[Anton’s POV]
This morning, I just met the most beautiful girl, kaso nga lang may pagkamasungit. Pero, ayos lang, maganda pa rin siya. Hm. Ano kayang course niya? Mukhang parehas lang ata kami ng building e, kasi malapit lang yung tambayan nila dito. Nako, makapunta na nga lang sa Dean’s Office para makakuha ng schedule.
“Ma’am, can I have my schedule?” Magalang kong tanong sa secretary.
“Name?”
“Kier Anthony Soriano, Ma’am”
“Ah. Yung transferee. Here.” Kinuha ko yung inabot niyang schedule.
“Thank You, Ma’am”
“Welcome. Enjoy your stay here. Kapag may kailangan ka pa, huwag kang mahiyang lumapit sa akin ha?”
“Yes Ma’am. Mauna na po ako.” Paalam ko sabay labas ng office. Binasa ko yung schedule ko tapos dumiretso na ako sa room ko- 402.
[Cassandra’s POV]
“Rain. Hindi na natin kailangan ng class schedule di’ba? Binigyan na tayo nung enrollment.”
“Yup. I think so. Unless transferee ka or freshman.” Sagot ng kaibigan ko.
“Uy. Floor ko na. Bababa na ako.”
“Bye Cassey. Una na ako. Fifth floor pa kasi yung first class ko eh.”
“Bye Rain. See you later.” Sumara na yung elevator doors at naglakad na ako papunta sa room ko- 402.
Hinahanap ko yung cellphone ko sa bag ko kaya hindi ko napansin na may nakabunggo ako.
“Sorr- Hey. Ikaw yung girl na masungit sa may garden! So, dito rin pala ang room mo huh? Hi. Classmate.” Aba! Nakangiti ang loko. Bv. Lalo siyang guma-gwapo e. Tsk. Cassey! Pinagagalitan ko ang sarili ko.
“Oh. Hi transferee.” Ngumiti din ako. Nagulat siya. Oha! Akala mo ha?
“Dito ka din pala naassign. Welcome. Uh, excuse me. Mauna na ako ha?” Pumasok na ako sa room at paglingon ko tulala pa din siya pero agad naman niyang nabawi yung expression niya. Umupo ako sa may pinakaharapan dahil gusto ko na malapit sa board. Medyo malabo kasi yung mata ko. Tumabi naman sa akin yung lalaking transferee.
“Hi. I’m Anton.” Pakilala niya sa sarili niya.
I know right! Hahaha. Tama na nga muna ang pagiging masungit.
“I know. By the way, I’m Cassey.” Ngumiti ulit ako.
“Ca-“ Hindi na niya naituloy yung sinasabi niya kasi dumating na yung prof namin.
“Okay. Roll call. I want to know everyone. Kung tinawag ko yung pangalan mo, say present then stand up.” Umpisa ng prof namin. Umupo na ako ng maayos.
Alicia Arellano… Beatriz Ang…-- Hinihintay ko na matawag yung pangalan ko at sa wakas natawag na din! Pang-lima pala akong natawag.
“Cassandra Cortez!”
“Present sir!” Sabay tayo.
“So you are the famous Ms. Cortez, eh?”
“Yes sir.”
“Well, I expect a lot from you. Sit down.”
BINABASA MO ANG
Unveil the Secrets
Roman pour AdolescentsThere would always be two sides in a coin. Two options to choose from: black or white, live or die, stay or run; but in the end it is still up to you which decision is the better one, the one that feels right, and the one that makes you happy. Right...
