Chapter 4 "LOST & FOUND I.D."

127 9 3
                                    

Chapter 4: "LOST AND FOUND I.D

"Hindi ka talaga pwede pumasok ng walang ID miss. Kami naman ang mapapagalitan niyan."

Kainis ang manong guard na to. Mali-late na ako sa klase ko eh. Monday pa naman ngayon. Hindi mapakiusapan.

Asan na ba kasi yung lintik na ID na yan. Hindi ko naman inaalis yun sa bag ko eh.  Nailabas ko na lahat ng laman ng bag ko wala pa rin.

Sumasabay pa ang eskandalosong ringing tone ko. Sino kaya yung tumatawag na to sa kalagitnaan ng paghahalukay ko ng bag ko. Haist!umagang umaga pa lang pero pawis na pawis na ako sa nerbyos at inis!

"Oh Weng?"

"Asan ka na ba Ara? Nakalimutan mo na ba kung ano yung first subject natin ngayon?!"

Mas lalo ako nataranta nang marinig ko ang ninerbyos na boses ni Weng. Hindi ko naman nakakalimutan kung anong subject meron kami ngayon. At bago ang instructor namin.  At graduate siya ng UP Diliman. Hindi lang yun, fresh bar passer siya at isa sa mga top notchers.  At ako, isang aspiring magnacumlaude kaya hindi ako pwedeng ma-late sa kanya. Not this time.

"Nawawala yung ID ko eh, ayaw ako papasukin nung guard."

Naiiyak na talaga ako grabe. Anong gagawin ko?

Lumuhod kaya ako kay manong guard o kaya ikiss ko kaya siya?

Hay ano ba naman Ara! puro kalokohan yang nasa isip mo!

"Hello Weng?"

"Weng?"

Hindi na siya nagsasalita. My Gosh! Nagstart na ba ung klase namin?

"It's prohibited to use cellphones or any gadgets during my class."

Hindi naman si Weng yun. Lalaki eh. Hindi naman siya mukhang galit pero ang pormal ng boses niya. Malamang yun na yung bagong instructor namin. Lagot na talaga ako.

Bigla na lang naputol ang kabilang linya.

Lagot! baka naconfiscate ang cellphone ni Weng.

Ara do something. Hindi ka pwede tumayo na lang jan at maghintay sa kung anong mangyayari.

"Miss!"

Kumakaway sa akin yung guard. Bakit kaya? Naawa siguro siya sa akin. Sana papasukin na niya ako.

*Crossfinggers*

"Oh eto na yung ID mo. Maswerte ka at may nagbalik niyan. Sa susunod wag mo na iwawala yan."

Inabot nya sa akin yung ID ko. Teka san ko ba to nalaglag? Dito sa school? Noong nagkita kami ni Weng para sa thesis? Hindi eh, dahil hindi kami sa school nagkita kundi sa SM.

Hay! ayoko na isipin.Basta ang importante nakapasok na ako.

"Salamat manong. Ay sino pala nagbalik nito?"

Syempre curios din ako at gusto ko na din magpasalamat kung sino man siya. He saves my day! Baka i-treat ko pa siya.

😊

"Yun...yung lalaking naka-brown dun na naglalakad papasok."

Turo ni manong guard sa lalaking may katangkaran na nakasuot ng brown leather jacket.

"Salamat manong."

Super habol ako dun sa lalaki. Ang bilis nya maglakad eh. Ang haba kasi ng legs nya.Kainis! Para ako nakikipagmarathon.

Wait! Sana marinig nya ako noh. Eh may suot siyang earphone.

Ayan malapit na ako sa kanya. One meter na lang. Bilisan mo Ara. Konti na lang. Kalabitin mo na.

P.S. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon