Nakauwi na kami nila Tita Samantha galing sa mall. Habang nakaupo ako sa sofa nila ay hindi parin maalis sa isipan ko ang mga ngiti nila Charles at Abraham habang iniispoiled sila ng kanilang tatay. Habang pinapanood ko sila na masayang nagtatawanan habang ako nakikitawa naman pero sa loob ko para na akong pinapatay. Gusto kong magkaroon ng tatay na iispoiled din ako. Ngunit alam ko hindi na mangyayari iyon.
Nagulat na lamang ako ng tinawag ako ng isang pamilya na boses galing sa pintuan.
"Marcus." ang tawag sa akin inay.
"Mama, ang aga niyo po yata ngayon"
"May papakilala ako sayo anak." ang nakangiti niyang sabi sa akin
"Sino na naman iyan mama?" medyong alangan kong sabi. Simula ng ilang beses ng masaktan si nanay ay takot narin akong magkaroon ng bagong tatay kahit ang totoo sabik na sabik akong magkaroon ng isang ama ngunit ayoko ring makitang iiyak ulit si nanay dahil sa mga lalakeng pinapakilala niya sa akin.
"Basta Marcus, magpaalam ka na sa tito't tita mo at uuwi na tayo." ang paliwanag ni nanay.
Pagkatapos kong magpaalam kayna tita ay dali-dali na kaming umuwi ni nanay.
Habang naglalakad ay nagdadalawang isip ako kung paano ko ba haharapin ang ipapakilala ni nanay sa akin; tatanggapin ko ba siya o ipagtatabuyan ko. Maski ako hindi ko alam.
Makalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa bahay. Pagpasok namin ay nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil maski ako ay hindi ko inaasahan na ang ipapakilala ni ina sa aking magiging ama ko ay isang babae.
Oo, tama kayo ng pagkakarinig isang babae ang pinakilala sa akin ng aking ina bilang magiging panibago kong ama. Hindi ako nakasalita kaagad o nakakilos lamang. Bakit ganito na lamang ang nararamdaman kong pagkagulat at takot na hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"Marcus tama ba?" ang sabi ng tomboy sa akin. Medyo may katabaan siya at sa unang tingin pa lamang ay mahahalata mo ng tomboy siya.
Tumango na lamang ako bilang pagsangayon sa kanya.
"Ako nga pala si Rob pero pwede mo akong tawaging Tito Rob." ang nakangiti niyang sabi sa akin.
"Tito Rob?" ang hirap banggitin ng mga salitang iyon. Tito ang itatawag mo sa isang babae sobrang nakakailang talaga.
"Anak matagal na kami ng Tito Rob mo pero ngayon ko lang naisipang ipakilala siya sayo dahil dito narin siya titira." ang nakangiting sabi sa akin ni nanay.
"Po?"
"Anak, dahil dito na titira ang Tito Rob mo gusto ko dito ka narin didiretso pauwi wag na kayna Tita Samantha mo para naman maging close kayo ni Rob tsaka hindi mo ba alam next month aalis na sina Tita Samantha mo lilipat na sila ng bahay." ang paliwanag ulit sa akin ni ina.
Oo, hindi lingid sa aking kaalaman na aalis na sina Tita Samantha at lilipat na sila ng bahay.
Tumango na lamang ako sa kanila bilang pagsangayon sa mga sinasabi nila.
"Punta ka na sa kwarto mo at maaga ka pa bukas." ang utos sa akin ni nanay.
Tumango ulit at pumuntang kwarto upang magbihis at matulog. Pagkapasok kong kwarto ay humiga kaagad ako. Paano ba napunta dito? Maski ako hindi ko alam. Lumipas ang ilang segundo nakatulog na lamang akong nag-iisip at nagtatanong ng mga tanong hindi ko alam ang mga kasagutan.
Nagulat na lamang ako ng may kumatok sa aking pintuan.
"Anong oras na Marcus? Malalate ka na." ang sabi ng boses na hindi ko gaanong matandaan kung sino.
Dali-dali naman akong tumayo at pumunta sa hapag-kainan habang pinupunasan ko ang mga mukha ko. May nakahanda ng pagkain sa lamesa at kakain na lamang ako. Habang kumakain ako ay umupo si Rob sa kabilang upuan at sinabing
"Marcus, alam kong hindi mo inaasahan ang lahat ng ito pero sana naman magtiwala ka sa akin hindi ko kayo sasaktan at iiwan pangako iyan." ang sabi niya sa akin.
Tinignan ko lamang siya ngunit hindi ko alam kapag tinititigan ko siya ay kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Ngunit sa mga susunod na mga araw ay malalaman ko kung bakit ako kinakabahan. Kung bakit kapag ngumingiti siya sa akin ay biglang naninindig ang aking mga balahibo. Dito na magsisimula ang lalong impiyerno ng aking buhay.
BINABASA MO ANG
Searching for a Eutopia (A short story) (#Wattys2017)
غير روائيBakit pa ako binuhay kung pinapatay naman ako araw araw? Why am I always suffering? Why do they always make my life a living hell? This questions can open your mind and eyes about the reality of this life. This is a story about two persons strugglin...