ng latay ang likod ko at braso buti na lamang wala sa mukha dahil pinanghaharang ko ang kamay ko para hindi matamaan. Ramdam mo ang hapdi ang sakit. Ngunit ang mas masakit ay para bang wala ka ng makapitan. Maski sarili mong magulang sinasaktan ka. Minsan nga kinukulong nila ako sa bahay na walang pagkain. Para akong asong kinukulong sa hawla at wala akong magawa kahit sumigaw ako ng tulong walang mangyayari dahil maski ang mga taong nakapalibot sa akin ay nagbubulag bulagan sa kanilang nakikita.

Ngunit akala niyo sandali ko lang naranasan ang mga ito nagkakamali kayo.

Dahil apat na taon kong iniinda ang ganoong paghihirap.

Araw-araw.

Oras-oras.

Kaya hindi niyo ako masisi kung bakit tuwing sinasaktan ako ngayon ay wala akong nararamdamang sakit dahil sanay na ako, manhid na ako. Walang emosyon. Nakasanayan na ang hapdi at sakit ng mga sugat na galing sa kamay at mga matatalim na salita na sumusugat sa aking nararamdaman. Kaya sanay na ako sanay na sanay na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon