Malayo pa ako sa classroom namin naririnig ko na ang malalakas na boses ng buong block namin. Para silang nasa palengke. Everyday na lang ganito. Para silang mga grade school na kailangan pang suwayin. Pero sa totoo lang kahit ganun sila,sobra ko silang mamimiss. Yung mga moments na ganito. Nakakabwisit ang kaingayan at kakulitan nila pero pag ang tahimik parang kulang din ang araw ko. Ilang months na lang graduation na, at ilang months ko na lang din sila makakasama.Kasi hindi naman lahat magtutuloy ng law. Kaya kung may makakasama man ako,hindi na kami kumpleto. Siguro nga iba iba kami ng ugali at ng trip pero kahit na ganun, masasabi kong solid silang kaibigan. Siguro dahil apat na taon ko na din silang nakasama. Hindi kami naghihiwalay ng block kasi lagi kaming sabay- sabay mag pa enroll. At infairness sa kanila, ang loyal nila sa akin. Dahil sa apat na taon na yun, ako lagi ang nominated na Class President. Hindi na sila nagsawa. Same face every year.
Hay...Im gonna miss them. I pray na maging successful kami lahat sa mga chosen career namin. Sana pag nagkaroon ng bar exam sa mga susunod na taon, manggaling sa amin ang topnotchers. Hihi.
Other side of Ara:
Si Sir Jayson, topnotcher;-)
Eh ano ngayon? Kung topnotcher siya? Ang yabang naman niya.
Other side of Ara:
Weh? As if naman! Excited ka ngang pumasok para makita siya eh.
"Uy anjan na si Ara!"
Lapit sa akin ng grupo ni Josh. Ang mga feeling heart throb ng block namin.
Si Josh (Yuan Joshua E. Rodriguez, ang heir ng isa sa mga pinakamalaking hotel dito sa Baguio. Dapat Business course ang kinuha niya eh kaso ayaw niya. Pero okey na din yun. Kelangan din ng magaling na lawyer ang malalaking business corporation. Siya yung richkid na super down to earth. Walang pakeme keme,napaka cowboy. May karapatan naman siyang tawagin ang sarili na heart throb. Kasi gwapo nga naman siya. Makulit nga lang.
Si Alex (Alexander F. Buenaventura, ang pinakabrainy sa grupo. Mas brainy pa siya sa akin pero tamad nga lang mag-aral. Siya kasi ang kalaban ko pagdating sa mga grades. Mas madalas siyang gumimik kasama ng grupo niya kesa sa magbasa ng libro. Pero minsan natatalo pa din niya ako at siya pa ang naghahighest sa mga quizes at exams. Feeling ko tuloy minsan ang bobo ko kasi nageefort ako nagreview samantalang siya efortless. May mga tao lang sigurong sadyang gifted sa katalinuhan.
Si Rayven (Rayven Chester D. Santos, ang pinaka-tahimik sa grupo. Ang vocalista ng banda nila. Nakalimutan kong sabihin, may banda pala sila. Tumutugtog sila sa different bars dito sa Baguio. Siya yung Silent pero deadly. Dahil madaming girls ang dead na dead sa kanya lalo na pag kumakanta na siya. Pero di ako kabilang dun ah.
Si Von (Von Mark L. Beswilen, third cousin ko siya. Tagapagmana ng pinakamalawak na farm sa lugar namin. Classmate ko siya mula grade school until now. Ang pinaka kalog at joker ng block namin.
"May plano ka na ba sa outreach program natin sa Saturday?"
Akbay sa akin ni Josh.Haynaku may naaamoy akong di maganda.
"The usual. Every year naman nating ginagawa yun ah. My feeding,konting activities at games para sa mga bata at syempre charity gift natin para sa barangay. Nakausap ko na yung barangay Captain nila. Okey naman na, nasabi ko na mga gagawin natin."
"Sa Itogon tayo."Sabi ni Rayven na parang may ibang ibig sabihin.
"At sa Itogon may magandang hot spring."dagdag pa niya.
"Ngayon?"taas ko ng kilay sa kanya.
"Napag usapan kasi namin kanina bago ka pa dumating na dahil halfday lang naman ung outreach program,eh mag outing na lang tayo. Nadesignate na kung sino magdadala nung food at kung anu-ano pa. Nakausap na din daw nila ung aarkilahing jeep. Wag ka magalala. Wala kang dadalhin. Ang kailangan lang sumama ka."

BINABASA MO ANG
P.S. Soulmate
RomanceSi Ara ay isang NBSB na until this days ay naniniwala sa soulmate. And she really believed na that guy she met three years ago ang soulmate niya. Ang one and only love of her life na meron siya sa 20 years niyang existence sa mundo. Hindi siya nagka...