Chapter 6 "STRANDED"

103 7 1
                                    

Chapter 6: "STRANDED"

Hindi pwede to.Kailangan kong makauwi. Sa farm pa naman matutulog sila Mama ngayon. Walang tao sa bahay. Pero pano kami hihingi ng tulong kung pareho kaming battery empty. Isa pa, nasa gitna kami ng daan. Walang kabahay bahay kasi gilid ng bundok eh. Tsaka baka ano gawin niya sa akin. Dalawa lang kami dito.Baka samantalahin niya ang pagkakataon. Mahirap na.

Other side of Ara:

Masyado ka namang ambisyosa.Pagsamantalahan agad? Ang romantic nga eh.Stranded kayo sa kalagitnaan ng no where. Parang sa pelikula lang. Nakakakilig😍.

Haha. Mas ok siguro kung yung soulmate ko ang kasama kong ma stranded kesa sa kaniya noh. Minsan mabait,minsan naman ang yabang.

"Sir wala ba tayong gagawin?"

Nakasandal kami ngaung dalawa sa gilid ng kotse niya. Mula sa kinatatayuan namin, makikita ang tila mumunting ilaw na nakadikit sa may gilid ng bundok. Bahay ang mga yun sa gilid ng bundok. Isa yun sa mga gusto kong view dito sa Benguet. Para kasing stationary fireworks ang mga yun sa gabi. Fireworks na hindi sumasabog at gumagalaw. Pero forever. Hindi nawawala. Magtatago lang sa umaga. At pagsapit ng gabi, andyan na naman sila. Hindi ko alam kung naaapreciate ba ng iba o ng mga turistang umaakyat dito ang magandang tanawin na yun sa gabi pero para sa akin, isa yun sa pinakarelaxing na view na makikita dito sa Benguet.

"Gusto mo maglakad ka pabalik ng town. Mauna ka na."

Hindi rin siya pilosopo noh. Para nagtatanong lang eh.

Hindi ko na nga siya kakausapin. Magiisip na lang ako ng paraan para makauwi. Ang problema. May paraan nga kaya bukod sa  maghintay ng bukas. Maghintay na dumating ang liwanag at may dumaan ng sasakyan sa kalsadang to?

Ang tahimik na tuloy. Parehas na lang kami nakatingin sa mga mumunting ilaw sa gilid ng bundok. Siguro nagiisip din siya.

"Ano yung sinabi ng lola sayo kanina?"

Biglang tanong niya sa akin.

"It's too personal sir para sagutin ko ang tanong niyo."

Bawi ko sa kanya. Bakit ko sasabihin. Sino ba siya.

Ayun tuloy nanahimik na naman siya. Sige na nga, nakakaboring at nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin eh.

"Sabi niya, maghintay lang daw ako. Malapit na din siya dumating. Alam daw niya na matagal ko na siyang hinihintay."

Hindi siya agad sumagot. Parang nagiisip kung ano ang sasabihin niya.

"Miss Soulmate searcher."

Panimula niya.

"Alam ko, ung soulmate mo ang hinihintay mo."

"Uhmmm. Oo sir."

"Alam mo ba kung saan nanggaling ang concept ng soulmate? Bakit may tinatawag na soulmate? Alam mo?"

"Hindi eh."

"Uhmmmm...."

Tapos hinawakan at bahagya niyang hinaplos yung ulo ko.

"Ang mga bata talaga. Napaka-imaginative. Ni hindi mo nga alam kung anong ibig sabihin ng soulmate, tapos three years mo na siyang hinihintay? Hindi ba stupidity yun? Naghihintay ka sa taong hindi mo kilala. Ni hindi mo nga alam ang pangalan. Makikipag pustahan ako, hindi mo na natatandaan yung mukha niya. Or worst,isa lang siyang imagination ng mapaglarong isip ng isang batang babae na walang alam sa love at kahit kelan hindi pa naranasan ma-inlove."

Ang sakit naman nung sinabi niya. Hindi naman niya ako kilala eh. Isa pa hindi ko hinihingi ang opinyon niya. Hindi naman kami close para bigyan niya ako ng advice. Hindi ko kelangan ng words of wisdom galing sa kanya.

P.S. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon