A FAMILY WITHIN DREAMS (HIS POV)

29 5 5
                                    

Isang taon na ang lumipas ng magsimulang magtrabaho si nanay bilang saleslady malapit sa bayan ay lagi na akong na kayna Tita Samantha pagkatapos ng aming klase sa paaralan. Mabait ang pamilya nila sa akin sila yung tipong pamilyang perpekto sa labas at sa loob. Wala silang pinoproblema lalo na sa financial dahil paano ba naman si Tito Louie ay manager ng isang sikat na kumpanya samantalang si Tita Samantha ay Marketing Manager ng isa ring kilalang kumpanya. Kaya naman kahit anong hinggin nila Charles at Abraham ay nabibigay ng mga magulang nila.

Ngunit ang pamilya nila ay hindi tulad ng tingin ng iba na napapanood nila sa mga telebisyon na matapobre at kinain na ng sistema ng kayamanan at kapangyarihan. Napakabait nila parang tinuring na nila akong sarili nilang anak. Grade 6 na ako noon at halos isang taon naring ganoon ang scenario ng buhay ko. Papasok sa paaralan, pupunta sa bahay nila Tita Samantha at pagsapit ng hating gabi ay susunduin na ako ng aking nanay.

Isang araw ay nagulat na lamang ako ng sinundo ako ni Tita Samantha sa eskuwelahan.

"Tita Samantha anong ginagawa niyo po dito?" ang tanong ko.

"Pupunta tayong mall kasi gusto maghanda ni Tito Louie mo kasi nakakuha ng honor sina Charles at Abraham." ang paliwanag niya.

"Talaga po? Sige po sasama po ako." ang nakangiti kong sabi.

Sa totoo lang ay ilang beses pa lang akong nakakapunta sa mga mall dahil sa wala kaming perang panggastos ni nanay. Kaya ganoon nalang ang tuwa ko ng sinabi ni Tita Samantha na pupunta kaming mall.

Bumiyahe kami sa papuntang mall gamit ang kotse ni Tita Samantha. Pagpasok ko sa mall ay nanibago ako sa makabagong mundong nakikita ng aking mga mata. Ang daming taong papasok dito labas dito. Mga pamilyang halatang nagkakasiyahan. Kitang kita mo ang modernisasyon ng ating lipunan.

Nagsimula ng maglakad si Tita Samantha kaya sinundan ko na lamang siya. Pumasok kami ni Tita Samantha sa Jollibee na nagbigay sa akin kakaibang saya dahil simula bata pa lamang ako ay doon ko na gusto laging kumain. Nakita ko sina Tito Louie, Charles, at Abraham na nakaupo at nakangiting pagsalubong sa amin.

"Tagal niyo rinig na rinig ko na yung tiyan nung dalawang ito oh hahahaha." Ang pabirong sabi ni Tito Louie habang nakaturo sa dalawang batang busy sa paglalaro ng kanilang mga gadgets.

"Oh sige na oorder na ako ng kakainin natin. Marcus umupo ka na diyan samahan mo sila bibili lang ako ng makakain natin." ang paanyaya sa akin ni Tita Samantha.

Dali-dali naman akong umupo sa tabi ng dalawang bata ngunit hindi ako pinansin nila Charles at Abraham siguro ay ganoon na lamang sila kafocus sa kanilang nilalaro.

Pagkaupo ko ay kinausap naman ako ni Tito Louie.

"Oh Marcus, Anong nakuha mong award ngayon? Imposibleng wala iyan tali-talino mo tapos ni isang taon lagi kang may nakukuhang medalya." ang sabi ni Tito Louie.

"Salutatorian po Tito." ang sagot ko.

"Wow! Ang talino mo talaga panigurado matutuwa mama mo sayo." ang nakangiting sabi ni tito sabay himas sa ulo ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kakaibang gumapang sa aking balat at nagpadala ito ng hindi mapaliwanag na saya sa aking puso. Ganoon na lamang ba ako kasabik sa isang ama?

Makalipas ng ilang sandali ay dumating na si Tita Samantha at dala dala ang isang bucket ng chicken na aming pagsasaluhan. Dali-dali kaming kumain habang nagkwekwentuhan sila.

"Charles at Abraham" ang tawag ni Tito Louie sa kanila.

"Yes dad?" ang sagot ng dalawa.

"Anong gusto niyong regalo bibili tayo ngayon?" ang nakangiting sabi ni tito.

Nagtinginan ang dalawa na animo'y naguusap gamit ang kanilang mga utak. Makalipas ng ilang segundo ay sumagot na ang dalawa.

"Gusto po namin yung bagong console ngayon na Xbox. Daddy iyon nalang gusto namin please daddy." ang request ng dalawa.

"Ok sige bibili tayo basta bilisan niyo ang pagkain niyo at baka magbago pa isip ko." ang sabi ni tito sa kanila.

Halata sa dalawa ang kanilang kasiyahan dahil sa kanilang mga ngiti. Habang nakikita ko na ganoon sila ay hindi ko maiwasang maiinggit. Ang swerte nila dahil lahat ay nasa kanila na. Nabibili nila lahat ng gusto nila at higit sa lahat may ama sila. Para lang akong saling pusa dito sa pamilya nila. Isang pusang pinagpipilitan ang kanyang sarili para kahit paano ay masama ako sa pamilyang kumpleto at masaya. Pamilyang sa panaginip ko lang nakakasama.

Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon