[Anton’s POV]
Sinundan ko si Cassandra sa labas. Nilapitan ko siya para tanungin kung ok siya. Ang dami na niya kasing nainom.
“Ooooh. Transfe*hic*ree! Ikaw *hic* pala! *hic* Ano gina*hic*wa mo dito?” Lasing na nga talaga.
“Tinitignan ka kung okay ka ba, at mukhang hindi. Kaya, iuuwi na kita.” Hinihila ko na siya patayo pero ayaw niyang gumalaw.
“A*hic*yokong *hic* umu*hic*wi! Huwag na *hic* huwag mo a*hic*kong pauuwiin.” Tinigilan ko na ang paghila sa kanya at umupo sa tabi niya.
“Bakit? May problema ba?” Tanong ko. Nagulat ako umiiyak siya at sumandal sa akin. Inakbayan ko na siya at hinihimas yung balikat niya.
“Kasi *hic* hindi naiintin*hic*dihan ng pamilya *hic* ko kung ano *sniff* ang gusto kong gawin sa buhay. Ayo*sniff* kong maging *sniff* *sniff* doctor. Gusto *hic* kong ma*sniff*ging abogado.” Umiiyak pa din siya.
“Sssh. Tahan na. Darating ang panahon at masasabi mo din sa kanila ang gusto mo at maiintindihan ka nila.”
“Hindi nila ako *sniff* naiintindihan! Si thebossmfia lang *sniff* ang nakaka*sniff*intindi sa akin.” Si thebossmfia! Ako? Ako lang ang nakakaintindi sa kanya! Aaminin ko na ba?
“Um. Cassey. May sasabihin sana ako eh. Ako kasi si… thebossmfia.” Tinignan ko siya kung ano ang magiging reaksiyon niya. Akala ko magagalit siya, (toinks!) tulog na pala.
[Cassandra’s POV]
*groans* Hala. Ang sakit ng ulo ko. Pinipilit kong ibukas yung mata ko. Hindi kaya. Tinry ko yung isa. Ang liwanag. Pikit ulit. Binuksan ko ulit. Bakit iba ang kulay ng ceiling ko? Teka. Teka. Teka! Waaaah. Hindi ko ito kwarto!
“Oh. Gising ka na pala?” Wait. Kilala ko yung boses na ‘yun! Kier? Ohmy!
“What am I doing here?! Anong ginawa mo sa akin? Ano?!” Naghyhysterical na ako. Tumawa lang siya.
“Easy Cassandra. Wala ka ba talagang naaalala?” Tapos tinignan niya ako ng mabuti. Tinignan ko ang sarili ko at… HINDI KO TO DAMIT!!!!!!
“Ano ba talagang nangyari?! ANONG GINAWA MO SA AKIN!!!! Tell me!” Ohmygulay. Kinakabahan na ako!
“Haha! Praning! Wala akong ginawa sa’yo. Asa ka naman. Maid ko ang nagbihis sa’yo. Ang akward kasi ng dress mo kung yun ang ipangtutulog mo. HAHAHAHA.” Tumatawa lang ang mokong. Naiirita na talaga ako.
“Whatever. Pero seryoso na nga kasi, ano ba talagang nangyari? Tsaka, pahinging tubig, nauuhaw ako e.” Kumuha siya ng tubig at inabot sa akin. Naupo naman siya sa kama. Lumayo ako.
“Nagpakalasing ka lang naman kagabi at sabi mo na huwag kitang papauwiin sa bahay niyo, kaya dinala kita sa bahay ko.”
“Eh? Sinabi ko talaga ‘yon? Teka. Eh di ba may pasok tayo ngayon? At tsaka yung research! Anong oras na? Tara na!” Tumayo na ako.
“Haha. 11 am pa lang. Hindi na ako pumasok. Tinatamad ako e. Tsaka ganyan ang suot mo? Seryoso ka?” Tanong niya sa akin. Waaaaaah! Oo nga pala.
“Uuwi na ako. Papasok ako sa class ko ng after lunch.” Lalabas na sana ako kaso hinila niya yung kamay ko. Ugh!
“Hep. Hep. May nakalimutan ka ata?” Ako? May nakalimutan? Ah. Yung damit ko tsaka bag at sapatos!
“Ay, oo! Yung mga gamit ko.”
“Hindi. Hindi!” Sagot niya. Huh?
“Ano? May iba pa?” Isip naman ako.
“*sigh* Wala ka talagang utang na loob no at isang salita?” Huh? Ano daw?
“Huh? Anong pinagsasabi mo?” Napakamot ako sa ulo.
“Thank you ha?” Ah. Yun lang naman pala e.
“Thank you! Ang arte naman nito! Sige. Alis na ako.” Tumalikod na ako.
“Hep. Nakalimutan mo na ba yung pangako mo?” Ako? Nangako? Kelan?
“Kagabi. Sabi mo. Friends na tayo at tsaka kung ano man ang ipagagawa ko sa’yo, susundin mo!” Unfair! Lasing kaya ako. Madaya. Teka. May sinabi talaga akong ganun?
“A promise is a promise! Wala ng bawiian.”
“Kfine.”
“Haha. Yey. So, ang first request ko sa’yo ay dito ka na maglunch. Please?”
“K. Madali naman ako kausap.”
“O sige. Magrefresh ka na muna. Kung gusto mo, manuod ka din, hahatid kita sa bahay niyo after nating maglunch tapos sabay na tayong pumasok. Ok? Tawagin na lang kita kapag bababa na.”
“Okaaaay?” Lumabas na siya ng kwarto. Gaya nga ng sinabi niya, after 20 minutes, tinawag niya na ako para maglunch.
Naglunch na kami. Nagbihis na siya at hinatid na ako sa bahay. Naligo na ako, nagbihis at sabay na kaming pumasok ng school. Buti na lang at maaga kaming nakarating. Ang unang bumungad sa akin ay ang sigaw ni Rain.
“CAAASSSSSEYYYY! Bakit bigla kang nawala kagabi? Nag-aalala kami ni Cindy sa’yo! Hinanap ka pa sa akin ng parents ko! Sabi ko nakatulog ka na sa bahay ko, kaya hindi na sila nagtanong ulit. PAANO NA LANG KUNG MAY NANGYARI SA’YO! PATAY AKO SA MGA MAGULANG MOOOO!”
“Rain! Kalma lang. Sorry hindi ako nagpaalam sa inyo! Mabuti pa, itanong mo na lang sa mokong na ito.” Sabi ko sabay turo sa katabi ko.
“BAKIT SABAY KAYONG PUMASOK?!! ANONG GINAWA MO SA KAIBIGAN KO!” Sigaw ni Rain. Eh? Ang lapit lang naman ng kausap. Wa-poise ang kaibigan ko.
“Sssh. Ano ka ba Rain. Hinay, hinay lang. Kakahiya ka.” Sabi ko.
“Okay. *inhale, exhale* Anton. Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari.”
“Uh. Kasi nalasing si Cassandra kagabi, hindi niyo napansin na lumabas siya, kaya sinundan ko siya. Sabi niya sa akin, ayaw niyang umuwi at nakatulog na siya. Hindi ko naman siya maiwan, kaya binuhat ko na siya pabalik sa kotse. Ang bigat niya pero matiyaga ako. Tapos, sa bahay ko na siya, pinatulog.”
“Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”
“Nakalimutan ko talaga. Sorry Rain. Hindi na mauulit.” Mukha talagang nagsisisi siya. Tapos, biglang nagbell.
“Holy. Talagang hindi na mauulit. Cassey! Una na ako. Pasok na din kayo! Anton, may araw ka din sa akin. Di pa tayo tapos!” Tapos umalis na siya.
“Cass. May research tayo mamaya. 3:30 pm. Main Library. Huwag mong kalimutan. Bye!” Umalis na din siya. Hay. Makapasok na nga din.

BINABASA MO ANG
Unveil the Secrets
Fiksi RemajaThere would always be two sides in a coin. Two options to choose from: black or white, live or die, stay or run; but in the end it is still up to you which decision is the better one, the one that feels right, and the one that makes you happy. Right...