Chapter 6- Friends?

55 4 0
                                    

[Cindy’s POV]

            Nagpalipas ako ng weekends sa bahay ng mga bagong kaibigan ko. Marami kaming napag-usapan: fashion, books, hobbies, love life at lalo na yung school. Na-eexcite na ako dahil ngayon ang first day ko sa real school. Home schooled kasi ako dati.

“Daddy! Mauna na po ako! Bye!”

“Bye, princess! Goodluck on your first day! Make new friends alright? Invite them to your party on Wednesday, ok?”

“Yes, daddy! I’ll go na!” Hinatid na ako ng driver namin sa school.

            Pagdating sa school, nakita ko si Lorraine at Cassandra na naghihintay sa may tapat ng building. Tinawag ko sila.

“Lorraine! Cassandra! Over here!” Kumaway ako sa kanila. Nakita nila ako at lumapit sila sa akin.

“Good morning Cindy!” Bati ni Rain sa akin.

“Good morning Cindy. Let’s go sa Dean’s office. Kuha tayo ng schedule mo.” Sabi ni Cassey.

“Good morning Rain and Cassey! Okay, let’s go!” Pumunta na kami sa Dean’s office. Nakuha ko na yung class schedule ko. Classmate ko si Rain sa Laboratory. Natuwa naman kaming parehas.

“At dahil maaga pa, dalhin muna natin siya sa spot natin.” Pang-aaya ni Rain.

“Spot? Ano yon?” Tanong ko sa kanila.

“Tambayan namin ni Rain. Exclusive yun. Hindi ka pwedeng magstay dun kung hindi ka namin iniinvite. Pero dahil kaibigan ka namin, we are giving you the priveledge to invite people there.” Pag-eexplain ni Cassey.

“Oh! Ang cute! Hahaha. So you mean, pwede kong gamitin yung spot na yun anytime I want?”

“Yup. Sometimes, I use our spot to held club meetings.” Sagot ni Rain.

“Here we are!” Sabi ni Cassey. Nagpalipas kami ng oras at ng malapit ng magstart yung class, naglakad na kami pabalik ng building. Sa third floor yung una kong class; si Cassey, sa fourth floor; and si Rain, fifth floor.

“Cindy. Yung Laboratory Room pala, sa 407. See you later!” Sabi ni Cassey.

“Bye Cindy! Dadalhin kita sa café mamayang uwian!” Sabi ni Rain.

“Bye girls! Rain, I’ll look forward to it!” Paalam ko. Pumunta na ako sa first class ko.

[Anton’s POV]

            May pasok na ulit. Kasama ko sa first class si Cassandra. So far, ganun pa rin yung treatment niya sa akin.  Haha. I know you better, Cassandra, ako kaya si thebossmfia, pero syempre ‘di ko sinabi sa kanya yun.

“Oh. Transferee. May lab tayo later right? Gumawa ka ba ng research? Ang ayoko sa lahat yung irresponsible. Kung hindi ka gumawa-“

“Cassandra. For your information, hindi ako irresponsible. Gumawa ako ng research ‘no. Gaya nga ng sabi ko, favorite ko ang lab.” Ngumiti ako sa kanya.

“Don’t. Ever. Call. Me. Cassandra. Okay?” Bakit nagagalit ‘to? Hala.

“Okay. Cassandra.” Maasar nga.

“Ugh. Whatever. Don’t talk to me again.” Ibinalik na niya sa board yung tingin niya.

“Ikaw kaya yung unang kuma-usap sa akin.” Nakangiti pa din ako. Tinignan niya ako with evil eye. Kahit na anong reaksiyon niya. Maganda pa din siya. Haha.

Unveil the SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon