Lumipas ang mga araw at ang dating bahay namin na walang saya at puno ng kalungkutan ay napuno na ng ngiti at kasiyahan. Isang taon narin ang nakalipas pagkatapos pumasok sa buhay ang lalakeng magbabalik ng nawala at nasira naming pag-asa. Ang lalakeng nagpakilala bilang bago kong ama. Si Harris. Simula ng araw na iyon ay tuwing gabi nasa bahay namin siya at doon natutulog at kumakain.
May trabaho naman si Harris at ang trabaho niya ay may malaking sahod kaya lagi siyang nakakapagbigay kay nanay ng panggastos namin. Isang engineer si Harris at kadalasan lagi siyang wala sa bahay kung nandoon naman siya ay mga gabi na siya darating kaya konting oras lang kami nagsasama.
Si Harris ang tipong amang na hindi mahilig ipakita kung mahal niya ba ang isang tao. Tanda ko pa tuwing gabi kapag dumadating siya sa bahay ay nilalapitan ko siya at sinasabing
"Papa, i love you"
Ngunit tanging natatanggap ko lang ay isang tangong hindi ko mawari kung pagsangayon ba o talagang wala siyang pake sa akin. Tinuturing ko siyang ama ngunit tinuturing ba niya akong anak? Hindi ko alam basta ang importante ay masaya si nanay sa kanya hindi siya sinasaktan. Kahit sa murang isip ko palang na 8 years old ay ang inuuna ko sa lahat ay ang kasisiya ng aking nanay. Wala na akong pake kung may nararamdaman ba akong ama basta ang importante nakangiti si nanay.
Ngunit....
Ang lahat ng saya may katapusan.
Ang ngiting akala kong permanente ay mawawala.
Ang nagbigay liwanag sa bahay namin ay siya parang magpapadilim ulit dito.
Ang tahanan ay magiging bahay na naman.
Isang gabi habang natutulog ako ay nagising ako sa lakas ng sigawan ng mga taong nagmumula sa kwarto ng aking kinikilalang ama at ina. Nakinig ako sa sinasabi nila.
"Kagaya ka rin pala niya!" sigaw ng aking nanay
"Kaibigan ko lang iyon. Mali ka ng pagkakaintindi." ang paliwanag ni Harris
"Kaibigan? Kaibigan! May kaibigan bang nakikipaghalikan sa kapwa kaibigan! Pinuntahan kita sa office niyo kasi hindi ka pa umuuwi tapos ang makikita ko ganoon! Hayop ka!" ang pabulyaw na sigaw ni inay.
Napuno ng katahimikan ang paligid. Katahimikang nakakabingi. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod at ang pagbadyang pagbagsak ng aking mga luha.
Ito na naman ba? Mawawalan na naman ba ako ng ama? Makikita ko na naman bang iiyak ang aking ina? Masisira na naman ba ang pamilyang pinakaiingatan ko ULIT? Ngunit waka akong magawa. Gusto ko tumayo, tumakbo papunta sa kanila at awatin sila ngunit hindi sumasangayon ang mga tuhod kong kanina pa nanghihina. Wala na naman akong magawa.
Ilang segundo ang lumipas ay may salitang bumasag sa katahimikan at ang mga salitang ito ay nakapagbigay sa akin ng kaba at takot. Ito rin ang mga salitang sumira sa una kong pamilya. Salitang naging hudyat upang umiyak ako ng umiyak na para bang iniwan na ng pag-asa
"Lumayas ka na." ang sabi ng aking nanay.
BINABASA MO ANG
Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)
Non-FictionBakit pa ako binuhay kung pinapatay naman ako araw araw? Why am I always suffering? Why do they always make my life a living hell? This questions can open your mind and eyes about the reality of this life. This is a story about two persons strugglin...