Violet/ Amethyst POV
Bwesit na bwesit na ako sa mga lalaking to ha. Ang kupad kumilos pati pag drive ang hina akala ko ba matapang tong mga to. Ang angas nilang tingnan tapos yun pala parang mga babaeng kumilos.
At ano pa bang hinintay ng mga to bahay nya to tapos dito lang kami sa labas? Akala ko ba may pag uusapan tayo pero bakit parang wala naman? Tanung ko sa kanila. Kaya ayun mukhang natauhan sila kaya pinapasok kami sa loob. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay, malaki naman siya malinis pero mas malaki ang sa amin.
Umupo naman si Crystal sa sofa, wow ha parang bahay lang niya nuh. Believe din ako ky Crystal eh, saan ba nilagay ang hiya ng babaeng to? Bigkang tanung ni red sa akin. Sa totoo lang Red di ko din alam eh, kung may hiya pa ba yan o wala na. Sagot ko naman sa kanya.
O, kumain muna kayo, biglang sulpot ni Min Sook, bwesit ha papakainin kami sa dala niya, seryoso ba siya? Curios ba kayo kung anung dala niya? Well gulay lang naman as in gulay na di man lang luto.
WTF, anung akala mo sa amin rabbit? Eh kung ikaw kaya ang kumain niyan , habang mag pakulo ako ng tubig dito tapos ilalagay kita , mas masarap siguro, ano sa palagay mo?
Hindi naman masama ang pagkain ng mga gulay ah lalo na sa mga katulad niyo. Hindi nyo ba alam na ang gulay nakakatulong din yun sa katawan, kutis at mukha? Naisipan ko lang kasi baka may pag asa pa kayung gumanda kahit kunti man lang.
Bakit gwapo ka na ba sa lagay mung yan? Kunti nalang gawin ko na siyang ulam mamaya.
Oo bakit hindi ba ako gwapo? Ang gwapo ko kaya. Itanung mo pa sa mga babae sa school natin.
Conceited, lakas mo ding gumawa ng kwento noh Mr.? Hindi porket sinabihan ka nalang gwapo ai gwapo ka na talaga. Alam mo bang salitang joke? Yun ang ginawa nila at ikaw naman si Mr. Oto-Oto , ayun naniwala. Sabi ko sa kanya ang sarap talaga niyang paputokan ng bomba promise.
Hindi na natuloy ang sagutan namin ng biglang sumigaw si White
The two of you, just shot the fucking mouth up will you? Sabi ni White sa amin. Pero White siya naman ang na.
Isang salita pa Amethyst Chua makakatikim kana sa akin.Sabi ko nga tatahimik na, katakot naman to si White eh. Kaya ayaw ko ng magsalita. Bwesit na unggoy na yun ng dahil sa kanya napapagalitan ako ni White.
KANG MIN SEOK POV
Ang sarap niyang inisin, nakakatuwa siya hahahaha. Pero natakot ako ni White kanina ha. Iba kasi ang aura niya eh para na siyang pumatay ng tao hindi ko nga alam na nakakatakot pala siya. Isa lang ang natutunan ko ngayun huwag galitin si White.
At si Amethyst ayun mukhang takot nga siya ky White actually hindi lang naman, siya pati ang mga kaibigan nila. In short silang lahat. Pero isang tanung lang ang nabubuo sa isip ko ngayun kung bakit takot silang lahat ky White? At hindi lang yun, parang sinusunod nila lahat ang boses ni White. Ano ba ang mayroon ky White at subra silang maka sunod hah.
Tiningnan ko sila isat-isa ayun si Amethyst nakatungo lang yung ulo. Tapos yung apat naman naka headset lang at nakapikit, tapos yung isa nagbabasa ng libro ang isa naman naglalaro sa phone niya ang isa naman, ewan anung ginawa niya basta type lang siya ng type sa cellphone niya tapos si White ayun parang inuobserbahan lang niya ang galaw namin.
Isang bagay lang ang nakikita ko sa kanila subrang seryoso nila sa mga bagay at hindi pa namin sila nakikitang ngumiti at kahit nga mag usap sila mata lang ang ginagamit nila palagi. Napaka mesteryoso nilang lahat. Naputol ang pag iisip ko ng biglang nagtanung si Yi.
Anung nangyari dito? Bat ang tahimik nila? Sabi niya sa akin.
Hindi ko rin alam, pagkatapos nung sigaw ni White kanina wala na isa sa kanilang umimik. Sagot ko sa kanya.
May napapansin kaba sa kanila? Tanung niya sa akin , kaya bigla akung napatingin sa kanya.
Napapansin? Bukod sa panget nilang mukha wala ng iba. Sabi ko sa kanya di pa pweding sabihin ko sa kanyang mayroon dahil hindi pa ako sigurado kung ano.
Ako kasi mayroon, ay ewan, sige dito ka muna tutulongan ko lang silang ihanda ang gamitin natin sa project.
So hindi lang pala ako ang nakapansin. Napaparanoid nako dito bat ko ba inisip ang mga panget na to?
BINABASA MO ANG
Fraternity and a Gangster
Teen FictionMga lalaking hilig sa away at mga babaing nag hahanap ng away... A love or a war? Karibal o kakampi?