Makalipas ang ilang araw ng paglisan ng aking ama ay dala-dala niya rin ang pag-asang magiging masaya pa ang aking pamilya. Kasabay ng paghakbang niya palayo ay paglayo rin ang pagmamahal sa aming tahanan. Naalala ko pa ang mismong araw na umalis si tatay.
"Lumayas ka! Manloloko ka!" kasabay nito ang paglipad ng mga damit palabas ng bahay.
Kitang-kita ko sa aking mga mata ang pagluha ng aking ina kasabay ng pagpulot ni itay sa mga damit niyang nagkalat sa labas. Nung mga oras na iyon ay bigla akong napaluha. Humagulgol na ubod ng lakas. Hindi ko alam kung bakit dahil masyado pa akong bata noon upang maproseso lahat ng aking nakikita. Hindi masikmura ng aking pagkatao ang nagbabadyang delubyo. Ngunit isa lang ang malinaw sa lahat.
Nasira na ang aking pamilya.
"Lumayas ka at wag ka ng babalik!" umalingawngaw sa paligid ang mga katagang iyon katagang nakapagpabago ng lahat. Mga salitang sumira sa aking pangarap. Pangungusap na kahit kailan ay hindi na maibabalik pa.
Habang nakikita ko ang paglisan ng aking ama at ramdam ko sa aking balat ang mga luha ng aking ina habang ako ay mahigpit na yakap yakap ay napapaisip ako totoo bang nangyayari ito?
Ngunit sinampal ako ng katotohanan ng marinig ko ang bulong sa akin ng aking ina na
"Iniwan na tayo ng tatay mo."
Ngunit hindi ko inaasahan na hinahanda lamang pala ako ng tadhana sa mga susunod niyang mga laro na kung saan ay lagi akong talo. Na ang bahay na aming nilipatan ay hindi na matatawag na tahanan dahil wala na itong bubong at pagmamahal. Isa na lamang itong mga batong ginawang silong ngunit hindi ako ligtas sa ulan ng pagdurusa.
Kailan ko kaya mararanasan ang isang bahay na tahanan?
BINABASA MO ANG
Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)
Документальная прозаBakit pa ako binuhay kung pinapatay naman ako araw araw? Why am I always suffering? Why do they always make my life a living hell? This questions can open your mind and eyes about the reality of this life. This is a story about two persons strugglin...