Special Chapter ° Jaehyun & Vanessa

436 21 15
                                    

Special Chapter
Vanessa

"Bat hindi ka nalang mag-apply bilang yaya ni Aukie?" tanong ni Jaehyun sa akin habang karga ko si baby Aukie. Wala kasi ang mag-asawa dahil naggrocery sila at saktong bumisita kami ni Jaehyun kaya naisip naming kami nalang ang magbantay habang wala sila.


"Grabe ka talaga sakin! If I know baka iniimagine mo na diyan na asawa mo ko at karga ko ang anak natin!" Nagulat ako sa nasabi ko. Nakakahiya! >.<


"Hindi mo naman sinabi sakin na mind reader ka pala."


Ano daw?


Saglit akong natahimik sa sinabi niyang iyon.



"Oh bat natahimik ka?" Natatawa niyang tanong sa akin.


"E-eh a-a-ano ba naman k-kasi yang p-pinag-s-sa-s-sabi m-mo!" Aish bakit ako nauutal?!?!


"You..I want to spend my life with you." Hindi ko siya maintindihan! Walang namamagitan samin! Kahit na idol ko siya at bias ko pa ay sa loob ng ilang years naming magkakilala ay walang namamagitan samin! Magkaibigan lang kami!


"H-ha?" Sambit ko habang karga parin si baby Aukie na mahimbing na natutulog.


"Matagal na kitang gusto Vanessa. Ang manhid mo talaga." Sabi niya at napakamot pa sa batok niya. Ako?! Manhid?! Hala baka manhid nga ako..




"Tsk. Wala ka manlang bang sasabihin?" Nag-aalinlangan niyang tanong.




Ano nga ba? Gusto ko rin naman siya. Hindi bilang bias ko kundi bilang si Jaehyun. Si Jaehyun na sobrang bait..si Jaehyun na masarap kasama..at si Jaehyun na nagpapasaya sa akin.




"Matagal na rin naman kitang gusto. Manhid ka rin." Sabi ko at nakita ko naman ang malawak na ngiti niya.




Unti-unti siyang lumapit sa akin at nagkatitigan kami. Kusang naglapit ang aming mga mukha at--"VANESSA ZANFRI KIM! YOU'RE NOT PAYING ATTENTION!"



Napatungo ako at saka nagsalita, "S-sorry appa." Ano ba kasing nangyayari sakin?!?! Napapadalas na yata ang pagdadaydream ko about sa aming dalawa ni Jaehyun! Nakakainis!



We're currently in the middle of a family dinner nang hindi ko mapansin na lumulutang nanaman pala ang utak ko at wala ako sa wisyo. Pano ba naman kasi! Kinasal na't lahat-lahat ang bestfriend ko samantalang ako wala paring lovelife! Kamusta naman yun diba?!


"ZANFRI! ANO BANG NANGYAYARI SAYO?! KANINA KA PA NAMIN KINAKAUSAP AT TINATANONG PERO NAKATULALA KA LANG! YOU'RE RUINING OUR NIGHT!" Sigaw nanamang muli sa akin ni appa. Kauuwi lang kasi ulit ng parents ko kaya ganito nalang ang reaksiyon ni appa. Aish. Ang bad ko!!!



"A-appa..m-masama kasi p-pakiramdam k-ko..m-mianhae.." mahinang sabi ko.


"Oh sweetie is everything okay? Sorry sa inaasal ng dad mo ngayon. He just got pissed because you're not answering his questions." Paliwanag sa akin ni eomma. Hays.



philophobia ✧ taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon