Chapter 3 "DEAR SOULMATE"

135 11 0
                                    

November 18,2013

11:30 A.M.

Dear Soulmate,

Alam kong kalokohan ang ginagawa kong pagsulat sayo kasi suntok sa buwan na mabasa mo to. Pero kahit na ganun, gusto ko pa ring gawin to. Dahil dito ko lang pwedeng masabi sayo yung mga nararamdaman ko. One year ago mula ng makita kita dito,mula ng araw na yun nagbago ang lahat sa akin. Pakiramdam ko naglevel up ako bilang isang babae. Kasi kahit hindi ako nagkaroon ng boyfriend,masasabi kong nainlove pa rin ako. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. At habang wala pang taong nagmamay-ari sa puso ko,sayong-sayo lang to. Kahit na hindi ko na masyadong matandaan yung itsura mo,alam ko, pag nagkita tayo ulit, mararamdaman ko. Mararamdaman ko ulit yung naramdaman ko ng araw na yun...

Hihintayin kita...

Iloveyou...

Love,

Ara

Basang-basa na yung unan ko.Bakit kahit ilang beses ko basahin to,naiiyak pa rin ako.

Nasan na nga kaya siya ngayon?

Andito pa rin kaya siya o baka naman nasa ibang bansa na siya.

Gusto ko lang naman siyang makita ulit. Kahit isang beses lang. Pag nalaman kong okey lang siya, masaya siya, may taong nagmamahal sa kanya at mahal din niya, okey na ko. Kakalimutan ko na talaga siya.

"Ara...halika nga dito saglit anak..."

Ano ba naman si Mama,nageemote ako eh,lagi na lang nauuudlot."

"Anjan na Ma..."

" Kanino tong towel na to?Sayo ba to?Bago ba to? Ang bango eh. Ngayon ko lang nakita to ah."

"Aaaah...Kay Weng yan Ma. Nabasa kasi ako ng ulan kanina. Kaya pinahiram niya yan sa akin..Ako na maglalaba niyan."

Sabay hablot ko kay Mama at balik sa kwarto...

Ang bango-bango naman ng towel niya, halatang pang mayaman ang amoy.

Nakangiti habang inaaamoy at niyayakpap ang towel ni boy next door.

Someone's knocking pero wala siyang naririnig...

Ayun...busy sa pagiimagine....

Walang epek ang pagtawag ni Mang Betong sa kanya...

"Ara!!! Uy!!!Kain na.Ano bang ginagawa mo jan?nakangiti kang mag isa."

"Oh Papa......kanina ka pa ba jan?"

Sabay bitaw sa towel.

"Hindi naman.Halika na at kakain na tau."

Si Papa talaga.Nag-iimagine pa ako eh.

"Nak kamusta naman ang thesis mo?"

" Okey naman Ma."

Nakakagutom umiyak.

Nakakaubos ng energy.

Ang sarap talaga ng luto ni Mama. D'best. Buti na lang talaga hindi ako tabain.

"Anak...magtapat ka nga sa amin ng Mama mo...."

"Tungkol san?"

"Hindi naman kami magagalit eh. Kaya ba wala kang boyfriend ay dahil..."

"Dahil..."

Nagtinginan si Mama at Papa at sabay sabing...

"Dahil tomboy ka........?"

"Ha????"

Nabulunan pa ako.

"Diba...kay Weng yung towel..."

"Oo."

" Yun na nga eh. Kay Weng yung towel, tapos niyayakap mo yun tas hinahalikan mo pa ata. At para ka pang kinikilig."

😂😂😂😂😂

Hindi naman kay Weng ung towel. Alangan naman na sabihin ko na kay boy next door yun, na nakisakay ako sa lalaking hindi ko kakilala,  tapos bingyan nya ako ng towel, eh di naghysterical si Mama at Papa.

" Ano ka ba naman Papa? May iniisip lang ako kanina. Nagkataon lang na hawak ko ung towel ni Weng. Malisya agad?101 % girl ako noh."

Makatulog na nga at super exhausted na ako sa araw na to...

Haaaaaaaaaaaaaaaaaay...

Nakalimang baso na ako ng gatas. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Kanina pa ako papalit palit ng posisyon.

Haynaku Ara!!!Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.

Dapat kasi hindi ka pumunta sa Bell Church ngaung araw na to, dapat pinagpabukas mo na.

Ayan tuloy mas lalo mo tuloy naiisip ung soulmate mo.

Sinasabunutan yung sarili na parang tanga.

Ows???yung soulmate mo nga ba ung iniisip mo...o ung boy next door na nagbalik ng letter mo na para sa soulmate mo sana?

Ung lalaking pag kinakagat yung ibabang labi nya mas nagiging attractive. At pag kumindat!Pamatay!

Baka ako yung soulmate mo .Kasi sa akin napunta yung letter.

Baka ako yung soulmate mo. Kasi sa akin napunta yung letter.

Baka ako yung soulmate mo. Kasi sa akin napunta yung letter.

Baka ako yung soulmate mo. Kasi sa akin napunta yung letter.

Ang ganda ng boses niya.Parang music to my ears.

Ara!!!!Ano ba yang iniisip mo.Tumigil ka nga jan.

Naghihysterical at nagtakip ng tenga.

Arabella U. Beswilen.  Political science huh. University of Cordillera.

Miss Ara!!!

Kinuha niya ung dalawang unan at nilagay sa magkabilang tenga niya...

Ano un? Auditory hallucination????

Badtrip!!!hindi tuloy ako makatulog.

Infairness!!! kung siya ang soulmate ko.

Hindi na rin masama.

Hawak ko ung pisngi ko at humahagikhik ng pigil...

Tinnngggg!!!!

STALKER???BAKIT IKAW BA YUNG TIPO NG GIRL NA MAGKAKAROON NG STALKER?????

Hindi yun music to my ears!!!

Ang yabang niya!!!

Makatulog na nga...

AFTER ONE WEEK...

P.S. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon