Noong ako ay bata pa madalas akong nasa labas. Typical na bata. Naglalaro. Walang pakielam kung ano bang itsura niya basta ang mahalaga ay masaya siya.
Ngunit ako ay isang batang maagang namulat sa katotohanan ng buhay. Araw-araw kong nakikita ang mga magulang kong nag aaway. Nagbabatuhan ng kung ano-ano. Lumilipad na plato, kutsara, electric fan lahat ng pwedeng ibato naiibato. Sigawan na walang humpay. Murahan na akala mo ay isang hayop lamang ang nag uusap.
Habang nangyayare ito nakatayo lamang ako sa isang sulok. Nakatitig sa relasyong unti-unting nawawasak. Ngunit hindi ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit. Siguro masyado akong inosente sa nangyayari o masyado lang akong manhid sa aking nakikita.
Ngunit sa totoo lang nasasaktan ako. Sino ba namang hindi? Ang pinakaiingatan mong pamilya unti-unting nawawarak. Ngunit alam mo kung ano ang mas masakit? Wala akong magawa. Nanonood ako sa palabas ng aking buhay ngunit hindi ako ang direktor kaya wala akong magawa. Taganood lamang na natatakot sa mga susunod na kabanata.
Nung sumapit na ako sa gulang na 6 na taon. Lumipat kami ng bahay. Naisip ko simula narin ito ng mas magandang kabanata. Bagong bahay Bagong buhay kumbaga. Na kasabay ng pag-alis namin ay kasabay rin nito ang pag-iwan namin sa nakaraang puno ng galit at kalungkutan. Ngunit talagang malupit ang direktor ng aking buhay. Dahil ang tingin kong bahay na magsisimulang bubong para sa ikasasaya ng aming pamilya ay siya palang magiging testigo sa simula ng impyerno ng aking istorya.
Lumipas ang ilang araw pagkatapos naming lumipat naghiwalay ang aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)
Non-FictionBakit pa ako binuhay kung pinapatay naman ako araw araw? Why am I always suffering? Why do they always make my life a living hell? This questions can open your mind and eyes about the reality of this life. This is a story about two persons strugglin...