Chapter 10- Library Moments...

79 5 1
                                    

[Anton’s POV]

            Maaga kaming pinauwi ngayon, so nauna na ako sa library. Kaming dalawa lang ni Cassandra ang magreresearch kasi last-minute nagcancel si Cindy. Sabi niya, may inutos daw sa kanya sa club. Okay lang! Haha. Para naman may moment kami ni Cassandra no! 3:35 na, wala pa din siya. Hm. Baka naman late nadismiss. Antayin ko pa. Naalala ko lang yung conversation namin sa bahay. Akala niya totoo talaga na nag-promise siya. Haha. Kumagat naman agad. Niloloko ko lang siya e, pero pumayag naman. Okay na ‘yun. Para maging magkaibigan na din kami. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo sa akin nun. Maitanong nga mamaya.

*3:40 PM*

*3:45 PM*

*3:50 PM*

            Ang tagal ha. Ano na kayang nangyari dun? Nasa likod lang naman ng building namin  yung library. Babalik na sana ako sa building ng biglang bumuhos ang ulan.

“Tsk. Si Cass baka mabasa!” Kinuha ko yung payong ko at naglakad na pabalik sa building ng may nakabunggo ako.

“Anton! Sorry na late ako! Late kami pinalabas e. Tsaka kinausap pa ako ni Rain.”

“Okay lang yun. Halika na dito at basang basa ka na.”

Pinayungan ko na siya at naglakad na kami papunta sa library. Kawawa naman si Cass. Inabot ko yung panyo ko sa kanya at nagpunas siya.

“Thanks. Wew. Buti na lang, hindi ako gaanong nabasa. Tara, pasok na tayo. Mukhang hindi din naman tayo makakauwi agad kasi ang lakas ng ulan e.”

“Okay.”

            Pumasok na kami sa library at nagpunta na sa medicine section. Humanap na ako ng upuan.

“Bakit kakaunti lang ang gumagamit ng library?” Tanong ko sa kanya.

“Duh. May Internet kasing tinatawag.”

“Ah. Eh bakit nagreresearch pa tayo sa library? Gusto mo siguro akong masolo?”

“Kapal. Idea mo kaya ito?”

“Ay. Haha. Sabi ko nga.”

“Tsaka, mas ideal ang library kesa net para naiiba ang research natin. Okay, maghanap na tayo ng books na gagamitin.”

            Naglakad na kami papuntang bookshelves, si Cass naman ang umakyat sa patungan para makahanap ng book sa top shelf. Unfortunately, nadulas siya. Fortunately, nasalo ko siya.

[Cassandra’s POV]

            Naglakad na ako papunta sa bookshelves, si Anton naman sunod lang. Pumatong ako sa parang stairs para matignan yung books sa top shelf. Haalaaaa! Nadulas ako. Sana hindi ako malaglag. Buti na lang nasalo ako ni Anton. *sigh*

“Cass…” Tinignan ko siya sa mga mata niya. Hinihigop nanaman ako ng mga mata na iyon.

*tugdugdugtug* (Ano ba yan? Tibok ng puso ni Cassandra yan! Walang magulo. :P)

“Ehem!” Tinulungan niya akong tumayo, tapos umalis na yung intruder.

Tsk. Panira ng moment.

“Thanks. May nahanap na ako.”

“No problem. Sige. Maghahanap pa ako. Maupo ka na lang muna.” 

            Bumalik na ako sa table namin. Hay. Moment na yun oh! Nagpakabusy muna ako habang hinihintay si Anton pero ang naiisip ko lang eh yung mga mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unveil the SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon