[Rain’s POV]
Every ending is the start of a new beginning. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng umalis si Brent ng bansa at balita ko dumating na din yung bagong lipat sa bahay nila. Malungkot man isipin na may bagong tao sa bahay nila, patuloy pa rin ang buhay. Kaya naisipan ko na kilalanin sila.
“Cassey! Gising na! May gagawin tayo ngayon!” Grabe talaga matulog ‘tong kaibigan ko. Parang mantika. Hindi talaga siya natitinag. Alam ko na kung ano ang makakapagpagising sa kanya. Kiniliti ko siya.
“Ugh. Ahihi. Nakikiliti ako. Tama na please?” Hahaha. Bumangon ka na kasi. Konti pa. Yey. Bumagon na din sa wakas.
“Good Morning! Eto na yung towel mo. Magshower ka na at mag-gi-gym tayo.”
“Ugh. Saturday ngayon ah. Walang pasok. Teka. Gym? Anong oras pa lang ba?” Tanong niya.
“5:30 na po. Nakalimutan mo na ba? Tinawagan kita kagabi. Pumayag ka dahil sabi mo na two weeks ka ng hindi nakakapunta simula ng mag-start yung class.” Nagpout ako at umupo na kunwaring nagtatampo.
“Okay. Okay. You win. Give me 10 minutes. Pakisabi na din kay Manang na timplahan ako ng hot chocolate.” Pumasok na siya sa bathroom at hinintay ko muna na mag-on yung tubig bago ako bumaba.
“Manang, patimplahan daw po si Cassey ng hot chocolate.”
“Sige po, ma’am. Eh kayo po?”
“Orange juice na lang. Ay manang, dumating na ba yung kapitbahay nating bago?” Tanong ko sa kasambahay nila Cassey.
“Ay opo ma’am. Mga 12:30 dumating. Naabutan ko pa kasi nagliligpit pa ako sa may kusina.” Sagot naman niya.
“Hm. Ano kayang nabago sa bahay nila Brent? Ano sa tingin mo, manang? ‘Di ba this past few days maraming tao ang naglalabas-pasok sa bahay nila?”
“Good morning, manang.” Bati ni Cassey sa kasambahay.
“Good morning din ma’am. Eto na po yung hot chocolate niyo.”
“Thanks. Oo nga manang. Napansin ko nga din yun. May idea ka ba kung anong mga binago nila?”
“Ah. Sabi sa akin ng isang kasambahay dun, pininturahan daw yung loob tapos yung mga furnitures na dapat ayusin o palitan, ginawa. Nagdagdag sila ng mga appliances. Sabi isusunod naman daw yung exterior kapag dumating na yung may-ari.”
“Oh. Thanks manang. Mauna na po kami. Sa bahay na kami mag-aalmusal.” Tumayo na ako. Sumunod na din si Cassey. Lumabas na kami ng bahay nila. Medyo mainit na dahil sumikat na ang araw. Nag-umpisa na kami sa paglalakad papunta sa may gym. Medyo malayo din yun kaya mahaba-haba din ang lalakarin namin ni Cassey.
“Rain. Kamusta ka naman? This past few days, hindi kita masyadong nakikita. Kaya nagulat ako ng ginising mo ako kaninang umaga.” Tanong sa akin ng kaibigan ko.
“Duh. Pumayag ka kaya kagabi na mag-gym tayo. Nakalimutan mo na ba? Anyways, ok naman ako. So far, may progress yung pag-momove on ko dahil hindi naman masyadong masakit. You know what I mean.” Sagot ko.
“Good.”
“Dumating na pala yung bago nating kapitbahay. Puntahan natin mamaya?”
“Shoot. Hindi ko pala naconfirm kay Dad kung sila nga yung may-ari ng D&G. Better be dressed up later para wala silang masabi.”
BINABASA MO ANG
Unveil the Secrets
JugendliteraturThere would always be two sides in a coin. Two options to choose from: black or white, live or die, stay or run; but in the end it is still up to you which decision is the better one, the one that feels right, and the one that makes you happy. Right...