Epilogue

420 21 16
                                    

Epilogue
Autumn

"HYUUUUUUNG MANGANGANAK NA SI AUTUMN NOONA!!!!"

"SKIEEEEEEE NASAN KA NA BA?!?!?!" Sigaw ko habang inaalalayan ako ng nct u papuntang sasakyan. Hindi ko naman alam na ganito pala feeling ng manganganak! Tapos yung butihin ko pang asawa wala pa sa tabi ko.

"MAY ITATAGAL PA BA YAN?!?! ANG SAKIT NA! BILISAN MO NAMAN TEN!" Singhal ko kay Ten pagkasakay namin sa sasakyan. Natataranta kasi si Ten kaya hindi niya malagay yung susi sa sasakyan.

"Saglit naman kumalma ka nga Autumn!" Sinong makakakalma pag ganito sitwasyon ha?!


Kasalukuyan nang nagddrive si Ten and my husband is nowhere to be found. Lagot ka sakin Skie!!!


-
Taeyong

"Saglit lang malapit na ko sa ospital! Pag ako nabangga na talaga ng tuluyan sinasabi ko sainyo ah! OO NGA MALAPIT NA NGA AKO!" Binaba ko na ang tawag dahil lalo lang akong nagpapanic.


Bumisita kasi ako sa SMEnt at nangamusta. Hindi ko naman alam na ngayon na manganganak si Autumn kaya eto ako ngayon, nagmamadali papuntang ospital.


Buti nalang ay saktong bumisita naman ang mga kagrupo ko kay Autumn kaya she's safe. Our baby is safe.


It's been six years simula nang sagutin ako ni Autumn. Time passed by so quickly. One year na kaming kasal ngayon and luckily, NCT U is still existing. Hindi kami nagdisband. Mas dumami pa nga kami eh. Andiyan na sila Winwin, Haechan, Jeno, at marami pang iba. May ibang unit na rin ang NCT. May NCT 127 at NCT Dream na.


Nakakatuwa lang rin na kahit maraming tutol sa amin sa umpisa ni Autumn, kusa rin silang nagpaubaya nalang at sinuportahan kami. 


That's why kahit na kinasal na kami at magkakaanak na ay hindi ko pinapabayaan ang aking career. NCT is still alive and kicking, and I am still the good 'ol Taeyong every NCT fan knows. 


Nakarating na ako sa ospital at agad na pumunta sa delivery section. Nakita kong nag-aabang sa labas ang mga kagrupo ko at hindi maipinta ang mga mukha nila.


"Hyung! Grabe si noona kanina! Galit siya sayo ang tagal mo daw! Lagot ka daw sa kanya tapos di niya daw ipapahawak sayo yung baby niyo pag di ka pa dumating--" hindi ko na pinakinggan si Mark at dire-diretsong pumasok sa loob.


Nakita ko si Autumn na pawis na pawis at mukhang hirap na hirap sa panganganak. "Push!"



Lumapit ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. "Sir sino po kay--"



"Asawa niya." Sagot ko sa doctor na nagpapaanak kay Autumn.



"SKIEEEE! BAT NGAYON KA LANG?! HINDI MO BA ALAM NA ANG SAKIT SAKIT?! TAPOS WALA KA SA TABI KO PARA MANLANG BAWASAN YUN?! MAMAMATAY NA YATA AKO AAAAAHHHHHH!" Sigaw lang siya ng sigaw hanggang sa tuluyan nang lumabas ang baby namin.


Parehas kaming naluha sa aming nakita. "Congratulations Mr. and Mrs. Lee, it's a boy."


-
2 weeks later

"Anong pangalan ng aking pogi at cute na apo?" Tanong sa akin ni eomma habang karga si baby. Naisipan naming bumisita ni Autumn sa tinitirhan ngayon ni eomma para makita niya yung apo niya.



"He's Trevor Aukie Lee." Sagot ni Autumn.


Nagpatuloy lang sa pagchichikahan si eomma pati si Autumn. Actually, nung nalaman ni eomma na kami na ni Autumn noon, sobra siyang nagalit sa aming dalawa. Pero ayun nga, nung nakita niya kung gaano namin kamahal ang isa't-isa ay tinanggap niya na kami.



Maya-maya pa ay umuwi na rin kami kasi gabi na rin. 9:00 pm na at gusto na naming makapagpahinga.


We were both lying in bed nang magsalita si Autumn. "Skie?" Pagtawag niya sa akin at niyakap ako.


"Hmm?" Niyakap ko rin siya pabalik.


"Mamahalin mo pa rin ba ko kahit magmukha na akong losyang sa kakaalaga kay Aukie?"


Ngumiti ako. "Yes because I love you for what you are and for not what you look like."


"Really?"



"Really really."



"I love you, Skie."



"I love you too, Autumn."



Tumingin kami sa isa't-isa. Unti-unting lumapit ang mukha namin sa isa't-isa. We were about to kiss when a noise suddenly disturbed us. "UNGAAAA! UNGAAAA!"


We both laughed. "Palitan mo daw muna ng diaper si baby Aukie, mommy."


"I guess we won't have our quality time with Aukie around." Sabi ni Autumn habang pinapalitan ng diaper si baby Aukie.

"Yeah I think so, too." Tumayo ako sa kama at tinulungan si Autumn sa pagpapalit ng diaper kay Aukie. "But we'll have our quality time with our own little family. You, me, and our baby."

philophobia ✧ taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon