Chapter 2 "STATISTIC BOOK"

206 13 0
                                    

"Ara, kumain ka muna bago ka umalis. Ang aga-aga pa naman, bat ka ba nagmamadali?"

Si Dorothea U. Beswilen aka Duday ang ever loving Mama ko. Kahit may katabaan siya, para sa amin ng Papa ko, siya ang pinaka-sexy at pinaka-hot na Mama sa buong Universe. Kahit  sobrang busy siya sa farm, hindi siya nawawalan ng time para sa amin ni Papa. Lagi pa rin niya kaming pinagluluto ng masasarap niyang specialty.

"San ba punta mo?Eh wala namang pasok ngayon. Inaasikaso mo pa rin yung thesis mo? Anak hindi mo naman kailangang ma-pressure. Okey lang sa amin ng Mama mo kahit hindi ka maging cumlaude ang importante maka-graduate ka. Lagi ka na lang puyat tignan mo nga yang itsura mo para ka ng zombie, kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh. Lagi kang haggard tignan eh. Pano kami magkaka-apo ng Mama mo niyan?"

Nakakainis talaga si Papa, hanggang ngayon lagi pa rin niyang ginugulo yung buhok ko. Hindi naman na ako bata eh.

"Apo agad? Pwede bang boyfriend muna Pa?"

*sabay pout*

"Hay naku Papa, kung anu-ano sinasabi mo. Bata pa yang si Ara natin...baby pa siya kaya hindi pa siya pwedeng magka- baby."

"Eh baka lang tumandanang dalaga. Nagpapa-alala lang naman kasi hanggang ngayon, wala parin siyang pinapakilala sa atin."

Makaaalis na nga at halatang ako ang pingtritripan ni Papa

Pagsakay ko ng jeep,

 I felt the same feeling three years ago.

Haaaay!! lapit na ulit Christmas halos 1 month na lang holiday season na naman. Ang lamig lamig talaga ng November dito.

Pagpasok ko ng Bell Church,

Napabuntong hininga ako.

November 18,2015 three years na rin mula nung una ko siyang makita dito.

Ang ganda talaga dito. Wala pa ring pagbabago, lalo na yung spot na to na kinatatayuan ko.

Pero mas maganda siguro pag sabay naming minamasdan ang magandang view na to. Kahit hindi siya nagsasalita at hindi kami super close, basta andito din siya nakatayo kasama ko, masaya na ako.

Habang tinitignan niya yung magandang view ako naman tahimik din na nakatingin sa kanya.

Ano ba Ara? Hindi ka nagpunta dito para magdaydreaming. Pumunta ka dito para magbid goodbye sa kanya. Para tapusin ang kalokohan mo.

Kelangan magpromise ka sa sarili mo na ito na ang last time na pupunta ka dito sa Bell Church.Hindi mo dito mahahanap ung pupuno sa emptiness na nararamdaman mo.

Tama si Weng andiyan naman ang Mama at Papa ko para pumuno ng kakulangan sa pagkatao ko. Hindi ko man sila kadugo,mahal na mahal naman nila ako at totoo sila.

Hindi gaya ng lalaking yun. Na likha lang ng napaka-wild kong imagination.

Soulmate. Destiny. Hindi naman ata totoo yun eh. Kasi pano mo mamahalin ang taong minsan mo pa lang nakita at kahit kelan hindi mo na nakita uli.

First love. First one sided love.Yun ang tawag dun.Dahil ako lang naman ang nagmamahal sa kanya.

Haynaku!!Nakakapraning!! Tama! Kalokohan nga lang yun.

"Hoy Mr. Total Stranger!! Makinig ka."

Kung makasigaw lang wagas porket walang tao.

"Uhmmmm...pwede ko ba siyang tawaging Mr. Soulmate for the last time???Last na talaga to promise."

Humirit pa talaga eh..

"Uhmmmm...Mr. Soulmate"

*Teary Eyes*

P.S. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon