A NEW FOUNDATION? (HIS POV)

42 7 3
                                    

May kumatok.

May pumasok.

Isang lalake.

Nagpakilalang bagong tatay ko.

Madalas kong napapansin na tuwing gabi ay nawawala si inay sa bahay. Akala niya siguro tulog na ako kapag umaalis siya ngunit ang totoo ay binabantayan ko siya. Kaya hindi lingid sa aking kaalaman ang ginagawa niyang pag-alis. Kung saan at bakit siya umaalis ay wala akong ideya. Nakakatulog na lamang ako kakahintay sa kanya at sa ikaumagahan ay gigisingin na lamang niya ako para pumasok sa paaralan. Bata pa ako noon kaya hindi ko na lamang ito binigyang pansin o naisipang magtanong lamang.

Nung mga oras na iyon ay kapansin-pansin na ang dating sampung piso kong baon ay naging bente na at tatlong beses na kaming kumakain sa isang araw. Kapansin-pansin narin ang mga ngiti ni nanay na nagbibigay liliwanag sa umaga. Ngayon ko lang nakita si nanay na ngumiti ng ganoon simula ng nawala si tatay. Kaya masaya rin ako. Nakaalis na kami sa pagsubok na inihanda ng tadhana.

Ngunit may sopresa pa palang inihanda si tandaha para sa akin. Isang gabi habang nakaupo ako sa sala kasalukuyang nanonood ng telebisyon ng biglang may kumatok. Dali-daling binuksan ni ina ang pintuan na animo'y aalis bigla ang kumakatok. Pumasok ang kumakatok. Isang lalake. Matangakad. May kaitiman. Agad akong tinawag ni inay upang magpakilala sa estrangherong nakatayo sa aking harapan.

"Anak, ito nga pala si Harris. Bagong tatay mo." ang nakangiting sabi ni mama sa akin.

Nilapitan ako ni Harris at yumuko sa aking harapan upang tignan ako at sinabing "Ako nga pala ang bago mong papa." nakangiti niyang sabi sa akin.

Gumanti rin naman ako ng ngiti.

Hindi ko alam ang aking gagawin. Sabik na sabik akong magkaroon ng amang tutulong sa amin at bibigyan kami ng pagmamahal na hindi naibigay ng nakaraan.

Habang nakikita ko ang nakangiting mukha ni inay ay naging malinaw ang lahat kung bakit siya umaalis at saan siya pumupunta. At kung saan kami nakakakuha ng panggastos sa pangaraw-araw. Dahil iyon sa lalakeng nagpakilalang aking bagong ama.

Totoo na ba ito o hindi lamang ilusyon na sa huli mawawala sa kawalan?

Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon