Chapter 7: "TIPZY COZ I'M FALLING INLOVE"
Hindi naman kami ganun kamalas nung araw na yun. Pagkatapos nung fireworks display, may dumaang truck. Papuntang town. Marunong siya sa makina ng mga sasakyan. Kaya nakauwi din kami nung gabing yun. Buti na lang. Akala ko forever na kaming stranded dun.
Other side of Ara:
As if naman. Eh sa totoo lang,enjoy na enjoy ka naman sa pagkakastranded nyo. At alam ko naman ang winish mo sa shooting star ay sana abutin pa kayo ng madaling araw para makasama mo pa siya ng matagal.Kahit naman hindi mo aminin sa sarili mo,crush mo naman talaga si Sir Jayson. Hindi mo lang talaga kayang aminin.
***********
"Ara, kaninong jacket to?"
Halos di ko malunok yung kinakain ko nang biglang tanungin yun ni Mama.
"Kay Weng yan Ma. Hiniram ko. Ang lamig kasi sa Itogon. Eh manipis yung suot kong jacket. Extra jacket niya yan Ma."
Hay naku. Sana efective yung palusot ko. Kay Sir Jayson yun. Bigla na lang niyang ipinaibabaw yan sa akin. Nakita kasi niya na nanginginig ako. Nung nanonood kami ng fireworks, yun yung time na binigay niya sa akin. Sweet hehe.
"Eh parang panlalake naman to nak? Yung pabango nga amoy na amoy pa hanggang ngayon. Nak? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?"
Well, papunta pa lang ako pabalik na si Mama. Pinagdaanan din niya ang mga paggawa ng palusot na yun kay Papang at Mamang, ang the best lolo and lola in the universe. Laging nakwe-kwento sa akin ni Papa kung paano niya itinatakas si Mama noon.
Pero wala naman ako kailangang sabihin at ikwento sa kanya dahil wala namang nangyayaring ganun. Something unusual. Walang ganun.
Other side of Ara:
Wala nga ba?
Wala naman talaga.
**********
Sana nga meron eh.
Other side of Ara:
Kay sir Jayson, siguradong wala lang yun. Pero sayo, yun ang di ako sigurado.
"Ara anak, alam mo namang pwedeng pwede ka magkuwento sa akin. Pinagdaanan ko din yan. Kami ng papa mo. Hay naku naaalala ko pa ang mga panahon na yun."
Si Mama talaga. Magsisimula na naman siyang magkwento, samantalang ilang beses ko na narinig ang love story nila ni Papa. At wag ka! Dahil kahit matatanda na sila, para pa rin silang mga teenager na kinikilig sa tuwing binabalikan nila ang mga nagdaang panahon.
Sana ganun din ako. Yung lalaking makakasama ko hanggang pagtanda ay parang kay papa. Baduy at corny man si Papa, pakiramdam ko everday pa din niyang nililigawan si Mama.
"Ara, hindi pa tapos yung kwento ko eh."
"Mama, memorize ko na kaya yun."
"Hayaan mo Ma, isusulat ko yun sa MMK pag nagkaroon ako ng time."
Natatawang pahabol ko bago ako pumasok ng kwarto.
"Ooops!!! Akin na yan ma labyu!"
Sabay hablot ng jacket at kiss ko sa kanya paglabas ko ng kwarto.
Ang bango nga nung jacket ni Sir! Ano kayang pabango to? Sabagay, nung hinawakan niya yung kamay ko sa hanging bridge, naiwan pati yung amoy ng pabangong to sa kamay ko. Naliligo kaya siya ng pabango? Super bango eh. Nakaka adik yung amoy.
Other side of Ara:
Kung makayakap ka lang sa jacket niya parang wala ng bukas ah. Baka maubos ang amoy niyan.
BINABASA MO ANG
P.S. Soulmate
RomansaSi Ara ay isang NBSB na until this days ay naniniwala sa soulmate. And she really believed na that guy she met three years ago ang soulmate niya. Ang one and only love of her life na meron siya sa 20 years niyang existence sa mundo. Hindi siya nagka...