[Cindy’s POV]
“Cindy! Cassey! Tara na sa café!” Tawag sa amin ni Rain.
“Okay pero iiwan ko muna yung ibang gamit ko sa locker.” Sabi ko kay Rain.
“Wait. Ako din.” Sabi naman ni Cassey.
Dumaan na kami sa locker at iniwan na naming yung ibang gamit na kailangang iwan at naglakad na papunta sa café.
“Ay. Bukas na pala yung start ng registration para sa mga clubs. Anong club mo Cindy?” Tanong sa akin ni Rain.
“Anu-ano ba yung mga clubs?” Tanong ko pabalik.
“May drama, journalism, sports, cheerleading, fashion, photography, debate at madami pang iba. Puntahan natin yung announcement board ngayon, alam ko pinaskil na nila yung list ng clubs.” Sagot naman ni Cassey.
“Ah. O sige. Daan muna tayo. Anong club ang sinalihan niyong dalawa this past two years?” Tanong ko ulit.
“Wala akong sinalihan na club this past two years e, hindi naman required e. Tsaka masyado akong busy e. But I’ll make up for the lost time.” Sagot ni Cassey.
“Ako sa Journalism ako e. Aspiring na ako ngayon for assistant editor-in-chief. Tsaka nung una sumali lang ako dun kasi nandun yung crush ko, hindi ko naman alam na may hidden talent ako sa pagsusulat.” Sagot naman ni Rain.
“Wow. Ako kaya? Fashion na lang siguro. Total, hobby ko na yun. Cassey, anong club ang sasalihan mo?” Sabi ko.
“Balak ko nga e sa Debate ako sasali. Oo nga pala, university-wide yung club. So, iba’t ibang tao ang makakasama mo sa club. At every month, may kanya- kanyang events ang different clubs tapos magcocompete ang bawat college.” Sabi sa akin ni Cassey.
“Cool.” Sabi ko naman.
Nasa café na kami. Japanese inspired tong café na to. Syempre puro Japanese food ang nandito. Kung nung una Italian ang napuntahan ko, ngayon iba naman.
“Wow. Cool ng place na ‘to! So anong kakainin natin dito?” Tanong ko.
“Sushi at ramen nila dito ang pinakamabenta dito. Pero madami pa namang ibang dish.” Sagot ni Rain.
“Sige. Gusto ko yun parehas. Libre ko. Order na kayo.” Sabi ko.
“Nice. Nung una si Rain, tapos ikaw. Sa next na labas natin ako naman ang manlilibre at may alam akong café na puro pastry ang tinda nila. Ramen lang sa akin.” Sabi ni Cassey.
“Maki na lang sa akin. Dapat lang para fair no.” Sabi ni Rain.
“Okay. Sige. Dalawang ramen, sushi and maki.” Order ko sa counter.
Naghanap na kami ng upuan. Jam-packed ang lugar na ‘to. Ang saya lang ng café adventures ko. Dumating na yung order namin at kumain na kami.
“So, Cindy. Musta naman ang unang araw?” Tanong ni Rain.
“Well. Masaya. Compared to home schooling, this is much better. Masaya dahil hindi ko na kaharap ang computer at one-on-one tutor ko, dahil mga totoong tao na ang kasama ko.” Sagot ko naman.
“Home schooled ka? Gusto ko nga dati na maexperience yan e.” Sagot naman ni Rain.
“Loka. Ang boring kaya. Hindi ba Cindy? Nung two months kaming nawala ng bansa, naalala mo pa ba ‘yon Rain? Naghome school ako. Boring to death. Mukha lang ng tutor mo ang kaharap mo sa araw araw.” Complain ni Cassey.
BINABASA MO ANG
Unveil the Secrets
Teen FictionThere would always be two sides in a coin. Two options to choose from: black or white, live or die, stay or run; but in the end it is still up to you which decision is the better one, the one that feels right, and the one that makes you happy. Right...