UNFAIR STATUS (HIS POV)

40 6 2
                                    

Nasa hapag kainan kami ni nanay nung mga oras na iyon ngunit walang nagsasalita. Maski ako hindi makapagsalita kahit gusto ko ng basagin ang nababalot na katahimikan sa paligid.

Ilang araw na ang nakalipas ng nilisan na naman ng isang ama ang aming bahay. Ngunit hindi katulad ng dati ay hindi ko nakitang umiyak si nanay ngunit hindi ko rin siya nakitang ngumiti simula ng mangyari ang hiwalayan nila ni Harris.

Tahimik ko lang tinatapos ang aking kinakain. Hindi ko na gustong magsalita. Nabasag na lamang ang katahimikan ng biglang magsalita si nanay.

"Anak?"

"Bakit mama?"

"May nakuhang trabaho si mama malapit sa bayan, saleslady." ang sabi ni nanay

Hindi ako sumagot.

"Umaga wala ako dito sa bahay mga 11 ng gabi na ako makakauwi kaya doon ka muna mag stay sa bahay nila Tita Samantha mo tutal kaclose mo naman mga anak niya. Nagsabi na ako sa tita mo at ok naman daw sa kanya." ang mahabang paliwanag ni nanay sa akin.

Hindi parin ako nagsasalita.

Simula ng mawalan ako ulit ng ama ay nahihirapan na akong ipakita ang gusto kong sabihin kung bakit ay hindi ko alam basta nahihirapan lang talaga ako.

Niyakap ako ni mama at binulong "Pasensya na anak ah tatanga kasi mama eh. Hayaan mo hindi na iiyak si mama at hindi na tayo malulungkot." pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang iyon ay ang pagbagsak ng mga luha niya patungo sa musmos kong balat.

Kinabukasan

Maaga akong ginising ni nanay dahil papasok na siya sa trabaho at kailangan niya akong ihatid sa bahay nila Tita Samantha. Kapansin-pansin ang superyor na awra ni nanay siguro nga ay mas matibay na si nanay hindi tulad dati na halata mo na lagi siyang umiiyak at malungkot.

Malapit lang ang bahay nila Tita Samantha sa bahay namin ngunit nag-aalala si nanay na baka maligaw ako lalo na at mahina ako sa mga direksyon. Maski sa paaralan hatid sundo ako ni nanay.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa bahay nila Tita. Malaki ito kumpara sa bahay sa namin. May dalawang palapag at meron din silang kotse. Namangha ako sa aking nakikita. Naisip ko paano kaya kapag ganito ang bahay namin hindi kaya kami iiwan ng mga taong mahal namin?

Habang nag uusap sina nanay at tita ay nilapitan ako ng dalawang anak ni tita na lalake at kasing edad ko rin na sina Charles at Abraham. Hindi ko masyadong close sina Charles at Abraham dahil hindi naman kami madalas magkita ngunit hindi ko rin masasabing hindi ko sila talaga kasundo kasi mababait naman sila.

Ng matapos ng makipag usap si nanay kay tita ay kinausap ako ni nanay.

"Wag mong bigyan ng sakit ng ulo iyang tita mo. Susunduin nalang kita mamaya. Mahal na mahal kita." sabay yakap sa akin ni nanay.

Pagkatapos lumisan ni nanay ay tinawag ako ni Tita papasok sa bahay. Namangha naman ako sa aking nakita kung anong iginanda ng labas ay mas maganda pa pala ang loob nito. Naisip ko tuloy kung bagay ba ang dukha kong pagkatao sa lugar na ito.

Nakatayo lamang ako sa pintuan dahil hindi ko alam kung nababagay ba ako doon. Ngunit isang ngiti ang nagpapasok sa akin at iyon ay si Tito Louie, asawa ni Tita Samantha.

"Pumasok ka na at nakahanda na ang almusal sa hapag-kainan" ang sabi ni Tito.

Agad-agad naman akong pumasok at sinundan si tito papunta sa lamesa. Namangha na naman ako dahil kung ikukumpara sa lamesa naming isang tuyo lang ang nakalagay ay walang wala sa mga umaapaw ba ulam na nakalagay sa kanilang lamesa. Rinig na rinig ko ang pagbunyi ng aking tiyan sa kaniyang nakikita kaya dali dali akong umupo at kumain.

Habang kumakain ako ay kitang kita ko kung gaano kaperpekto ang kanilang pamilya. Nagtatawanan sila at halatang masaya. Mga tawanang nagbibigay sugat sa akin na para bang sinusugatan ako ng unti-unti sa bawat paghalakhak nila na puno ng pagmamahalan. Naisip ko kailan ko kaya mararanasan ito ang masayang pamilya.

Nangaasar talaga ang tadhanan at inilagay ako sa pamilyang kailanman ay hindi ko makukuha at mararanasan.

Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon