Authors Note:Lahat siguro ng tao hindi malilimutan ang "FIRST KISS" nila. Sa mga taong makakabasa ng story na to na wala pang first kiss, dahil I assume na may mga batang reader din ako gaya ng mga highschool students. The way I describe Ara's first kiss was the exact feeling I felt when I had my first kiss. Para ka talagang lumulutang. Para kang nakukuryente na hindi mo malaman.😊
************
Paghiwalay ng mga labi namin, pakiramdam ko, nakadikit pa din ang mga labi niya sa akin. Nararamdaman ko pa rin ang bawat pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Kinagat ko ang labi ko para siguraduhing magkahiwalay na ang mga labi namin. At para patunayan na hindi ako nanaginip. Na totoong hinalikan nga niya ako.
Bumuntong hinga siya ng napakalalim.
Nakayuko lang ako dahil parang hindi ko siya kayang tignan.
Parang ganun din naman siya sa akin.
Bumuntong hinga uli siya sabay pikit ng mga mata niya na para bang mali ang ginawa niya. Na nabigla lang siya. Na nadala siya sa bugso ng damdamin. Na hindi niya dapat ginawa yun.
"Ara..."
Tila may nais siyang sabihin sa akin pero hindi niya alam kung paano niya sisimulan.
"I'm..."
Im sorry. Yun siguro ang gusto niyang sabihin.
Ano ba ang dapat kong sabihin? Na-shocked din ako eh. Nawala nga ata yung epekto ng alak sa akin.
Bumuntong hinga uli siya ng napakalalim. Tila nag iipon ng lakas ng loob para magpaliwanag sa nangyari.
"Ara Im really..."
Panimula pa lamang niya pero agad ko ng pinutol ang sasabihin niya.
Marahang dinampi ng kamay ko ang labi niya na nagpapahiwatig na wag na siyang magsalita.
I've gain my composure and smile at him.
"Okey lang Sir."
Pinipigil kong tumulo ang luha ko.
"Alam kong nabigla ka lang. Nabigla ka sa confession ko. Ako din eh, nabigla. Sa ginawa kong confession. Masyado lang siguro ako madaming nainom. Im sorry."
Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya na tila nag-iisip ng isasagot sa akin.
"I should be the one making an apology not you."
"Sorry for stealing your first kiss".
"Hindi ko dapat ginawa yun eh. I know how important that moment for a girl like you."
Pano naman niya nalaman na first kiss ko yun? Halata ba?
Ganun ba pag madami ka ng nahalikan? Alam mo kung first time o hindi.
Nakaisip tuloy ako ng way para mawala ang pagiging awkard ng moment na yun.Masyado kasing seryoso ang pinag-uusapan namin. Hindi ko kayang itolerate. Wala ako maisasagot sa kanya. Alam kong sobrang nakokonsensiya siya sa ginawa niya. Pero wala naman na kaming magagawa. Tapos na. Tsaka isa pa, gusto ko na lang isipin na isang magandang experience yung nangyari.
Nagkaroon ako ng FIRST LOVE ng hindi ako nagkaka-boyfriend.
Nagkaroon din ako ng FIRST KISS ng wala pa akong boyfriend.
Nakaka-depress pero ayoko na lang isipin.
Move on Ara.
MOVE ON.

BINABASA MO ANG
P.S. Soulmate
RomanceSi Ara ay isang NBSB na until this days ay naniniwala sa soulmate. And she really believed na that guy she met three years ago ang soulmate niya. Ang one and only love of her life na meron siya sa 20 years niyang existence sa mundo. Hindi siya nagka...